Nang makapasok ako sa kwarto ni kuya yñigo ay wala na siya doon. Ang katulong na lang na nag-papalit ng bedsheet
"Ma'am bumaba na raw po kayo para kumain." Inilagay ko muna sa sofa yung mga paper bag at inilagay ko naman yung pera sa loob ng paper bag
"Umupo ka, amber." Sambit ng mama
Tahimik akong kumain at ramdam ko naman na nakatingin lang sila sa amin
Tumikhim ako at tumayo "Tapos na po ako." Sambit ko kahit na kunti palang ang kinakain ko
Kinuha ko yung baso ko at pinalagyan ng tubig sa katulong na may hawak hawal ng babasagin pitcher
Gusto ko ng pumasok. Nababagot na ako dito. Lagi pa niya akong sinisigawan. Ang mga kaibigan ko lagi nila akong pinapatawa. Gusto ko narin maglaro, matagal tagal narin Simula nun pumunta ako dito. Miss ko narin inisin ang mga teacher ko
Bumangon ako at ininom ang tubig ko. Saktong pagkalapag ko ng baso ay bumakas din ang pintuan at iniluwa doon si kuya yñigo
Nang magtama ang paningin naman ay humiga ako patalikod sa kaniya at nagtaklob ng kumot
"Amber." Hindi ko na pang muling narinig ang ibang sasabihin niya dahil tuluyan na akong nakatulog
Nagising na lang ako sa bigat ng beywang ko. Nakita kung nakayakap sa akin si kuya yñigo kaya pabato ko itong inalis sa beywang ko na ikinagising niya
Pumasok ako bitbit ang P.E uniform namin. Hindi ko kasi ginagamit ang uniform ko dahil masyadong maikli ang palda
Nagtagal na muna ako sa banyo baka sakaling pumasok na sa trabaho si kuya yñigo pero nandoon parin siya sa kama na bagong ligo. Sa tingin ko naligo siya sa ibang banyo
"Am-." Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil Lumabas na ako
Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan kung kumakain sa hapag sila mama kaya lumapit ako para magpaalam
"Papasok na po ako." Paalam ko sa kanila
"Wala kayong pasok, iha. 2weeks kayong walang pasok dahil nay seminar ang grade 12 teachers."
"Ganun po ba. Sige akyat na lang po ako." Tumalikod ako sa kanila na sana hindi ko na ginawa
"Sorry." Tanging sambit niya
Napaangat ako ng tingin habang sapo sapo ang noo ko at tinignan siya ng masama
"Bwiset! Ba't kasi andiyan ka sa likod ko! Ang lawak lawak dito, o. Diyan ka pa sa likod ko tumayo. Bwiset." Tinulak ko siya patagilid at umakyat akong muli sa kwarto para magpalit ng damit. Kinuha ko ang kulay white na damit na hiniram ko noon kay toyo pero inangkin ko na, may tatak sa may dibdib na 'Can't be!'. At kinuha ko ang isang short na hanggang tuhod ang laki na medyo fitted.
Pumasok ako sa cr para makapagpalit ng damit.
Nagsisintas na ako ng sapatos ng pumasok si kuya yñigo
"Labas tayo. Day off ko ngayon."
Tinatanong ko ba kung day off ka ngayon! Psh! "Uuwi ako."
"Ihahatid na kita."
"Huwag na baka maabala pa kita." Agad akong tumayo ng masintas ko ang sapatos ko dahil may naalala ako
"Oh, bayad ko nga pala sa nagastos ko kahapon." Ani ko at kinuha yung kamay niya at ipinatong doon ang buong perang hiniram ko kay Juskleign
"Sorry." Nabigla ako ng bigla na lang niya ako hinila kaya napaupo ako sa hita niya
What the fuck! Anong nangyayari sa akin? Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang bang may mga nagkakarerang kabayo sa puso ko
"Ano ba!" Tinulak ko siya dahil kinakabahan ako sa nararamdaman ko
Tumakbo ako palabas ng bahay nila
Dinial ko ang numero ni miko sa selpon niyang may load na pantawag pero walang pang internet
"Miko ang bilis ng tibok ng puso ko." Bungad ko sa kaniya
"Ano bang ginawa mo?"
"Wala. Niyakap lang ako ni kuya yñigo, yung pulis. Ganito na ang puso ko." Paliwanag ko sa kaniya
"Tapos noong nakaraan hinalikan lang niya ako sa noo, parang gusto ko ng maglupasay sa kilig." Paliwanag ko ulit
"Malala na 'yan. Nahuhulog kana sa kaniya, amber." Natulala ako sa sinabi ni miko
"Busy ka? Pwede ba tayong magkita. Gusto kung uminom." Sambit ko sa kaniya at pinara ang taxi
"Hindi."
"Pupunta ako sa inyo."
"Wala ako sa bahay. Andito ako sa U.S kasama ko si kuya. Dinalaw namin si mama." Pabagsak akong sumadal sa likod ng upuan ng taxi
Binaba ko na lang ang tawag at pumikit
"Saan po tayo ma'am?" Tanong ng taxi driver
"Walang tayo kuya. Doon po sa open na bar." Ani ko
Ipinarada ng taxi driver sa harapan ng Shicx bar
"Beer lang po sa akin kung mayroon." Sabi ko sa bartender ng makaupo ako sa isang stool sa harapan niya
Yñigo POV
"Nag-away ba kayo ni amber?" Tanong ni mommy ng pababa na ako ng hagdan para sundan si amber
"Nasigawan ko po siya at napagalitan po kagabi." Nakatanggap ako sa isang batok kay mommy
"Hindi mo dapat sinigawan at pinagalitan si amber. Hanapin mo siya at mag-sorry. Kapag hindi pa kayo mag-kakaayos, babatukan na naman kita."
Hindi ko naman siya sinasadyang sigawan at pagalitan kagabi. Nagulat lang ako sa dami ng nagastos niya. Pop na pop pa naman 'yung cellphone ko dahil nakakunekta 'yung credit card ko sa cellphone. Na kapag nag-labas o may binili, gamit ang credit card ay nagpapakita doon ang amount na nagastos
Nag-sorry naman ako pero hindi niya ako pinapansin. Nang nasa kusina pa nga kami, nagulat pa si mommy at daddy dahil sa pagmumura at pag-sigaw niya sa akin
Maghahapon na pero hindi ko parin siya makita. Pinuntahan ko na nga sa bahay nila pero wala siya. Sa mga kaibigan niya pinagtatanong ko pero Hindi raw nila nakita. Pumunta na ako sa eskwela namin pero ganun din, wala rin siya
Umuwi muna ako sa bahay para kumain at babalik ulit sa paghahanap
Nang makarating ako sa bahay ay nakatikim ako ng batok kay mommy
"What was that for?" Tanong ko kay mommy at napakamot sa ulo kung binatukan niya
"Go and see yourself on your room." Kahit na nalilito sa sinabi ni mommy ay umakyat ako sa taas at nagtungo sa kwarto ko
Bumungad sa akin si amber na nakahiga sa sofa habang yakap yakap ang unan ko habang nakapulupot sa kaniya ang kumot namin
Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya
"Amber, Gumising kana. Lilipat tayo sa kama." Malambing kung sambit sa kaniya
"Amber, dito lang. Ayaw ka katabi. Bad ka." Napangiti ako sa sinabi niya
"Sasakit ang likod mo dito, amber." Inilagay ko ang ilang takas na buhok niya sa likod ng tenga niya
Kinuha ko ang selpon ko at nagsimula siyang videohan. Pariguradong magagalit 'to bukas kapag ipapakita ko sa kaniya
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...