Pakurap-kurap ako habang pinapanood si Sir na magdiscuss. Kanina pa pabalik-balik yung sinasabi nya. Di ko na mabilang sa daliri... Yung mga kaklase ko naman kanya kanya ng tago ng cellphone, di nakikinig. Di ko naman sila masisi, talagang nakakabagot magdiscuss si Sir.
*knocks*
Napalingon kaming lahat sa pintuan nang iluwa nito ang isang matangkad na lalaki.
"Is this CSS-ClassA1?"
Di makapaniwala ang expression sa mga mukha ng kaklase ko.
"Why are you late Mister?!", pagtataray ni Sir.
"I was looking for this room—hindi ako aware na mahirap pala hanapin ang room nato", he calmly said in monotone.
"Sit beside Ms. Teagan! Pareho kayong late sa klase ko!", nanlaki naman ang mata ko nang marinig ko ang apelyido ko. Napayuko ako dahil sa naramdamang hiya. Nainis ako bahagya dahil sa sinabi ni Sir, hindi naman kasi kailangan na ipangalandakan nya na late ako...sa harap pa mismo ni Knox. Parang gusto ko na tuloy magpalamon sa lupa...kahit wag na nya ako iluwa, ayos lang.
Naramdaman ko ang pag-upo nya sa tabi ko. Nakakapangilabot yung aura nya, parang yung awra na naramdaman ko sa arena at gloomy village ako.
"The square root of 81 is?"
"9 sir"
"How about 49?"
"7 po", we chorused.
"Good. Total matatalino naman kayo. Di na kayo mahihirapan sa quiz ko bukas"
"Hala?! Quiz na naman?! Kakaquiz lang kahapon ah!"
"Ano ba naman yan. Plano ko pa naman sanang maglaro buong hapon mamaya!"
"Ako nga din eh. Mag-aaral na naman ako nito"
"Ayokong nakakarinig ng mga reklamo ha!", sigaw ni Sir. "Like it or not—you must like it"
Huminga ako ng malalim bago tumanaw sa bintana. May mga maliliit na ibon na dumadapo dun at tinutuka yung glass window—creating a small noise. Natapos ang oras ni Sir pero lutang parin ang mga kasama ko. Di makaget over sa paquiz ni Sir bukas.
"Freya dear!"
"Ano na naman Evie?", walang ganang tanong ko. Hinila nya ang braso ko at kinaladkad ako papunta sa cafeteria kung san nagrerecess karamihan ng estudyante.
"Classmate kayo ni Knox diba—aray!", nakurot ko sya dahil sa lakas ng boses nya. Buti nalang at nangibabaw parin yung boses ng ibang estudyante kaya natabunan yung kanya.
"Ang ingay mo"
"Ihh kasi! Totoo nga? Classmate mo sya?"
"Oo", walang ganang sagot ko.
*pak*
"Bakit moko hinampas?!"
"Nakakakilig eh! Akalain mo yun? Sa dinami daming eskwelahan, dito pa talaga nagtransfer yung lalaking yun", pangisi ngising sabi nya.
Inirapan ko sya at naglaro nalang sa cellphone ko ng criminal case. Pakiramdam ko ang daming nangyari sakin simula nung naglaro ako nung RPG Matrix, bukod sa nakakarinig ako ng mga tips mula sa mga nakakasalubong kong estudyante, namamangha talaga ako sa game. Binisita ko din yung website nila kahapon at sa pagkakaalam ko malaki talaga ang kinita ng laro simula pa nung released date.
Lumipas ang ilang araw ganun parin, paminsan minsan nalang ako maglaro dahil nahahati yung oras ko sa acad. Level 5 na ako sa isang linggong paputol-putol na laro. Saludo ako dun sa mga beyond level 20 dahil saksi ako sa fact na mahirap magpalevel up sa game knowing na wala pang dalawang linggo yung game dito sa pinas. Kailangan mo talagang paghirapan.
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
ActionNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...