"Ms. Teagan, natutulog ka na naman sa klase ko", reklamo ni Miss Mendez. Pakusot kusot naman akong bumangon at pilit na nakinig sa boring nyang klase. May usapan kami ni Knox, mamayang hapon kami bibili ng parts para sa robot kaya naglista na ako ng mga dapat bilhin.
This is boring.
Ang sarap isigaw yan sa pagmumukha ni Miss Mendez but ayaw kong makick out ng di oras so magtitiis nalang muna ako.
"Hey Teagan", bulong nung nerd na nasa likod ko.
"Oh?"
"Bakit absent si Knox?"
"Malay ko. Tsk. Tanungan ba ako ng mga absent?", I rolled my eyes.
"Seatmate mo sya diba. Tsaka kahapon pa sya absent, hindi ka man lang nagwoworry?"
Nag-aalala syempre, tanga ka ba.
"Wag mo nga akong kausapin", pagtataray ko. Ang dami dami nang problema sa pinas, dumadagdag ka pa. Kaya ayoko sayo eh. Tsk.
Dumaan ang boring na klase, thank God. It's 3:00 in the afternoon at wala na akong susunod na subject so I decided to compose a text to Knox.
To: Knox
Hey. You coming?
~
Ilang segundo lang ay nakareceive agad ako ng reply mula sa kanya.
From: Knox
Yea, let's meet at the coffee shop
I didn't bother to reply dahil nakakatamad lang. Like he said, nag-antay ako sa pinakamalapit at nag-iisang coffee shop sa school. Surprising, Evie's not bugging me this day, actually since pa kahapon. She's not answering my calls nor texts. Di rin kami nagkikita sa school pero alam kong pumasok sya. I don't know what's her problem, hindi naman ako yung tipo ng kaibigan na tatadtarin sya ng advice at life lesson tsk. Kakornihan lang ang mga yon. Napatingin naman ako sa batang nakatunganga sa harapan ko. Glass wall lang kasi ang coffee shop kaya nakikita mo ang mga tao sa labas. Nakatunganga ito sa harap ko habang nakadungaw sa kape na iniinom ko.
I gestured and mouthed 'go away' pero hindi sya umalis. Humanity will be mad at me again. I ordered a donut at inabot iyon sa batang nakatunganga sa harap ko kanina.
"Bata, wag ka nang manglimos dito ha?"
"Ito lang naman po yung alam naming gawin...", nakayukong usal nito.
"Marami pa kayong kayang gawin, alam nyo bang masama ang nanlilimos?"
"P-po? Ibig sabihin, masama kami?"
"Oo pero pag tinigil nyo na yan, hindi na kayo magiging masama"
"Ang bait mo ate!"
I smiled. Kung alam mo lang bata.
"Umalis ka na bago pa may mag-ikot na tanod dito"
"Salamat ate ganda!"
Masaya itong umalis at sinama pa ang mga kapwa bata na namamalimos para paghatian yung binigay ko na donut.
"Spoiling street kids?", gulat naman akong napatingin sa likod ko. His lean figure welcomed me.
"H-hey..."
"Were you talking to those kids?"
"I handed them a donut"
"Anyways, let's have coffee first. Final discussion muna bago natin simulan yung pagbuo sa mismong robot"
We sat down and chat. Halos wala naman akong maintindihan sa sinasabinnya dahil nakatunganga lang ako sa pagmumukha nya at nag-iimagine ng kung ano ano. Mahaba pala ang pilik mata nya, mas nakakadagdag sa pagiging pogi. If Evie was here, she'll go crazy dahil naririnig nya akong kinocompliment si Knox.
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
ActionNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...