"Oh, ba't ang aga niyong umuwi? 10:01 pa lang oh." Sambit ni Juskleign

"Masama pakiramdam ko." Ani ko at umakyat na, buhat buhat ang natutulog na tori

"Masakita ba ulo mo? Tiyan? O katawan?" Tanong ni yñigo ng mailapag ko sa kama si tori. Tinakpan ko ang paa hanggang leeg niya para hindi makita ni Yñigo ang braso niya

"'Di ko alam. Pwedeng pakilakasan ang aircon matutulog lang ako saglit." Ani ko sa kaniya at tumabi 'kay tori

Ilang sandali lang ay tumabi sa akin si yñigo at pinaunan niya ako sa hita niya

"Magpahinga kana. Aalis lang ako saglit. Pupunta ako sa istasyon namin." Aniya at hinaplos haplos ang buhok ko hanggang sa bumigat ang talukap ng mata ko

Nagising na lang ako sa malakas na sigaw.

Napatingin ako sa labas ng bintana na madilim na ang kalangitab

"Mama." Kinakabahan sambit ni tori ng makabangon ako

"Bakit?" Ani ko sa kaniya

"Andito ko sina Untie madz at aling lordes kasama po si Letlet."

"Tara labas tayo. Bibigyan ko ng leksyon 'yung bruhang magulang ni letlet." Ani ko at hinawakan siya sa kamay

Naabutan ko sa labas ng pintuan ang mga magulang ni Yñigo, si Yñigo, Juskleign, at ilang mga katulong nila

"Nasaan ang batang inampon niyo?!" Nagwawalang sambit ng natabang matandang babae na si aling lordes

"Ano pong kailangan niyo?" Peke akong ngumiti sa kaniya

"Huy! Pagsabihan niyo 'yang ampon niyo na 'wag manunulak! 'Di niyo ba alam na pwede ko kayong sampahan sa ginawang kabalastugan ng ampon niyo sa apo ko, huh?!" Sigaw niya at dinuro si tori na mahigpit ang hawak sa kamay ko

Naglakad ako papalapit sa kanila habang hawak hawak parin si tori "Magdahan dahan po kayo sa sinasabi niyo, aling lordes. Baka kayo ang sampahan ko ng kaso." Seryoso kung sambit sa kaniya

"Aba, 'tong batang 'to!" Aniya at akmang papasok ng pigilan siya ng guwardiya

"Sige subukan niyong pumasok. Sector 2, article. 280. Qualified trespass to dwelling. At sa ginawa niyang anak niyo sa anak ko, pwede ko siyang sampahan ng kaso. RA 7619 PROTECTION AGAINST CHILD ABUSE, EXPLOITATION AND DISCRIMINATION." Ani ko sa kaniya

"Tignan mo kung anong ginawa mo 'kay tori." Ani ko sa kaniya at pinakita ang dalawang braso niya

"H-huy!" Bumalantay ang takot sa mukha ni aling lordes Pero agad 'din niyang pinalitan na parang galit

"Pwede ko ring kasuhan ang apo niyo sa pagbibintang 'kay tori na walang katutuhanan." Kinuha ko sa bulsa ko ang lagi kung sinasama sa lahat ng lakad ko at inabot sa kanila

"Kayo na lang ang kumausap sa abogado ko. Sabihin niyo lang kung saan, kailan, anong oras, para makapaghanda ako. I will be their with my cool and shining belt bag." ani ko at akmang papasok na sana sa loob ng may maalala ako

Humarap ako muli sa kanila at timignan ng mula ulo hanggang paa ni madz "At 'wag mung matawag tawag na ampon si tori, madz. Mas okay 'yung inampon kesa sa umakit sa asawa ng kaibigan. Sa pagkakaalam ko kaya kayo nandito sa village ng mga mayayaman dahil nagpabuntis ka sa asawa ng kaibigan mo na si Madeline, Kaya nabuo si letlet. Binilhan niya kayo ng bahay dito dahil sinusustentuhan niya ang semilya niyang nabuo. Tama ba ako, madz?" Ngumisi ako sa kaniya ng bumalantay ang gulat at hiya sa mata niya

"Maaari na kayong umalis." Ani ko sa kanila pero walang gumalaw sa kanila

"Huwag niyo hintayin maging dragon ako dahil hindi niyo magugustuhan. Pero huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo bubugahan ng apoy. Bubugahan ko lang kayo ng suntok." Ani ko sa kanila na ikinatakbo nila papuntang bahay nila

"Mama." Tumingin ako 'kay tori ng bigla na lang yumakap

"Thank you po, mama." Aniya kaya hinaplos ko ang buhok niya bago siya binuhat

"Kapag tumawag sa akin ang abogado ko, ikaw ang magsasabi sa kaniya ng totoong pangyayari." Ani ko sa kaniya

Tumango siya sa akin at ngumiti

"Magsabi ka ng totoo sa kaniya para makulong si Untie madz. Huwag kang magsisinungaling."

"Mama, nag-lie pa po ako." Aniya na ikinakunot ng noo ko

"Hindi lang po braso ang pinalo ni Untie madz. Pinalo pa po niya ako sa butt ko at kinutusan pa po ako sa head ko." Aniya at yumuko

"Alam mo bang mali ang mag-sinungaling, tori?" Tumango tango naman siya

"Sorry po, mama."

"Tori." Nagangat naman siya ng tingin sa akin

"Let's make a deal."

"Ano pong deal?"

"Na kapag nag-lie ka pa sa akin aalis ako. Iiwan ko kayo ni papa yñigo. Gusto mo bang umalis ako at iwan ko kayo?" Bigla siya yumakap sa akin ng mahigpit at umiling iling

"Hindi na po mauulit, mama. Promise po. Huwag lang po kayo umalis. Mama, 'wag po. Ayaw kung mawalan ulit ng mama." Umiiyak niyang sambit habang patuloy sa pag-iling iling

"Hindi ko kayo iiwan, basta't magsasabi ka ng totoo sa akin, mula ngayon?"

"Opo, mama." Aniya at humiwalay

Pinunasan ko ang pisngi ko "Amber!" Napatingin kaming dalawa ni tori sa pintuan ng bigla 'tong bumukas

"Dapat 'di mo na sinampahan ng kaso sina madz, at aling lordes!" Galit na turan ni Yñigo at hinilot hilot ang sindito niya habang nasa beywang niya ang isa niyang kamay

"Mali ang ginawa mo, amber!" Sigaw ulit niya

"Anong mali sa ginawa ko? Mali 'bang ipagtanggol si, tori? Hahayaan ko na lang ba siyang saktan ng iba! Alam mo Yñigo, kung sa tutuusin 'di na dapat masaktan ng ganito si, tori!" Sigaw ko pabalik 'kay Yñigo

"Doon ka muna 'kay, papa tito Juskleign." Sambit ko 'kay tori at binuhat siya at ibinaba siya sa kama

"Nag-aaway ba kayo ni, papa, dahil sa akin, mama?" Tanong niya bigla ng maibaba ko siya sa sahig

"Hindi. Hindi kami ng nag-aaway ng papa mo. Sige na, punta kana doon. Susunod na lang ako mamaya sayo." Ani ko at nginitian siya

Nanatili kaming tahimik ng papalabas si tori

"Bakit mo pa siya inampon kung hahayaan mo lang 'din na masaktan siya?" Mahinahon kung tanong sa kaniya

"Hindi sa ganon, amber." Aniya

"Kung ganon. E, ano. Inampon mo siya para ano?! Para saktan nila?! Para gawin ang gusto nila sa kaniya, ang paluin, sampalin, at kung ano ano pa-" napatigil ako ng bigla na lang siyang lumapit at nilukmos ang bibig ko

AMBER ROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon