XIV

41 2 0
                                    

"Ba't ang sama mo makatingin?" Buti naman at nagtagalog na 'tong english'erong 'to

"I don't need your compliment." Asik ko at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni yñigo

"Masama ba?"

"Oo."

"Paanong masama?" Arghh! Bwiset na 'to talagang nagtanong pa

"Because, boys Will compliment you if they wanna fuck you. So please full back your compliment because I don't wanna fuck with you." Napalo ako ni mama sa braso sa sinambit ko 'kay Juskleign

"Talagang 'yang bibig mo wlaang preno! Isa pang walang kakwenta kwenta ang lalabas diyan, bubusalan na kita ng mansanas!" Napanguso na lang ako sa sinambit ni mama

"Ang ganda mo talaga." Napangiwi ako sa sinambit muli ni Juskleign

"Sabi niya, papa tito, gusto niyang daw 'tong damit na binili natin." Masayang kwento ni tori 'kay Juskleign

"Talaga?"

"Oo, papa tito." ani tori na nakaupo sa isang hita ni Yñigo habang nakasandal ang likod niya sa dibdib ni Yñigo

Napatingin ako 'kay tori ng humagikgik 'to "Mama, kiss naman si papa sa lips." Nanlaki ang mata ko sa sinambit niya

Batang 'to ang daming alam.

"Dali na, mama." aniya at tumawa pati sina mama sandie at sina mama Yana

"Hindi pa ba tayo kakain?" Pambabalewala ko sa sinabi ni tori

"Mama, naman. Sige ako na lang i-kiss mo." Ngumiti naman ako 'kay tori at hinalikan siya sa pisngi

Kaming magkakapamilya lang ang tahimik. 'Yung mga bisita ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Samantalang kami, huni lang ng mga kubyertos ang maririnig sa lamesa namin

at buti na lang nagsalita si mama sandie "Amber."

"'Po." ani ko at nagpunas sa gilid ng labi ko

"Pwede ka ba naming makausap sa taas. May ipapakilala kami sa iyo. Kung maaari?" Ba't ganito magsalita si mama. 'Yung boses niyang nanginginig, yung mga mata niya ay halo halo ang reaksyon, may takot, lungkot, pananabik, at kung ano ano pa na hindi ko na maeksplayn (explain) kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan

"Sige po." Tumayo sila mama kasabay nila mama sandie kaya tumayo ako

Narinig kung nag-uusap sila tori at yñigo pero hindi ko magawang makinig sa kanila dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Naramdama ko nalang na may magpatong ng kung ano sa balikat ko at may pumulupot sa beywang ko

Pagtingin ko, ang coat ni yñigo ang nakapatong doon. Mga braso naman ang nakapulupot sa beywang ko

Naramdaman naman niyang nakatingin ako sa braso niyang nasa beywang ko "I don't like the way they stare at you. Next time don't wear a revealing clothes. You are only mine. Put it in your head and don't forget." Nag-iigting ang mga panga niya habang nakatingin sa mga kalalakihan nakatingin sa akin

Gusto kung kiligin kaso, naisip kung, pa-fall lang siya. Hindi naman kami. Wala naman kami. At lalong walang mabubuong kami

"Miko?!" Gulat kung sambit ng makita ko si miko kasama ang kuya niya at mga magulang niya. ang mama niya ay isang model at ang papa naman niya ay isang mayamang Japanese

Ngumiti lang siya ng tipid sa akin

"Magandang hapon po." Nakangiti kung bati sa mga magulang ni miko ay sa Kuya niyang nakatingin sa akin

"Si-sila ang mga magulang mo, amber." Napatingin ako 'kay mama Sandie ng sambitin niya iyon

Natawa ako sa sinambit niya at mapapayuko na sana ng pigilan ako ni yñigo sa pagyuko. Masisilipan nga pala ako kapag yumuko ako "Bagong joke mo ba 'to, mama. Pero sasabihin ko, nakakatawa 'yung sinabi ko, mama. Joker narin po kayo." Natatawa ko parin sabi

Napaupo ako sa katatawa pero agad din naman akong itinayo ni yñigo at inayos ang damit ko "Alam mong lahat ng bagay ay 'di ako nagbibiro, amber. At alam mong hindi ko gusto ang mag-biro." Napatigil ako sa pagtawa dahil sa seryoso ni mama

"December 24, 2018. 11:05 pm. Pauwi na kami galing kila mama ng marinig ka naming umiiyak sa may basurahan malapit sa village. Ilang buwan ka palang noon. Kinuha ka namin doon at inalagaan. Kinupkup, inayusan, binihisan at tinuring na parang anak. Hinanap namin kung sino ang nagtapon sayo sa basurahan. Tinignan namin lahat ng mga CCTV roon, kaso wala kaming nakita. Nalaman ko na lang 'kay miko ng dumating siya galing sa amerika na kapatid ka niya, kambal ka niya. Pinuntahan ko noon ang mga magulang mo para malaman. Nag-pa-DNA TEST kami at nalaman kung siya ang magulang mo." Naiiyak na kwento ni mama

"Hindi totoo ang sinasabi ni, mama, diba, papa?" Peke akong tumawa

May kinuha si miko sa likuran niya at inabot sa akin

Nanginginig ang kamay kung inabot ito.

Sunod sunod na nahulog ang luha ko sa nakita ko. Walang labis walang kulang ang DNA namin ng mama ni miko.

"Alam mo?!" Galit kung tanong 'kay miko

"I'm sorry, amber." Hingi niya ng paumanhin

Akamang lalapit na sana ako 'kay miko ng pigilan ako ni Yñigo sa beywang

"Huwag kang magalit sa kaniya, anak. Sa akin ka magalit." Sambit ng mama ni miko

"Hindi mo rin ba malalaman kung hindi sinabi ni miko?!" Galit kung tanong sa kaniya

"Bakit? Bakit mo ako itinapon?! Bakit?!" Puno ng hinanakit kung sigaw sa kaniya

"Hindi ko kayo kayang buhayin ng sabay, dahil naghihirap ako noon, anak." Hinahagod naman ng likod niya ang papa ni miko

"Kaya ba itinapon mo ako, dahil 'di mo ako kayang buhayin?! Eh, bakit si miko *sob* nabuhay niyo?! Bakit ako hindi?! Kaya niyo ba ako tinapon dahil *sob* ayaw niyo sa akin?! Paano kung *sob* hindi ako napulot nila, mama?! Edi patay na ako ngayon! Bakit?! Bakit?! Bakit niyo nagawang buhayin si miko samantalang ako itinapon niyo?! Siya ba ang tatay ko, huh?! Bakit hindi niya kami kayang buhayin?! Eh, isa siya sa pinakayaman sa Japan, paanong hindi niya tayo kayang buhayin?!" Sumisinok kung sigaw at tinuro ang hapon niyang asawa

"Hindi siya ang papa niyo, amber." Napaupo ako sa sahig sa sinambit niya

Pilit akong itinatayo si yñigo pero nagmatigas ako, kaya wala siyang nagawa kundi pabayaan ako at hinagod na lang ang likod ko

Hindi siya ang papa namin? Sino? Sino ang papa namin?

Napasuntok suntok ako sa dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga ang bigat bigat ng dibdib ko. Masaya na ako, e, pero bakit pa dumating ang araw na magpapakilala sila. Bakit Hindi na lang nila ako hinayaan na mabuhay kila mama at papa. Ba't 'di na lang nila ako hinayaan mabuhay ng mapayapa

AMBER ROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon