"Talaga bang ginagalit mo ako?!" Bungad ko sa kaniya ng makapasok siya"Anong pinagsasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong sa akin
Ibinato ko sa kaniya ang unan sa inis ko sa kaniya "Gago ka talaga, e, no. Diba nag-usap na tayong kakausapin mo na ang mga ex mo at 'wag ng bumalik? Pero ano 'to? Gago ka pala, e." Binuksan ko ang closet niya at kumuha doon ng bra at magpalit narin ng damit
"Mauuna na ako." Ani ko sa kaniya ng makalabas ako ng banyo
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kila miko
"Nakalimutan mo na bang mag-papaclearance tayo ngayon? Second sem na natin, huy." Ani toyo
"Kanina ka pang huy na huy sa akin gago ka. Putangina mo!" Sabi ko at kinutusan siya
"Baba na." Sambit ni miko at naunang bumaba ng sasakyan
"Ate!" Napatingin ako kay thelina na nasa harapan na namin
"Oh, Ba't andito ka? Diba may klase pa kayo?" Tanong ko sa kaniya
"A-ate ma-may sa-sabihin ako sa-sa i-iyo." Nauutal na sambit ni thelina
"Ano 'yun?" Tanong ko sa kaniya
"Girlfriend ko nga pala, tomboy." Nakangising sambit ni toyo at umakbay kay thelina. Habang nakatungo naman si thelina at namumula ang mga pisngi
"Hindi magandang biro 'to, kevin." Madiin kung sambit sa kaniya
"Hindi kami nagbibiro." Seryosong sambit niya
"Ang usapan natin ay walang manliligaw sa pamilya ng mga kaibigan."
"Eh anong magagawa ko, e, sa nahulog ako sa kapatid mo." Seryosong sambit niya
"Thelina, pumasok kana." Sabi ko kay thelina habang nakatingin kay kevin (A.K.A TOYO)
"Pero ate." Reklamo niya
"Nag-usap tayo na walang munang jowa-jowa diba. Hangga't hindi ka pa tapos ng pag-aaral?" Tanong ko sa kaniya
"Mag-uusap na lang tayo mamaya." ani ko sa kaniya
Tumalikod naman siya at nag-simulang naglakad
"Gago ka rin, 'no?!" Galit kung sigaw sa kaniya
"Hiwalayan mo ang kapatid ko kung ayaw mung makatikim ng suntok, kevin." Susubukan kita toyo
"Okay lang sana kung 'di ka babaero."
"Ikaw na muna ang mag-papaclearance sa akin miko. Pupunta lang ako sa bahay. Pahinge pamasahe." Ani ko sa kaniya at nilahad ang palad ko
"Amber naman, ih." Ay! Parang bakla
"Seryoso ako, kevin." Ani ko at tumalikod na sa kanila
"Mama naman." Reklamo ko 'kay mama at napapadyak sa sahig namin
"Hindi na siya bata, amber."
"Anong hindi na siya bata? 15 palang siya mama 18 na si toyo." Ani ko at sumunod paakyat kay mama
Huminto si mama at humarap sa akin
"Gusto mung maging masaya si thelina, diba?" Tumango ako sa sinabi niya"Masaya siya amber. Masaya siya 'kay kevin. Kung andito ka lang noon, nakita mo kung paano manligaw si kevin. Laging hatid sundo sa umaga at hapon. Lagi niyang binibilhan ng isang palumpong na rosas ang kapatid mo. Lagi niyang nililigawan kahit na sila na. Nililigawan nga niya kami ng papa mo pati ang kuya mo na naiirita na sa kaniya."
"Pero mama, babaero po si toyo."
"Hay naku, amber. Kapag nabalitaan kung naghiwalay silang dalawa dahil sayo. Kukutusan kita hanggang sa mag-kabukol ka. Hala, sige, uwi kanina ka pa hinahanap ni yñigo." Napabusangot ako sa pag-papaalis ni mama sa akin
"Si mama kung makapag-paalis sa akin parang hindi na niya ako mahal." Bulong ko na umiiling na bumababa
Saktong pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si kevin na hawak hawak ang bag ng kapatid ko habang si thelina naman ay nakangiti lang
"Magandang gabi ate." Bati ni thelina sa akin pero nilagpasan ko lang sila
Matagal na palang nanliligaw si toyo 'kay thelina. Pero hindi man lang sinabi ng kapatid ko. Hay buhay! Kailan ka magiging makulay! Na parang gulay! Na hindi nalalantay!
Agad kung ibinigay kay kuyang driver ang address ng bahay nila yñigo
Nang maiparada ni kuyang driver ay taxi niya ay inabot ko ang bayad ko at bumaba na ng sasakyan
"Magandang gabi po." Sambit ng guard ng ma-open niya ang single gate nila na katabi ng gate na malawak na para sa mga nag-gagandahan nilang sasakyan
Binuksan ko ang pintuan at isinarado rin ng makapasok ako
Oh, Ba't kompleto silang lahat dito sa sala "Magandang gabi po." Bati ko sa kanila
"Magandang gabi rin." Sabay sabay nilang sambit
"Mama!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may yumakap sa akin isang batang babae na sa tingin ko ay 5-6 na taong gulang. Kulot kulot ang buhok na lampas balikat. Hanggang beywang ko lang ang laki niya
"That's tori." Narinig kung sambit ni yñigo
"Hands off, kid." ani ko at tinapik tapik ang balikat niya baka sakaling lalayo siya pero lalo lang niyang hinigpitan kaya tumingin ako 'kay yñigo and mouthed him 'get this kid away from me'
"Hey!" Sigaw ko 'kay yñigo at pinandilatan siya ng mata. Lumapit naman siya at binuhat ang bata na nagpupumiglas habang nakadipa ang mga braso niya na para bang gusto niyang buhatin ko siya
"Who's this kid?" Tanong ko kay yñigo
"Anak siya ni Carlo. 'Yung kausap ko noong pulis sa prisinto ng mahuli namin kayo. Anak niya 'to. Kinuha ko siya sa ampunan dahil wala na siyang mga magulang." Ani yñigo at hinaplos ang kuloy na buhok ni tori
"Eh 'yung tatay niya?"
"Nakipagbakbakan siya sa mga drug user at drug pusher sa tondo kahapon. Itinakbo nila sa ospital kaso dead on arrival noon makarating sila sa ospital. Kaya inapon ko na lang siya."
"Mama." Sambit niya ulit at lalong idinipa ang mga braso niya sa akin
"Sorry dear. But i hate kids." Direktang sambit ko at tumalikod sa kanila. Iaapak ko na sana paa ko sa maka-unang baitang ng hagdan ng marinig ko ang iyak niya
'Arhgg! Naman oh' padabog akong lumapit 'kay yñigo at kinuha sa kaniya si tori na tinatahan niya.
Ang ayoko sa lahat ay 'yung umiiyak
"Stop crying." Ani ko sa kaniya at hinaplos ang buhok niya habang paakyat kami ng hagdan
"Tigil na. Shhh." Patuloy lang ako sa pag-hahaplos sa buhok niya hanggang sa tumahan siya
"Ayaw mo ba sa akin, mama?" Tanong niya at kinusot kusot ang mukha niya
"Yes."
"Why po? Cute naman ako sabi ni papa yñigo. Maganda rin ako. Bakit niyo po ako ayaw?" Pigil pigil niya ang kumakawalang hikbi na lumabas sa bibig niya
"Dahil ang mga kagaya mo ay pasaway. At ang mga batang pasaway ay ayaw ko." Ani ko at pinupo siya sa gitna ng kama
"Hindi po ako mag-papasaway, mama. Promise po." Nakangiting sambit niya at itinaas ang kamay niya
"Anong gusto mung kainin?" Tanong ko sa kaniya
"Wala po."
"Hindi ka ba gutom?"
"Hindi po."
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...