Oy kononolog no nomom oko. Kwarto raw namin, ahihihihi

Nakangiti akong lumabas ng kwarto

"Ate'ng pwedeng paki ayos yung kama namin." Oh, may ganun ka ate. Kama 'namin'

Binati ko lahat ng mga nakasalubong kung katulong. Good mood ako, e. Sino namang hindi? Nagising ako sa bisig ng Yñigo ko, hinahalikan pa niya ako. Oh, kayo may ganun kayo

"Good morning po, ma, pa." Nakangiti kung bati kila mama at papa. Ngumiti naman sila at binati rin ako

"Si yñigo po?" Tanong ko sa kanila nang hindi ko makita si yñigo sa hapag

"Nasa g-." Napatigil si mama ng may nagsalita sa likuran ko

"Hi po ulit, mama." Napatingin ako sa nagsalita

Si Yñigo na may kasamang isang magandang babae na malaki ang hinaharap, malinis ang kutis, parang model ang tangkad, maikli ang buhok. Naka-short at naka crop top na pinaresan ng kulay itim na heel na kung titignan ay mga 5 inches. May shoulder bag siya mga, bess na prada. Yayamanin si ate

"Sino ka?" Nakataas kilay niyang tanong sa akin ng mapadako ang tingin niya sa akin. Bruha na 'to! Ako tinataasan niya ng kilay

"Katulong ako dito, baket?" Kung mataas ang kilay niya. Pwes, mas mataas ang kilay ko

"Bago lang?" Nakangiti niyang tanong

"Hindi. Ikaw sino ka ba?" Naiirita kung tanong. Sana mapansin niya na naiirita ako sa kaniya

"Scarlett Mendez." aniya at nilahad ang kamay niya sa harapan ko. Inabot ko naman ito kahit na iritang irita ako

"Yñigo's girlfriend." Aniya at bumitaw sa kamay ko

Napadako naman ang tingin ko kay Yñigo na namumuo ng pawis sa noo niya na hindi napakali na para bang hindi niya mailabas ang tae niya

"Ahh." ani ko na lang at tumango tango ng tumunog ang selpon ni miko

Sinagot ko sa harapan nila ang tawag ni miko

"Kararating ko lang sa bahay. Gusto mung mamasyal tayo?" Bakas ang excitement sa tono niya

"Glad that you call. You save me from this shit." Tumayo ako at at tumingin kay mama at papa ni yñigo na nakatingin pala sa sakin

Tinakpan ko ang mouthpiece ng selpon ni miko tapos ngumiti kila mama at papa ni yñigo "Lalabas lang po ako." Ani ko at tinggal ang table napkin na nasa hita ko

"Amber." Hinawakan ni Yñigo ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya ng masama at pekeng ngumiti sa kaniya

"Magtatapon lang po ako ng basura, sir." Diniinan ko lahat yung 'sir' para maramdaman niya na naiirita ako at naiinis sa kanilang dalawa ng 'girlfriend' kuno

"Sunduin mo ako sa bahay ng pulis na si Yñigo cooper o di kaya. Itrace mo na lang." Binaba ko na ang tawag at tumingin sa pintuan papasok ng malaking bahay nila. Baka sakaling susundan niya ako pero ilang minuto na akong nakatingin sa pintuan ay walang yñigo na lumabas doon. Walang yñigo na sumunod sa akin. Walang yñigo nagpakita para mag-paliwanag

Bwiset talaga!. Naiiirita ako sa mukha ng babaeng 'yun at kay yñigo.

Ba't ba niya ako pinapatuloy dito sa bahay nila kung may girlfriend pa pala siya. Edi 'yun na sana ang pakasalan niya. Bwiset talaga!

Napapadyak na lang ako sa inis at pagkairita ng tumigil ang sasakyan ni miko

Alam kung sasakyan ni miko 'to dahil lahat ng sasakyan niya ay memorado ko ang model, at kulay

"Oh ba't nakabusangot ka?" Tanong agad sa akin ni miko ng makapasok ako

"Eh 'yung babae kanina sa bahay nila Yñigo kasi sinabing girlfriend daw siya ni yñigo. Ang sarap sarap nilang pagbulin dalawa tapos ibibitay sila sa fountain sa school tapos kapag matuyo na sila hihiwain ko sila tapos ipapakain sa mga pirana. Naiinis ako sa kanilang dalawa. Arhh!"

"Gagawin mo talaga sa kanila 'yun?" Tanong ni miko habang nagmamaneho

"Oo, kahit na crush ko si yñigo hindi ko mapapalampas ang hindi niya pag-sabi na may girlfriend na pala siya."

"Kalma ka nga." Natatawang sambit ni miko








"Anong gusto mung kainin?" Tanong sa akin ni miko ng makarating kami sa bahay nila

"Kahit na ano. Basta yung masarap." Sumandal ako sa likod ng sofa nila

"Sir, umuulan na po. Yung sasakyan niyo po sa labas pwede niyo na pong ipasok lumabas kasi si tina at Letty para mamalengke." Sambit ng matandang lalaki na cook nila

"Sige po, tatang."

"Diyan ka muna. Ipapasok ko lang sa garahe yung sasakyan ko." Napatingin naman ako sa babasagin nilang bintana. Malakas ang pabuhos ng ulan na sinabayan pa ng kidlat at kulog. Kung titignan ang kalangitan parang gabi na sa dilim pero 9 pa lang ng umaga

Sa pagtitingin ko sa labas ay tumunog ang selpon ni miko na nasa bulsa ko

"Sino po 'to?" Tanong ko sa tumawag sa akin

"Ako 'to amber."

"O, mama, napatawag po kayo? Umalis na po ba 'yung shota ni Yñigo?" Naiisip ko palang ang pagmumukha ng shota ni yñigo kumukulo ang dugo ko


"Hindi pa. Napatawag pala ako para tanungin ka kung anong oras ka uuwi dahil baka maistranded ka sa daan. May bagyo pa naman." Hala! Anong ginawa ko? Ba't parang ang lungkot ng boses ni mama

"Okay lang po ba kayo, mama?" Nag-aalalang tanong ko kay mama

"Mag-usap naman kayo ng anak ko, amber. Ayaw ko kasi yung nagkatatampuhan kayo ng ganito. Okay lang naman kung andito ka sa bahay habang nagtatampo ka. Pero kapag nasa malayo ka nag-aalala ako sayo."

"Uuwi na po ako, mama."

"Mag-ingat ka sa daan." Sumigla ang tono ng pananalita ni mama kaya ngumiti ako

Tumayo ako at naglakad palabas ng bahay nila miko. Naabutan ko silang nagsasara ng gate

"Miko ihatid mo na ako. Nag-aalala na sila mama." Napatigil naman siya pagsara ng gate

Alam ni miko ang lahat. Sinabi sa kaniya ni yñigo nung nag-alone time sila

"Hindi kana ba magtatagal dito?" Tanong niya

"Sa susunod na lang." Ani ko at ngumiti sa kaniya

Gumalaw naman ang labi ni miko na para bang meron siyang gustong sabihin "May sasabihin ka ba, miko?" Tanong ko sa kaniya









"'Ma, andito na po ako." Lakas kung maka-mama 'no? Kailangan kung sanayin ang sarili ko na tawagin silang mama't papa para hindi ako mailang kapag kasal na kami ni Yñigo.

Oha! Lakas maka-asawa

"Asan po si yñigo?" Tanong ko kay mama na nasa sala

"Nasa taas. Inaapoy ng lagnat-" agad akong tumakbo paakyat ng marinig ko ang sinabi ni mama. Hindi ko na nga siya napatapos sa pagsasalita dahil parang dinaig ko pa si flash sa bilis kung tumakbo

AMBER ROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon