Nagising ako sa bigat ng likod ko at masakit na leeg ko. Nagmulat ako ng mata at bumungad sa akin ang gwapong mukha ng magiging asawa ko
Inabot ko ang pisngi niya at tinapik tapik ng mahina
"Good morning." Aniya at lumapit para halikan ako sa noo
"Good morning din. Pwedeng pakitanggal si tori sa likod ko?" Bumangon naman siya at binuhat si tori
Tumihaya ako at pumikit
"Morning po, mama." Napamulat ako sa may basang dumadampi sa buong mukha ko
"Yak, tori. Magtooth brush ka muna bago mo ako halikan." Ani ko at pinunasan ang buong mukha ko
"Kanina pa ako nagtooth brush, mama. Kumuha na nga ako ng breakfast natin sa baba." Aniya at inginuso ang table side
Tinignan ko naman siya "Hihihi." Hagikgik niya at tinakpan ang bibig niya gamit ang maliit niyang palad
"Anong gusto mo?" Ganito ang bata kapag may gusto sila. Nagbibigay suhol o 'di kaya bigla bigla na lang magiging sweet
"Family day po kasi kami sa school, mama. Kung pwede po ba kayong pumunta ni papa?" Tanong niya at umupo sa gitna namin ni yñigo
"Hindi ako pupunta, may lakad ako." ani ko at nag-indian sit paharap sa kaniya
Ngumuso naman siya na abot hanggang sa ibabaw ng kama "Pero mama. Hindi po kasi pwede kapag si papa lang ang pupunta."
"Oo nga naman, mama. Hindi naman pwedeng kami lang ni ate tori ang pupunta sa school nila." Pag-bababy talk ni yñigo
Inabot ko ang unan ko ay ibinato sa kaniya "Anong oras?" Tanong ko 'kay tori
"Yes! 7:30 po hanggang 3:30 po ng hapon, mama." Tumatalon niyang sambit
Nang matapos kaming kumain at maligo ay nagtungo na kami sa school nila tori
Sumalubong sa amin ang maraming mga tao sa harapan ng eskwela nila. ang maraming banderitas, mga nabebenta ng mga street foods, ang mga nagbebenta ng mga laruan pambata, at kung anu-ano pa
"Magandang umaga po. ako nga pala si teacher melanie tianco ang teacher nila tori. Mabuti po nakadalo po kayo." Bati ng teacher nilang nasa forties na ng makapasok kami sa maliit nilang court na sakto lang para sa mga bata
"Magandang umaga po, teacher lanie." Masiglang bati ni tori na buhat buhat ni yñigo habang bitbit niya sa kabilang kamay ang mga gamit namin
"Dito po kayo, ma'am sir." Sambit ng guro nila at tinuro ang monoblock chair na dalawang upuan
Naghintay muna kami ng ilang oras para hintayin ang mga palate na mga magulang ng mga makukulit na mga bata
"Mama." Napatingin ako 'kay tori ng kalabitin niya ako na nakaupo sa hita ni yñigo
"Bakit?" Bulong ko sa kaniya
"Pinagpapawisan po si, papa." Tumingin naman ako 'kay yñigo na tagatak ang pawis sa noo at leeg niya
"Ito po oh." aniya at inabot ang puting towel
"Ikaw na lang mag-punas." Ani ko sa kaniya, pero sa totoo lang gustong gusto ko ng kunin yung towel at takpan ang mukha niya. Paano ba kasi, lahat ng mga nanay dito nakatingin sa kaniya pati ang mga ibang teacher, bwiset!
Inabot ko ang towel na hawak hawak ni tori at pinunasan ang noo ni yñigo na ikinalingon niya sa akin
"Ba't ba ang gwapo mo? Tignan mo oh, kulang na lang hubaran kana nila." Ani ko at inirapan habang patuloy kung pinupunasan ang noo niya
"Mama, iihi lang po ako." Ani tori at bumaba sa hita ni yñigo
"Huwag kang lalayo, ha?"
"Opo, papa." ani tori 'kay yñigo
Nang mapunasan ko ang noo niya ay leeg naman niya ang pinunasan ko
"Tumalikod ka at itaas mo yang damit mo." ani ko sa kaniya
"Pwedeng mamaya na lang sa bahay. 'Di ka ba nahihiya? Dito ka pa talaga nag-ayang maghubad?" Nakangising sambit ni yñigo kaya pinalo ko siya sa braso "Nakapilyo mo, gago!" Bulong ko sa kaniya
"Lalagyan ko lang po ng panyo yang likod mo, baka magka- pulmonya ka po." Peke akong ngumiti sa kaniya at pinihit siya patalikod sa akin at inilagay ang towel sa likod niya. Saktong matapos ko ang paglalagay ng towel sa likod ni yñigo ng dumaan si teacher melanie
"Teacher melanie, wala po ba kayong electric fan? Namamawis na po kasi 'tong si yñigo." Ani ko at tinuro ang katabi ko
"Kukuha lang po ako." Aniya at umalis na sa harapan namin
"Okay lang naman ako. Ba't mo pa inutusan si teacher." Ani yñigo at idinantay ang braso niya sa likod ng upuan ko
"Ba't ang tagal ni tori?" Tanong ko sa kaniya
"'Di ko alam."
"Dito ka muna. Titignan ko lang si tori." Ani ko sa kaniya
Nang makasalubong ako ng janitor ay nagtanong ako kung saan ang banyo nila, tinuro naman niya isang maliit na banyo
Nang makita ko si tori na nakaupo habang sapo sapo ang braso niya at umiiyak
Tumakbo ako palapit sa kaniya at tinignan siya mula ulo hanggang paa ng makita ko ang braso niyang namumula na nangingitim "Anong nangyari sayo? Sinong gumawa niyang sayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya
"Si Untie madz po, mama. Yung Kapit bahay po natin. Pinalo niya po ako." Naiiyak niyang sambit
"Ba't kaniya pinalo?" Tanong ko at tinitigan mabuti ang sugat niya
"Yung anak niya po nagsumbong na tinulak ko 'daw po, pero hindi naman totoo. Mama, ang sakit sakit po ng braso ko." aniya at napapikit sa sakit ng haplusin ko ang braso niya
"Braso mo lang ba ang pinalo niya?" Tumango tango naman siya
Napqbuntong hininga ako "Gusto mo bang umuwi na tayo?" Tanong ko sa kaniya at pinunasan ang pisngi niyang basa
"Paano po ang program, mama? Tsaka ayaw kung mag-alala si papa." aniya at kinusot kusot ang mata niya
"Ako na lang mag-papaliwanag sa papa mo." Ani ko at binuhat siya
Nang makarating kami sa court ay lumapit kami 'kay yñigo na nanunuod ng mga batang naglalaro sa gitna
"Uwi na tayo." Bulong ko sa kaniya na ikinaangat niya ng tingin sa akin
"Bakit? Hindi pa tapos 'tong program." Aniya Yñigo
"Masama pakiramdam ko. Tignan mo si tori, iniyakan pa ako." ani ko at tinuro ang namumulang mata niya
"Okay lang ba sayo tori?"
"Okay lang po, papa." Pilit pinapasigla ang boses ni tori pero hindi naitago ang nahulog na luha sa mata niya kaya sumubsub siya sa leeg ko
"Mauuna na kami sa kotse. Ikaw na lang ang mag-papaalam 'kay teacher melanie." Ani ko at tumalikdod na
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...