"Mag-patingin na kaya tayo sa doktor, amber?" Nag-aalalang sambit ni manok habang hinahagod ang likod koNagpunas ako sa bibig ko gamit ang likod ng kamay ko at nang hihinang sumandal dingding ng banyo niya
"Lagi kana lang sumusuka. Nahihilo. Lagi mo na lang ako pinag-iinitan. At tignan mo. Grabe! Balyena ang bagsak mo sa itinaba mo." aniya kaya tinignan ko siya ng masama
Ilang araw narin akong ganito. Nag-susuka kapag nagising ako, sa madaling araw. Lagi rin akong nagpapahagod sa likod ko 'kay manok kapag gusto kung matulog. Kapag naman nagluluto siya ng sinigag 'yung lang bawang ang gusto ko
"May sakit kaya ako? Pero tumataba naman ako, ah." Nakangusong sambit ko
"'Yan! Yan! Lagi kapang nakabusangot. Isip bata kana rin. Kapag nasa labas tayo gusto, kapag gusto mung maglakad lakad dito sa village, magpapabuhat ka lang pala, lalambitin ka sa harapan ko parang unggoy. Tapos ayaw mo pa akong papasukin para pag-initan mo. Gusto mo palagi, lagi kang nilalambing. At gusto mung nasayo lahat ng oras ko. Dali! Tayo, kana. Pupunta tayo sa ospital." Aniya at hinakawakan ako sa kili kilo para itayo
"Huwag na lang ako maligo." Yamot kung sambit
"Yak! Mandiri ka nga, amber! Ambantot-bantot mo na! Isang linggo ka ng hindi naliligo!" Ani niya at napatakip pa sa ilong niya
Napalabi naman ako sa pagtaas niya ng boses "Uy, 'wag ka nga iiyak." Sambit niya at ginulo ang buhok ko
"Maligo kana." aniya at lumabas ng kwartoNang matapos akong maligo ay lumabas na kami ni manok at nagtungo sa clinic dito sa village nila
"Ano bang nararamdaman mo, iha?" Tanong ng isang babaeng nasa lagpas fifties na ng makaupo ako sa patients chair
"Lagi po siyang nag-sususuka sa madaling araw o pag-gising niya. Kapag naman may niluluto ako, lalo na yung sibuyas kapag nag-aadobo ako, sasabihin niyang ang baho-baho kahit na mabango naman. Lagi pa niya akong pinag-iinitan. Lagi siyang nag-papabuhat na parang bata. Nagiging moody rin po siya. Noon naman hindi siya ganyan." Si manok 'yan. Ako ang tinanong ng nars, siya ang sumagot. Iha ba siya?
"Nasubukan mo na bang gumamit ng PT?" Tanong niya
"Ano pong PT?"
"Pregnancy test, iha. Sa mga sinabi kasi ni Jacko, sinsomas 'yan ng mga buntis. 'Yang tinatawag niyong pag-susuka? Maaaring morning sickness po 'yan kapag buntis po kayo. Sa pagkain namin po, pag-iiba ng amoy ng mga buntis. At ang changing mood. Mabilis magpalit ng ugali ang mga buntis. Lalong mainit ang ulo, tapos biglang babait. Ganiyan po ang mga buntis." Nakangitong paliwanag ng nars
"Pregnancy test? Buntis ka?" Gulat na Tanong ni manok
Si Yñigo. May nangyari sa amin noon. Nang mag-away kami tungkol kila aling lordes
"May pregnancy test ba kayo, nars?" Tanong ni Jacko
"Gamitin mo 'tong dalawa. Kung negative o positive ang isa, pwede niyong ulitin para makasigurado kayo." Tinulak sa harapan ko ng nars ang dalawang PT
Hindi ako nag-atubiling kihanin 'to at sinubukan. Nanginginig ang mga kamay ko. Dumadagundong ang dbdib ko sa kaba. Namamawis ang kamay ko.
"Ano po ang ibig Sabihin niyan?" Ipinakita ko 'kay nars ang PT
"Ang ibig po sabihin niyan ay positive. Halika doon tayo sa loob, titignan natin kung ilan araw ka ng buntis." Sumunod ako sa nars
Nakatulala ako sa kisame. Wala akong maramdaman iba kundi kaba. Mahigpit ang hawak sa dalawang PT sa kamay ko
Paano kung hindi tatanggapin ni Yñigo ang bata? Paano kung ipagtabuyan ako ni mama kapag nalaman niyang buntis ako? Paano kaming dalawa? Ayaw kung magawa siya sa akin. Gusto ko kompleto ang pamilya niya paglaki. Gusto kung dalawa kami ni yñigo na nasa tabi niya paglaki niya. Gusto kung dalawa kami ni yñigo ang mag-bihis sa kaniya. Pero paano kung ayaw niya sa bata?
"42 days kanang buntis, iha. Ang maipapayo ko, iwas iwasan ang stress. Laging kumain sa tamang oras. Uminom ng gatas para sa baby. At congrats sa inyong dalawa." Maligayang sambit niya
"Ah, nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang nakabuntis sa kaniya, kaibigan ko po." Sambit ni Jacko bago ako inayang lumabas
"Gusto kung umuwi. Gusto kung ipaalam 'kay mama. Gusto kung sabihin sa kanila." Nagsimulang mahulog ang luha ko habang sinasabi ko 'kay Jacko
"Sige, pupunta tayo sa bahay niyo." Sambit niya
Nang makarating kami sa bahay ay pinaalis ko agad si Jacko
"Ma'am amber!" Natutuwang sambit ng tagabantay sa labas ng bahay namin kahiy nakikita niya ang paglandas ng mga luha ko sa pisngi ko
"Matagal na po kayong hinahanap nila, ma'am sandie!" Sambit niya at binuksan ang gate
Dahan dahan akong naglakad papasok habang nangingnig ang mga kamay ko. Nasa tabi ko naman ang tagabantay
Anong sasabihin nila mama sa akin ngayon? Kahit naman wala akong pangarap para sa sarili ko, gusto ko parin makapagtapos sa pag-aaral.
Nang mabuksan ang pintuan ng bahay ay bumungad sa akin sina mama, sina yñigo at ang magulang ni miko. Lahat sila Napatingin sa akin. Si mama sandie dali-daling tumakbo para yakapin ako.
"Saan ka ba nagpupunta? Alalang-alala kami sayo? Okay ka lang ba? Ba't ka umiiyak?" Sambit ni mama habang sinisipat ako muli ulo Hanggang paa
"Mama!" Sambit ko at humagulgul na ikinaalala niya
Inabot ko sa kaniya ang hawak hawak kung PT. Nanlaki naman ang mata ni mama habang nakatulala sa PT. Si papa nasa tabi na ni mama, Nakatingin 'din sa PT
"6 na linggo na akong buntis, mama. Sorry po. Sorry po, mama. Huwag niyo po akong itatakwil. Mama, please po." Nag-mamakaawa kung pakiusap 'kay mama
"Amber." Nagulat ako ng bigla na lang ako niyakap ni mama at niyakap ng buong ingat at pagmamahal
"Sinong nagsabi sayo na itatakwil kita?" Masaya ngunit lumuluhang sambit ni mama
"Akala ko po kasi itatakwil niyo po ako, mama."
"Sino ang ama?" Doon na ako natigilan sa tanong ni papa
"Pa-papa." Nanginginig ang boses kung tawag 'kay papa
"Sino, anak?" Walang galit na mababakas sa tono ni papa, kundi galak
"Si yñigo po." Halos pabulong kung sabi na narinig nila mama
"Dapat maikasal kayo sa madaling panahon." Sambit ni mama at tumingin 'kay yñigo
"'Di mo sinabing nakahome run ka pala, yñigo." Sambit ni papa
Naguguluhan naman siyang tumingin sa akin 'kay mama at 'kay papa
"Nabuntis mo ang anak namin." Masayang sambit ni mama
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...