Pinapaikot ko ang sarili ko sa upuan ko. Degulong kasi at napapaikot kaya para narin akong nagmemerry-go-round in a less expensive—less effort cost.
Time check
7:18PM
Nakalog-in na ako sa RPG Matrix account ko pero di ako naglalaro.
Hadid is now online.
Basti is now online.
Tatlong pangalan lang ang nasa inbox ko. Kay Evie, Hadid at Basti. Sila palang kasi yung naging friends ko sa laro. A message popped on the screen.
Hadid:
HEY MS. LUCKYGIRL. TARA QUEST.Reply to Hadid:
Invite.Hadid:
Nice.Hadid invited you to party.
Accept|DeclineI pressed accept at nagrecall na ako sa lugar kung nasaan si Hadid. Sa kauna unaahang pagkakataon may nakasalamuha akong ibang players. Madami sila dito.
Ito siguro yung city na tinutukoy ni Hadid noon. Ang Vigorous.... May mga avatars na lumalapit sakin. Pinapalibutan nila ako. Eventually, hindi ko sila naririnig dahil di naman kami magkaparty. Team mo lang ang makakarinig sayo once na nag-open mic ka. Nung una kaming nagkakilala ni Hadid nakausap ko sya kahit di kami magkaparty, siguro dahil dalawa lang kami non.
"Hadid..."
"Hi Orphelia!"
"Bakit madaming players dito?"
"Sinabi ko kasing iimbitahan kita hahaha"
"What?", gulat na tanong ko.
"Gusto ka kasi nilang makitang maglaro. Karamihan sa kanila mga kaschoolmate ko. Abot dito yung issueng pagkakuha mo nung rare item eh!"
Matagal na simula nung naglaro kami ni Hadid. Yung unang araw na paglalaro ko, yun din siguro ang una at huli naming interaction. Level 15 na sya at mukhang mas malakas na. Kakaupgrade ko lang ng caracal f ko. Mas mabilis na yung pagrereload at yung pagkasa nya.
"What am I suppose to do here?"
"Magpasikat ka hahaha. Ang plano kasi. Gusto ka nilang isali sa stream nila Zeus para makita nila kung pano ka maglaro"
"Zeus?"
"Oo! Yung top player ng Ravenglass—ng server natin!"
Kusang tumindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang pangalan nya. Para kasi nakakatakot sya.
"Hindi ako magaling Hadid—"
"Pano mo makukuha yung item kung di ka magaling diba?", natatawang sabi nya.
"Nakuha ko yun dahil sa tulong ng mga kaparty ko"
"Pero sayo parin napunta yung item. Ibig sabihin malaMVP ka sa mission nyo—ay ayan na! Online na si Zeus! Invite ko lang!"
"H-ha? Wait wag!"
"Done!"
Lumitaw naman ang isang lalaking avatar. Lumitaw sya sa mismong gitna ng lugar. Nasa isang parang bakanteng lote kasi kami. Nakapalibot lang samin yung ibang players at kami yung nasa gitna. Kahit di ko rinig, alam kong nagsisigawan nayung mga kasama namin dito sa city. Nakajacket ito na parang pangwinter. May nakakabit din na tali at hook sa kaliwang bewang nya. May dala dala din itong libro na paranag almanac na ewan.
Zeus
[---------------]
Lv. 27Woah.
Di na ako nagsalita. Natatakot ako baka mapiyok ako sa kaba. Isang top player ang nasa harap ko ngayon. Isa sa mga magagaling.
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
AksiyonNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...