Pagkagising ko, hindi ko pinansin sila mama. Hindi narin ako kumain dahil hindi naman ako nagugutom. Tsk.
"Freya-gurl? Bat nakasimangot ka dyan?", bungad ni Evie na kakadating lang. Nasa likod kami ng puno at walang pasok sa sub ko ngayon kaya dito ako nakatambay. I badly need a place for reflection. Nakakaimbyerna. "Ay? Ayaw mo sagutin? Artista ka gurl? Feeling artista lang?".
"Silly"
"Ano nga kasi?"
"Nothing"
"Nothing? Tapos ganyan mukha? Sinong pinaglololoko mo Orphelia?", tinakpan ko naman agad ang bibig nya at nagpalinga linga sa paligid.
Pambihira. Ipapahamak mo pa ako.
"Shhh!"
Pilit naman nyang tinanggal yung kamay ko sa bibig nya.
"Ambaho ng kamay mo gurl!"
"Pakain ko to sayo pag nag-ingay kapa", banta ko.
"Sorry naman. Tsk"
"Alis nako"
"Kwentuhan muna tayo!"
"Kung sayo lang din, thanks but no thanks", inirapan ko sya at saka tumayo na.
"Anubayan! Dyan ka na nga"
Umalis na sya kaya ako din. Sa cafeteria naman ako tumambay at nagbasa basa ng mga libro. May isang oras pa bago ang susunod kong klase.
"Hey"
"Uhmm..sorry?", iniangat ko ang tingin ko sa babaeng nagsalita sa harap ko. Hindi sya pamilyar at iba ang uniform nya. Outsider tsk.
"Hi. I think I'm lost. Alam mo ba kung san ang principal's office?"
"Straight then left", usal ko at itinuro ang hallway sa kanan ng cafeteria. Ngumiti naman ito sakin bago nagpaalam.
"Thanks. Una nako", tango lang ang isinukli ko sa kanya. Bahagya naman ayang napasimangot pero umalis rin.
Base sa uniform nya, alam kong sa Northfield sya nag-aaral. Maganda sya at mukhang model pero lowkey lang. May mga nagtitinginan din sa kanyang mga schoolmate ko at may ibang sumusunod pa.
I continued studying kasabay ng pags-sketch ng interior design. Mula sa placement ng wiring at program ng mga yon.
"Hey!"
"Sht!", gulat na usal ko. Napapikit naman ako ng mariin nang lumampas yung sinusukat at minamarkahan ko sa ruler. Padabog ko namamg ibinaba ang ruler at lapis at hinarap yung poncio pilatong nanggulat sakin. "K-knox?"
"Yea. Relax relax. I'm sorry. Did I scare you?"
Naupo ulit ako at nagfocus nalang sa libro ko. Naupo din sya sa tabi ko at sumisilip silip sa binabasa at dinodrawing ko. Panay naman ang usog ko dahil mas dumidikit sya sakin.
"What's that?"
"I-interior design ng robot"
"It looks cool"
"S-salamat..."
"We sho—"
Naputol yung sinasabi nya nang tumunog yung cellphone nya.
"Hello?... Bakit?... Hindi naman... Okay"
Grabe. Ang cold nya sa tawag. Tsh. Parang si Zeus.
"Sorry about that. Anyway, I can give you some pointers. May naisketch din kasi akong design ng robot. We can start building it"
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
ActionNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...