Paikot ikot ako sa gaming chair ko ngayon. Nag-aantay lang ako ng text mula kay Evie. Sabi nya kasi gusto nyang maglaro kami.
*ting!*
*1 new message*
From: Evie
Eyyy! Hiniram ko computer ni Kuya. Arat laro!
Di na ako nag-abalang magreply at nag-log-in na sa RPG Matrix.
Welcome back, Orphelia!
PrettyGirl(online): Ikaw na mag-invite.
You invited PrettyGirl to party
"Hey Freya-gurl"
"Tara quick mission—"
"Wait. Di moko binalitaan tungkol dun sa usapan nyo ni Knox? Ano? Dumadamoves kana ba? Magiging ninang na ba ako?! Ha?"
"Shut up Evie!"
"Biro lang. Wag kang defensive. Napaghahalataan ka eh! O tara na, quick mission—teka ba't quick mission lang? Ang dali dali lang nun eh. Di tayo makakapag-level up agad"
"Kailangan kong magresearch pagkatapos"
"Research saan?"
"Sa robot na gagawin namin"
"Yii talaga?! Anong robot ang gagawin nyo?"
"Gusto ni Knox na fighter-bot eh"
"hala? Yung may mga armas?"
"Not really, he said we can program it to fire confettis instead"
"Ay ang cute. Galingan nyo dyan ah! Malay mo mas maging close kayo ni Fafa Knox nyan! Hahaha yiiieee"
"I don't have any interests on making him check me out Evie. Hindi naman ako gaya mo na nabubuhay sa tingin ng mga lalaki"
"Uy! Grabe ka sakin. May jowa na ako noh"
"Yeah whatever"
MISSION: Save Placid City from danger.
"We need to go to Placid City. Dun ang mission"
"Okay"
Nagrecall kami sa Placid City. It doesn't look Placid at all tsh. Sira sira na ang mga building at may mga bangkay na ang tao na nagkalat kalat sa daan.
"This place is horrible", Evie commented. "Anong kailangan natin gawin?"
Objectives: save people from being killed by robots
"speaking of robots..."
"Bakit?"
"Tungkol din sa mga robot ang misyon natin ngayon"
"robot? May mga robot dito? Mayghad. Anong pantapat natin sa mga yun?"
"Tara"
Tumakbo ako papunta sa isang abandonadong building. Wala kaming nakitang ibang players bukod samin ni Evie. Siguro ay nasa Vigorous ang lahat. Balita ko may nagpapasimuno ng pustahan at labanan don. Tsh. May mga robot kaming nakakasalubong pero di naman nila kami inaatake. Siguro ay mababa lang ang sensitivity nila. Saka lang sila aatake pag inunahan.
"Fill your gun with ammo. Kailangan nating hanapin yung mga tao para mailikas natin", usal ko.
"May mga tao paba dito?! Eh parang ghost town na ang city nato"
Walang ibinigay na mapa yung game kaya mano mano kaming magroroving sa buong city. May mga nakikita kaming taong buhay pa at dinadala namin sila sa iisang lugar. Hindi naman matitigas ang mga ulo nila dahil sumusunod naman sila sa utos namin.
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
AcciónNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...