"Ate, tawag ka ni mama." Sambit ni thelina na kakapasok lang sa kwarto ko
"Tapusin ko lang 'to." Sambit ko habang tutok na tutok sa nilalaro kung ML sa selpon ni kuya na hiniram ko
Nang matapos ko ang laro ay nagtungo ako sa sala. Naabutan ko doon sina mama, at thelina na walang pasok
"Bakit po, ma?" Tanong ko 'kay mama ng makaupo ako sa tabi niya
"Nalulugi na ang kompanya natin." Malungkot na sambit ni mama
"Paanong nalulugi, e, ang galing ni papa. At isa pa paanong nalugi, e, ang daming mga nag-iinvest sa kompanya natin kada buwan?" Tanong ko kay mama
"Lahat ng mga nag-iinvest at 'yung mga naka-invest na ay nag-full over dahil nalaman nilang palugi na."
Nangunot ang noo ko "Eh, paano nga, mama?"
"May nag-nanakaw sa kompanya natin." Agad akong napayakap kay mama ng makita kung nahulog ang luha niya
"Kailan pa, ma?"
"Noong nakaraang taon pa."
"Ba't ngayon niyo lang sinabi?"
"Amber, ikaw lang ang makakapag-ahon ng kompanya natin."
Napalitan naman ang irita ko ng tawa "Anong maitutulong ko, mama? Hindi ko nga alam mag-plus, divide, minus, at mag-multiply." Natatawang sambit ko kay mama
Pero napatigil ako sa pagtawa at tinitigan ng mabuti si mama ng sambitin niya "Kailangan mung maikasal sa panganay na anak ng mga Guazon para maka-ahon ang kompanya natin."
"Seryoso, mama? Kung oo, sige. Kailan ko siya makikita? Kailan ang kasal?"
"Sigurado ka amber?" Gulat na tanong ni mama sa akin
"Opo, ma— mamaya na lang po, ma. May klase pa kasi ako." Ani ko at agad na umakyat sa taas para magpalit ng damit
"Wala na tayong klase?" Tanong ko kay miko ng matapos ang klase namin
"Wala na." Ani niya habang inililigpit ang mga gamit niya
"Punta tayo ng bar." Nag-sitayuan naman ang limang barkada namin ni miko na puro lalaki
"Hindi ako makakasama sa inyo. May gagawin ako. 'To kunin mo para matawagan mo ako kapag emergency. Alam ko namang iniiwan mo 'yung phone ng kuya mo sa bahay niyo." Agad ko naman kinuha 'yung mamahalin niyang selpon at ibinulsa sa pantalon ko
"Ako ang mag-dadrive." Sambit ko sa kanila habang naglalakad kami papuntang parking lot kung nasaan ang sasakyan namin mag-kakaibigan na binili ni miko. Yaman ni miko no'. Siya nga lagi nang lilibre ng breakfast ko kapag nagmamadali ako, siya pa ang bumibili ng meryenda at tanghalian ko minsan
"Kaya mung mag-drive?" Tanong ni toyo
"Tinuruan kaya ako ni kuya." Nakangising saad ko at nag-thumbs up
"'To. Siguraduhin mo lang." Inabot naman sa akin ni suka ang susi kaya kinuha ko ito sa kanya at pumasok na sa pang-artistahing van
"Ready." Nang wala akong marinig na salita sa kanila ay agad kung tinapakan ang gas
"What the heck!" Toyo
"What the fuck!" Suka
"I don't want to die, amber!" Bawang
"Will you stop the car! Fuck!" Asin
"I'm going to vomit! Shit!" Manok
Kahit na ilang mura at pakiusap ang narinig ko ay hindi ko itinigil ang sasakyan. Pero napapreno ako ng malakas ng marinig ko ang serena ng pulis. Para akong nasimento sa kinauupuan ko dito.
Saka na lang ako napabalik sa reyalidad ng bumukas ang pintuan ko
"I want you to out!" Sigaw ng isang pulis na walang buhok na sobrang kintab
Napairap na lang ako bago lumabas
"Anong tinitigin mo diyan, kalbo?" Naiiritang tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay
"Sinong boss mo at nang mabigwasan ko? Bakit niyo kami sinusundan?" Tanong kay kalbong pulis
"May problema ba tayo dito?" Napatingin ako sa likuran ko ng marinig ko ang baritonong boses ng lalaki. Alangan naman babae diba?
Makalaglag t-back ang mukha niya mga, besssss. Kulay gray na mata na parang nang aakit, Makakapal na kilay, mahahabang pilik mata, matangos na ilong. Shet! Shet! Ang pula ng labi niya ang sarap halik-halikan
"Amber si miko." Bwiset na toyo 'to. Kitang tinititigan ko pa si kuyang pulis na pogi
"Anong ginawa mo na naman?" Bungad sa akin ni miko nang makuha ko kay toyo 'yung selpon niya
"Nag-drive lang, inabot ko sa full speed."
"Amber talaga. Ilang beses ka nang pumunta ng pulis station?!" Galit na sigaw ni miko
"Huwag na huwag mo akong sisigawan. Hindi nga ako sinisigawan ni mama, ikaw pa kaya na bestfriend ko. Pumunta kana lang sa prisinto. Malapit sa bar na pupuntahan sana namin. Dito sa kayoed bar." ani ko at ibinaba ang tawag
"Sino ang nag-drive sa inyo?" 'Tong kalbo na 'to. Lagi na lang sumusulpot
"Ako, bakit? May problema ba?" Tanong ko at tinignan siya mula paa hanggang sa makintab niyang buhok, gaya ng ginawa niya sa akin kanina
Bastos 'to kinakausap ko tinatalikuran ako
"May girlfriend kana ba, kuya pogi?" Tanong ko kay kuyang pulis
"Wala." Ayos, pwede pa 'tong mabingwit
"Pero may asawa." Ayy, sayang naman
"Don't. Touch. Me!" Madiin kung sambit sa kalbo na pilit akong pinapapasok sa loob ng police station
"Kapag ako nasagad ko susuntukin kita!" Naiiritang sambit ko sa kanila
'Tong poging pulis na 'to nakangiti lang habang nakatitig sa akin
Nasuntok ko sa mukha ang kalbong pulis ng hawakan niya ang beywang ko
"Sabing huwag akong hawakan, gago!" Lahat ng mga pulis na nasa loob ay napunta sa amin ang atensyon nila
"Kalma lang, amber."
Gulat akong tumingin sa likuran ko kung nasaan si kuyang pulis "How do you know my name?" Oha, makalawang english ko na yun mga pre.
"Malalaman mo rin."
Napaupo na lang ako sa hagdanan ng pulis station at dumukduk sa tuhod ko
Bwiset, gabi na. Siguradong nag-aalala na sina mama. Ayaw ko pa naman silang nagagalit kasi ang bigat sa dibdib
Muli akong nag-angat ng tingin "Pwede na ba akong umuwi? Pinauwi niyo ang nga kaibigan ko tapos ako maiiwan dito?" Mahinahon kung saad. Baka pwede pang madaan 'to sa maayos na usapan
"Sumunod ka sa akin." Hindi na ako nakipag-argumento sa kaniya, sumunod na lang ako. Mapagkakatiwalaan naman siya dahil pulis siya. Hindi naman niya ako ibebenta sa mga mamayayamang lalaki
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya ng magsimula siyang mag-drive
"Pwedeng tumahimik ka muna. Ang sakit kasi sa tenga. Kanina ka pa salita ng salita." Natatawang sambit niya
Hay, naku kung hindi lang 'to gwapo kanina ko pa nasuntok sa sikmura. Alangan sa mukha sayang ang magandang mukha niya
Arhhh! Nabobored na ako. "Kuya pogi, pwedeng mahiram ang selpon mo. Wala kasing load 'tong selpon ni miko." Pinakita ko sa kaniya ang selpon ni miko
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...