"Saan ang sinabi mo?" Tanong ko sa kaniya at inabot ang takas niyang buhok at inilagay sa likod ng tenga niya
"Gusto ko po Chuoz restaurant, mama. Yung pwede maglaro ang mga bata doon, may mga mascots, may mga bilihan 'din ng mga gamit namin mga bata. At pwede ring kayong mag-usap usap doon habang nag-lalaro kami sa play zone." Bakaa ang sigla, saya, at kung ano ano pang reaksyon sa mata niya
"Sige, tara na. Maliligo na muna tayo." Ani ko. Umalis naman siya sa pagkakaupo at bumaba ng kama
"Mama, pwede po ba kayong mag-dress at mag-heels. Hindi ko pa kasi kayo nakikitang nag-dress at nagheels po kayo. Sige na po, 'yun na lang birthday wish ko sa inyo. Sige na po, please. Please. Please." aniya at nag-puppy eyes
"Sige para sa birthday girl ko." ani ko at ginulo ang buhok niya
"Yes! 'To po, oh. Kami ni, papa tito Juskleign ang pumili niyan. 'To naman ang shoe mo, mama." Masiglang sambit niya at kinuha ang dalawamg kahon na nasa lamesa sa harap ng TV at inilagay sa ibabaw ng kama
"Dalian na natin, mama. Tayo na lang ang hinihintay nila, papa." aniya
Kaya pala ang tahimik dito sa bahay, at hindi ko siya nakitang pumasok ng kwarto o kahit nakitang lumabas
Agad akong nagsisi nang makita ko ang itsura ko sa full-length mirror. Isang fitted spaghetti black dress na kita na kaluluwa ko. Fitted na nga kitang kita pa ang cleavage ko tapos masaydo pang bitin. Dalawang pulgada ang taas niya mula sa tuhod ko. Sa likod ko naman may sintas siya. At ang sapin ko naman sa baba ay ubod ng taas na heels. Kulay puting heels na sa tingin ko ay white stiletto boots na hindi abo't sa tuhod, parang 'yung simpleng heels lang na nakikita ko sa tiangge. Isa't kalahating pulgada ang taas. Naka-bun ang medyo nakulot kung buhok at hinayaan ang ilang mga buhok kung nahuhulog. Tawag daw dito ay 'messy hair'. Si Mary ang naglagay ng kolorete sa mukha ko. Isang kasambahay dito sa bahay nila yñigo na balak maging make-up artist, kaya heto.
"Mama, ayaw mo ba ng binili namin ni, papa tito?" Malungkot na nakangusong tanong ni tori sa akin habang nakatingin siya sa repleksyon namin sa salamin
"Maganda ka nga po, eh. Sabi nga ni, papa tito, maganda ka kapag Nakangiti ka 'daw pero mas maganda ka kapag mga damit babae ang mga suot mo. At sabi pa niya, para ka raw tomboy sa mga damit mo." At ngayon nagsisi naman akong tinignan ko pa ang sarili ko ng matagal sa salamin. Hindi sana iiyak si tori
Naku, makita ki lang 'yang Juskleign na 'yan. Kukutusan ko
"Anong 'di gusto? ang ganda kaya ng pili niyo ng, papa tito mo. Mag-papapicture tayo mamaya, para makita ng nga klassmate mo na maganda ako, maganda pa ang baby ko." ani ko at yumuko para pisilin ang namumula niyang pisngi
Ngumiti naman siya humawak sa kamay ko
May nag-hihintay sa aming driver sa labas ng bahay. Na si manong Tamil, driver ng bunsong kapatid nila Yñigo
"Ilang taon kana, tori?" Tanong ko sa kaniya habang tinatahak namin ang daan papuntang Chuoz restaurant
"Six po, mama." Bakas ang excitement sa boses niya
"Anong gusto mo paglaki mo?"
"Gusto ko po doktor."
"Bakit doktor?" Inabot ko ang buhok niyang nagulo ng kumamot siya at sinuklay 'to gamit ang kamay ko
"Para makahanap ng gamot para sa panghabang buhay na buhay, mama. Baka kasi kapag lumaki na ako at makapag-asawa, baka wala na po kayo." aniya at ngumuso
"Hindi naman kita iiwan. Palagi mo lang isipin at damhin na lagi akong nandiyan sa puso mo kahit na nasa malayo ako, tori." aniya ko kay ngumiti siya at yumakap sa akin
"Salamat po at kinuha niyo po ako ni papa, mama. Lubos akong nagpapasalamat at tinuturing mo akong anak, kahit na hindi Ikaw ang nag-luwak sa akin. Mahal na mahal kita, mama. Mahal na mahal ko kayo ni, papa." May pumisil sa puso ko sa sinambit niyang mahal. Ang sarap sa kalooban na sinabi niyang mahal niya ako. Ilan lang ang kakilala kung bata na ganito ka-tamis magsalita
'Hindi man kita akin, tori. Ipapangako kung aalagaan kita sa akin makakaya. Mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga. at mamahalin pa kita sa kabilang buhay. Hindi ko man alam maglambing, hindi ko alam kung paano mag-alaga, kakayanin ko. Kapag may umapi sayo, aasahan mung nasa tabi mo ako, ipagtatangol kita. Aasahan mung aalalayan kita sa mga pangarap mo.'
"Andito na tayo, mama." Ngumiti ako sa kaniya at hinayaan muna siyang lumabas
"Mahal na mahal kita, tori. Hindi ka man galing sa akin." Sambit ko sa kaniya na ikinangiti niya
Ang akala ko na kami lang. Pamilya ni Yñigo at pamilya ko. Pero Pagkalabas ko ng sasakyan ay maraming tao ang nakikita ko mula dito sa labas. Maraming mga bata, at mga matatanda. Maraming mascot, tulad ng mga characters ng frozen, hello Kitty, Pooh, Cinderella, Snow white and the seven dwarfs, at marami pang iba. Sa labas may mga bodyguards na nakapalibot sa restaurant,
"Sina mommy lola, mama lola at papa ang nag-ayos nito, mama." Nakangiting sambit ni tori at tumakbo papasok habang hawak hawak niya ang kamay ko. Muntik na nga akong madapa habang paakyat kami ng hagdan buti na lang at nahawakan agad ng bodyguard na nasa labas nagbabantay ang siko ko
"Thank y-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hinila na naman ako papasok ni tori
"Mabuhay!" Matinis na sumigaw si tori kaya napatingin silang lahat sa pwesto namin
"Dali punta tayo sa mesa nila papa, mama- ay hug muna natin si sponge Bob, mama." ang sakit sakit na ng paa ko sa totoo lang. Kanina pa kami tumatakbo 'tong birthday girl
Nang matapos niyang yumakap 'kay sponge Bob ay nagtungo na kaki sa lamesa nila yñigo, at salamat naman at hindi na niya ako hinila
"You look hot!" Manghang sambit ni Juskleign kaya nanlaki ang mata ko at nang matauhan ako ay sinamahan ko siya ng tingin
Sa gilid ng mata ko ay nakatulala sa akin si Yñigo.
'Oh, ano. Matigas na ba 'yang taling mo. Ganda ko no.' Buti na lang at 'di malakas ang pagkakasabi ko
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...