"Ayaw amber. Bad ka. Sigaw mo ko kanina." Sabi niya ng nakanguso habang nakapikit
"Hindi ko naman sinasadya na sigawan at pagalitan ka. Sorry na." Hingi ko ng tawag sa kaniya
"Ayaw, tampo parin amber sayo." Lalong akong napangiti sa pagbaby talk niya
"Anong gagawin ko para hindi ka na mag-tampo?" Napamulat naman siya sa tanong ko
"Talaga?" Nakangusong tanong niya. Tumango ako bago siya binuhat at ilipat siya sa kama
"Hug mo ulit ako." Sambit niya ng mailapag ko siya sa kama
Tinanggal ko muna ang sapatos niya bago tumabi sa kaniya at pinaunan siya sa dibdib ko
"Bati na tayo?" Tanong ko sa kaniya ng bumukas ang pintuan
"Tulog na ba siya?" Tanong ni mommy at lumapit sa amin
"Hindi pa po, mommy." Ani ko
"Nakita namin siya kanina sa labas buhat buhat ng taxi driver. Buti na lang at mabait yung driver na sinakyan niya."
"Bakit mo ba kasi siya sinigawan kahapon?" Tanong ni mommy at umupo sa tabi ni amber na nakatitig lang sa malayo
"Ang dami kasi niyang nagastos kahapon, mommy. Saka hindi ko naman sinasadyang sinagawan siya." Sabi ko habang hinahagod ang buhok niya pababa
"Eh Ba't mo siya sinigawan. Pasalamat ka nga, sa lahat ng mga jowa mo, siya lang ang nagawang bumili ng mga damit, sapatos, necktie at kung ano ano pa. Bumili pa siya ng mga couple shirt, couple pants, couple shoe, at kung ano ano pa."
Napatingin naman ako kay mommy sa sinabi niya "Talaga po?" Gulat kung tanong
"Oo, kung hindi lang sinabi sa akin ng kapatid mung si Juskleign hindi ko pa malalaman ang mga binili niya." Lumambot naman ang puso ko sa sinabi ni mommy
"Sige baba muna ako. Kukuha lang ako ng advil para hindi kana bababa." Sabi ni mommy at hinalikan sa noo si amber at sa noo ko
"Amber?" Nag-angat naman siya ng tingin sa akin
"Bumili ka talaga ng mga ganun?" Tanong ko sa kaniya habang may matamis na ngiti sa labi
"Oo. Pero 'di mo gusto." Nakasimangot niyang sabi
"Hindi ko naman alam na binilhan mo ako ng ganun." Sabi ko at hinalikan ulit siya sa noo
"Tulog ka na." Sambit ko
"'Di ako makatulog hangga't 'di ko iniinom yung gamot ko." Sabi niya at umayos ng higa sa dibdib ko
"Anong gamot ang iniinom mo?"
"Sleeping pills, para makatulog ako. Hindi ako makatulog kapag 'di ako uminom ng sleeping pills dahil may insomnia ako. Mula pagkabata may insomnia na ako. Lagi akong tinitimplahan ni mama ng gatas o 'di kaya ay chocholate tapos ilalagay doon ni mama ang sleeping pills. Gigising na lang ako kapag gumising ako." Mahabang paliwanag niya
Napayakap na lang ako sa kaniya ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang hirap niya sa pagsasalita
"Alam mo ba na nakakasira ng kidney ang paginom ng sobrang gamot o kaya pwede kang ma-over dose." Tumango naman siya ng kaunti
"Anong sabi ng doktor nung nagpacheck-up kayo? Nagpacheck-up na ba kayo?"
"Ang sabi niya bawas bawasan ko raw 'yung pagiisip kapag nahiga ako sa kama." Hinagod ko lang likod niya
"Amber?" Tawag ko sa kaniya
"Hmm?" Aniya
"Anong kinatatakutan mo?" Tanong ko sa kaniya
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...