"Sino ang papa namin?" Naiiyak ko parin tanong
"Matteo. Matteo Alcatraz, ang pangalan ng papa niyo ni miko." Sambit ng mama ni miko
Si Yñigo naman ay napatigil sa paghagod sa likod ko pero hinayaan ko na lang siya
"Saan ko siya makikita?" Tanong ko
"Andito siya, amber. Nasa likuran mo." Napatingin naman ako sa likod ko. Sa 'di inaasahan lalo akong umiyak kung sino ang papa namin ni miko
"Si kalbo? Siya ang papa namin?"
"Oo."
"Paano po kayo nagkakilala?" Tanong ni yñigo na ikinabigla ko. 'Di ko inaasahan na magtatanong siya sa mama ni miko
"Nakilala ko sa isang bar sa may Laguna."
"Nabuo ba kami sa one night stand?" Tanong ko sa mama ni miko habang nakatingin lang sa papa namin
Wala akong nakuhang sagot 'kay mama. Kaya alam kung nabuo kami sa pagkakamali
"Nabuo kami sa pagkakamali." Bulong ko na narinig pala ng lahat dahil sa tahimik namin
Tumayo ako at tinignan ang mama ni miko "Wala bang condom noon? Kung wala, e, mayroon naming supot ng ice candy." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko
Humarap sa ako sa papa "Ba't 'di niyo ipinutok sa labas? Kung sana hindi kayo nagkita ng mama ni miko sa bar hindi dapat kami nabuo. Hindi sana, dahil pagkakamali lang ang nangyari! Its fucking a one night stand. Kami?! Bunga kami ng pagkakamali. Kaya bakit niyo kami binuhay kung ganun?"
"Huwag kang lalapit! Huwag mo akong hahawakan." Sambit ko 'kay mama ni miko ng akmang lalapit siya sa akin at hahawakan ako
"Bakit 'di niyo na lang ako pinatay kung ganon? Ba't niyo pa ako kailangan itapon sa basurahan? Paano mo kinayang buhayin si miko, alagaan at damitan ng maayos?! Habang ako 'di niyo nagawang bisitahin man lang noon. Mayaman kayo para malaman niyo kung nasaan ako. Isang kalabit niyo lang malalaman niyo. Nang itapon niyo ako, anong Nararamdam niyo noon? Ngayon anong nararamdaman niyo? Na ang anak niyong tinapon sa basura ay buhay? Maayos? Marangya? Nabuhay? Mapayapa? Bakit po nakaya niyong buhayin si miko.
Alam niyo ba na habang wala kayo na wala akong alam, siya ang tumutulong sa akin? Binibigay ang lahat na kailangan ko na hindi ko hinihiling o hinihingi? Pero hanga parin ako sa inyo. Napalaki niyo siya ng maayos. Nabuhay na may nag-aarugang tunay na ina. Nabuhay na may nagbibihis na tunay na ina. Nabuhay na naibibigay lahat ng kaniyang tunay na ina. Napalaking may pagmamahal ng tunay na ina
Kahit na 'di ko tunay na magulang sina mama at papa, 'di ko naramdaman na sampid ako sa pamilya nila. Buhay ko doon parang prinsesa. Hindi ako pinagbubuhatan ng kamay nila mama. Hindi nila ako inuutusan. Hindi nila ako pinapabayaan. Na kahit may iniinda akong sakit na hindi ko nararamdamn todo alaga sila. Isang hiling ko lang andiyan na ang gusto ko. Kayo ba, kapag ba mas maaga kung nalaman at kapag ba hiniling kung makita kayo, magpapakita kayo? Kapag ba hiniling kung gusto kung mayakap ang tunay kung ina? Darating ba kayo. Bakit niyo ako itinapon? Ba't 'di niyo na lang ako ibinigay sa papa namin
Kung tatanungin niyo ako kung mapapatawad ko kayo sa ginawa niyong pagtapon sa basura sa akin? Hindi, hindi ko kayo mapapatawad." Napahagulgul naman siya sa sinambit ko
"At kung papipiliin ako kung saan ko gusto o sino? Kila mama Sandie ako dahil sa ginawa niyo sa akin. Hindi ko kayo pipiliin. Kahit na magkadugo tayo."
"Mama?" Lalong tumahimik ang lahat ng marinig ang maliit na tinig ni tori
"Mama, Ba't ka po umiiyak? Who made you cry? Mama, 'wag ka na pong mag-cry." Umiiyak niyang sambit sa akin at pinunasan ang pisngi ko gamit ang maliliit niyang mga daliri
"Sino po nag-paiyak sayo, mama?" Tanong niya at ginamit niya ang manggas ng damit niya para punasan ang pisngi kung patuloy ang pag-agos ang luha
"Papa, sino po nag-paiyak 'kay, mama?" Tanong niya 'kay Yñigo na nasa likuran ko nakatayo
"No one made me cry, tori." Ani ko at pilit na ngumiti
"Eh, Ba't kayo umiiyak? Sino po nag-paiyak sa inyo? Papaluin namin ni, papa, mama." Umiiyak akong natawa dahil sa sinabi niya
"Baba kana doon." Ani ko at hinawakan ang mga kamay niyang nakahawak sa pisngi ko
"Wala po talaga, mama?" Sumisinghot niyang tanong. Umiling lang ako at ngumiti sa kaniya
"Hihintayin ko po kayo ni papa sa baba, mama." Nang makaalis siya ay tumayo ako at 'di pinansin ang pagtawag nila sa akin
Lahat sila tinawag ako pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Hinanap ko ang fire exit at doon dumaan
Takbo lang ako ng takbo Hanggang sa mapadpad ako sa bahay ni manok
Masakit ang paa ko pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.
"Ba't ka umiiyak?" Tanong ni manok ng mailapag niya ang baso'ng may lamang tubig
Simula ng sa una ko kinuwento 'kay manok. Sa pagsabi nila mama Sandie ng totoo. Ang pagsisinungaling ni miko, at pagtatago ng sikreto. Sa papa kung sinigawan ko. Lahat lahat kinuwento ko sa kaniya. Nass tabi ko lang siya habang hinahagod ang likod ko. Sinasabing 'okay lang 'yan. Umiyak ka lang.' Umiyak naman ako ng umiyak hanggang sa wala ng mailabas ng luha ang mata ko
"Kumain ka muna. Tapos magpahinga kana doon sa kwarto ko. Doon na lang ako matutulog sa kwarto nila mama." Aniya
Nagsimula akong kumain iniisp ko kung ano na ang nagyayari sa birthday ni tori. Hinahanap kaya niya ako? Masaya kaya siya? Nag-eenjoy kaya siya? Gusto kung bumalik doon para magpaalam kaso. Hindi pa ako handang harapin sila. Hindi pa ako handang makipag-plastikan kapag nakita ko sila
Hanggang sa huling hininga ko 'ata hindi ko mapapatawad ang mama ni miko na mama ko. Kung kailan na ako masaya, saka naman siga magpapakita, at pagkaitan ako ng kasiyahan sa buhay ko
Oo, Sabihin natin nasaktan siya sa sinabi ko pero mas lalo akong nasaktan. Labing walong taon akong naniwala na ang mga magulang ko ay sina mama Sandie, 'yun pala ay ang magulang ko-namin ay mama pala ni miko na nakakasama siya sa loob ng labing walong taon
Hindi ako mag-papasalamat na pinanganak pa ako. At lalong hindi ko tatanawun utang ang buhay ko dahil dugo lang nagsasabing, magkadugo lang kami
Bakit siya ba 'yung nandoon sa tabi ko ng papalaki na ako? Siya ba ang nag-aayos pagpasok sa akin? Siya ba ang nagbibigay ng pera ko? Siya ba ang naghahatid sa akin? Siya ba?
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...