"Si amber po kasi, mommy." Sumbong ni yñigo kay mama
Binitawan ko ang tenga niya at pinalo siya sa braso na hinawakan niya agad
"Kitang may lagnat, mama. Lumabas pa siya. Okay lang sana na lumabas siya kung may suot siyang pambahay ng tsinelas at damit." Ani ko kay mama at tinignan ng masama si yñigo
"Maiwan na po namin kayo. Iaakyat ko lang po sa kwarto si yñigo." ani ko at hinila siya paakyat
"Damit." Sambit ko kay yñigo at binato sa hita niya ng pantulog niyang damit
Tinignan niya lang 'to at tinignan ako
"Oh ako na kamahalan. Baka mabinat ka pa kapag nagdamit ka." Kinuha ko ang damit niya at isinuot sa kaniya
"Ambe-" pinandilatan ko siya ng mata kaya naitikom niya ang bibig niya
"Matutulog ka ng kusa o susuntukin kita para makatulog ka?" Tanong ko at inamba ang kamao ko sa kaniya
Tahimik naman siyang humiga sa tabi ko
Umupo ako sa sumandal sa sa headboard ng kama
Tumingin ako sa kaniya "Ba't ka pa nakamulat?" Inis kung tanong sa kaniya
"Pwedeng payakap?" Tanong niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay
"Nasaan ang selpon mo?" Tanong ko sa kaniya
"Se-selpon?" Nauutal niyang sambit
"Bakit ka nauutal? May tinatago ka ba sa akin?" Pinaningkitan ko siya ng mata
"Wa-wala a-ah." aniya at umiwas ng tingin
"Nasaan?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot
Napapikit ako sa inis at napahilamos sa mukha "Sasabihin mo o gusto mung umalis ako d-"
"Oh." Pagpapatuloy niya sa sasabihin ko at inabot ang selpon niya na kinuha niya sa ilalim ng unan niya
Kinuha ko mula sa kaniya at binuksan ito. Pipindutin ko na sana 'yung ML ng may tumunog ang selpon niya.
Tinignan ko muna siya bago inopen ang message
09*****
What to meet me up, honey?
By the way this is Jessie😘😋"Who's Jessie?" Tanong ko sa kaniya at pinakita ang selpon niya
Napalunok siya bago sumagot "My ex." Aniya
Nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin niyang Ex
Binack ko na lang at inopen ang ML ng yumakap sa tagiliran ko si yñigo
"Hindi ka ba galit sa akin?" Tanong niya
Bwiset 'tong isa kung kasamahan, hindi man lang niya nilabanan yung kalaban
"Hindi, bakit?" Sagot ko kay Yñigo habang tutok na tutok sa paglalaro ko
"Kasi nagtext 'yung ex ko na si Jessie."
"Gusto mo bang magalit ako?" Tanong ko sa kaniya
"Hindi." Nanahimik na siya sa huling sinabi niya
Nakatapos ako ng ilang game at ng makaramdam ako ng pananakit ng likod ko ay pinatay ko yung selpon niya at nilagay sa ilalim ng unan
Pagtingin ko kay yñigo. Ganun na lang ang gulat ko. Naghalo halo ang nararamdaman kung inis, galit, irita at kung anu-ano pa
"Talaga bang gusto kung masuntok?" Inis kung tanong sa kaniya
"Hinintay talaga kitang matapos sa paglalaro mo-"
"Sinabi ko bang hintayin mo akong matapos?"
"-para mapatulog muna kita bago ako matulog." Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya
"Sige mapilit ka. Kung 'di lang ako makakatulog ng mahimbing sinasabi ko sayo. Panghabang buhay ka ng matutulog sa sala." Ani ko at humiga sa tabi niya
Agad naman niya akong niyakap at hinaplos haplos ang buhok ko
ARAW ang bibilangin. Isa pang babaeng. Isa pa talaga mabubugahan ko na sila. Ilang araw na ang nakalipas pero ang masasabi ko lang sa nagdaan na araw na 'yun. Nakakairita! Oo nakakairita. Araw araw na may bumibisitang mga ex ni yñigo. Lagi ko siyang tinatanong kung ilan ang mga ex niya. Iibahin lang niya ang tanong ko
Nagsepilyo muna ako bago bumaba patungo sa hapag. Hindi na ako naligo dahil malamig ang klima ng panaho. Tag-ulan pa naman ngayon
Minsan lang naman na umuulan pero malamig ang klima
"Good morning po." Bati ko kila mama at papa
"Good morning rin." Umupo ako sa tabi ni mama kaharap si yñigo na katabi ni Juskleign
"Mama, ilan po ba lahat ng nga ex ni yñigo?" Tanong ko kay mama at kumagat sa hotdog
"Mama-"
"Isang pang salita ipapakain ko 'tong plato ko sayo!" Inis kung sambit at inirapan siya bago tumingin kay mama
Speaking of mama. Miss ko na sila mama at papa. Tumatawag lang sila kapag gabi kapag umaga naman hindi sila nakakatawag dahil busy sila sa pag-aasikaso ng kompanya namin
"Ilan po ba?" Tanong ko ulit
"Mama-"
"Sa sofa ka matutulog mamayang gabi." Ani ko at tinuro siya gamit ang tinidor
"Hindi na mabilang sa dami." Buti na lang at hindi na pang muli siyang nag-salita
"Higit po ba sa-"
"Jessie's here." Nagbalik ang bruhang nagtext noon kay yñigo
Padarag kung binato ang tinidor na hawak hawak ko sa pinggan at pinag-krus ang braso ko sa harap ng dibdib ko. Na ikinatahimik ng lahat na para bang may dumaan na anghel
"Good morning po." Nakangiting bati niya sa amin at lumapit sa tabi ni yñigo at umupo
Tinaasan ko siya ng kilay at nagsalita "Walang good sa morning. Tsaka, bakit ba ang hilig hilig niyong sumusulpot?" Tanong ko at sumandal sa likod ng upuan
"Hindi ko-"
"Kung 'di sa umagahan, taghalian naman kayo susulpot. Kung 'di tanghalian, gabi naman kayo susulpot. Baka gusto niyo rin sumulpot ng madaling araw para kompleto na?" Sarkastiko kung tanong sa kaniya
"Sorry-"
"Sorry sorry. Psh. Maupo ka baka sabihin mung hindi ka namin tinuturing na bisita. Baka mag-sumbong ka pa sa kuya mung laging naghahatid sayo." Peke akong ngumiti sa kaniya at tinitigan lang siyang kumain
"Ma'am Amber, may naghahanap po sa inyo. Pinapasok ko na po sila." Sabi ng katulong
"Magandang umaga po." Sabay sabay na bati ng mga kaibigan ko kasama doon si miko na nakangiti sa akin
"Upo kayo." Yaya ni mama sa mga kaibigan ko
"Huwag na po. Ipapaalam lang po sana namin si amber na lumabas kung pwede po?" Tanong ni miko kay mama
"Sige." Agad naman akong hinila patayo ni bawang
"Maliligo pa ako." Ani ko at hinila ang kamay ko sa kaniya
"Magpapalit na lang ako."
"Huwag na." Sabi naman nila at hinila ako pero hinila ko din sila
"Ilalabas niyo ba ako ng walang bra? Bwiset!" Sigaw ko sa kanila. Napabitaw naman sa akin si bawang
"Mag-magpalit ka muna. Hihintayin ka namin." Ani bawang at iniwas ang tingin niya sa akin
Tinignan ko ng masama si yñigo "Tumayo ka diyan at mag-usap tayo sa taas." Agad akong tumalikod at umakyat pataas
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...