Nakangusong tumingin sa akin si tori habang nasa likuran niya ang mga kamay
"Why po crying si Mama, papa?" Naaawang tanong ni tori sa akin
Tumikhim ako at binalewala ang tanong niya "We should go inside." Nakangiting sambit ko sa kanya bago binuksan ang pintuan
Nang makapasok kami sa loob ni tori ay naabutan naming nanunuod ng cartoon movie si amber habang nakahiga sa kama hawak hawak ang remote na inililipat ang channel
"Here's your buko pie." Napatingin naman siya sa akin dahil sa sinabi kung buko pie
Dali dali siyang bumaba ng kama at sinalubong buko pie. Buko pie lang talaga ang kinuha hindi na niya kinuha ang gatas niya.
Agad niya itong kinainPinanuod lang namin siyang kainin ang egg pie hanggang sa matapos niya itong ubusin ay tumighay siya ng malakas at napasapo sa tiyan niya
Sa kaba ko ay nilapitan ko siya habang nanginginig ang kamay ko "Okay ka lang ba? Masakit ba? Ikaw naman kasi Ba't mo inubos yun lahat! Punta tayo ng ospital magpapacheck-up tayo!"
"Yñigo okay lang ako. Busog lang ako kaya hinahagod ko ang tiyan ko." Napabuga naman ako ng hangin at nang hihinang napaupo sa tabi niya
"Kinabahan ako doon." Bulong ko sa kaniya at sinapo ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa noo
"Busog lang ako, tsaka gusto ko pa."
AMBER POV
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko 'kay Yñigo ng makita kung lumabas kami ng syudad
"Pupunta tayo kila bunso." Aniya at ibinalik ang tingin sa kalsada
Hapon na ng magpaalam si Yñigo na may pupuntahan daw kami kaso hindi niya sinabi kung saan. Kaya ngayon gabi na andito parin kami sa daan
"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa kaniya
"Malapit na." Tumingin nama ako sa backseat
Natutulog na si tori habang yakap yakap ang teddy bear niyang kulay brown na katamtaman lang ang laki
"Ilang oras pa?" Muli kung tanong sa kaniya
"Andito na tayo." Napatingin ako sa harapan namin
Isang bahay na puro salamin na sa harapan ay may malawak na pool. Maayos ang pagkakaayos ng mga halaman, may mga bonsai, may mga bulaklakin na halaman, at may nga matatayog na halaman na nasa gilid gilid. Sa papasukan namin ay may Bougainvillea na nagsinangate papasok. Two storey na bahay. Masyadong malaki ito na kung titignan ay magkakasya ang buong pamilya na may lola't lolo, mga mga upat na anak, may mga magulang
"Tara na." Nahimasmasan ako ng hawakan ni yñigo ang kamay ko at inalalayan akong bumaba
"Babalikan ko na lang mamaya ang mga gamit natin." Sambit ni Yñigo habang buhat buhat si tori na mahimbing parin ang Tulog
Sumunod lang ako kila Yñigo habang papasok sila sa bahay ng kapatid niya
Lalo akong namangha ng makapasok. Puno ng nagmamahalang mga vase, mga souvenir, mga bola na iba't-ibang klase, mga Jersey damit na nakaframe pa ng babasagin, at iba pang puro mamahalin
Narinig kung may kinakausap si Yñigo pero hindi ko iyon pinansin, tutok ako sa paglilibot ng mata ko
"Amber." Tumingin ako kay Yñigo pero parang nakakita ako ng multo sa nakita ko
"I-i-kaw?" Gulat kung sambit at tinuro siya gamit ang hintuturo ko
"Yes, it's me." Nakangiting sambit niya
Wala akong sinayang na oras. Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit
Siya ang batang kalaro ko noon sa school, mas bata siya ng dalawang taon sa akin. Lagi kaming naliligo noon sa batis sa talahiban ng paaralan namin noong elementarya. Lagi kaming magkasama noon, pagpasok, paguwi, pag may gusto kaming puntahan, lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay
Siya si Yudge jaskbien Guazon. Isang matabang lalaki na pandak. Mahilig sa mga matatamis, mga candy, cake's, lollipops, gummy bears, ice cream, at mga matatamis pang makakain.
Pero isang guwapo, macho, matangkad, na Yudge Jaskbien Guazon ang nasa harapan ko. Pero isang bagay lang hindi nagbago sa kaniya, may nakasungalngal na lollipop sa bunganga niya
Humiwalay ako sa kaniya at sinipat siya mula ulo hanggang paa "Binata kana."
"Guwapo?" Natatawang tumango ako at ginulo ang buhok niya
"Ang laki na ng binago mo Yudge." Nakangiting pinasadahan ko ulit siya ng tingin mula paa hanggang ulo
"Magkakilala kayo?" Tumango naman ako kay Yñigo na hanggang ngayon ay buhat buhat parin si tori na tulog sa bisig niya
"You should put first this cute little girl on your room. Follow me." Sumunod naman kami kay Yudge
While walking yudge ask me "How comes that you know my brother?"
"Fiancee ko." Tumingin siya Kay yñigo na nakangisi
"Nasungkit mo Yung crush ko ah, kuya! Galing mo!" Natatawang sambit Niya
Wala nang nagsalita Sa Amin habang paakyat kami, Hanggang Sa makarating kami Sa kwartong itinuro Niya Sa Amin
Nang matapos akong mag half bath ay tahimik lang Si yñigo, I don't know what I did that he doesn't want to talk to me
"Yñigo." Maka-ilang ulit ko na siyang tinatawag kaso wala parin siya kibo
I don't know what i did pero Hindi parin niya ako pinapansin
"Hey?" Tawag ko uli sa kaniya
"Hmm?" Aniya habang nakapikit ang mga mata
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya
"Pagod lang ako sa byahe." Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya sa bewang
Yumakap naman ito pabalik at yumuko para maisandal niya ang ulo niya sa leeg ko
"May problema pa ba?" Tanong ko pa
"Nagseselos ako sa inyo ni Yudge! I don't even know na magkakilala pala kayo." Aniya kaya hinalikan ko ang noo nito
"Ikaw lang, Ynigo." Nakangiting sambit ko ng tumayo ito ng maayos
"Totoo?" Tanong niya kaya tumango ako at Mula sa pagkakayakap sa bewang niya at isinukbit ko ang mga braso ko sa leeg niya at pinatakan siya ng halik sa labi
"Ikaw lang." Ngumiti naman ito at niyakap ako ng mahigpit
"Mahal na mahal ko kayo ni tori." Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya
"And we love you too."
BINABASA MO ANG
AMBER ROSE
Teen FictionOkay na sana eh kaso pinaalam pa ni mama. Masaya na sana eh. kung ikaw ba ang nasa posisyon ko mapapatawad mo ba ang totoo mung mga magulang kung basta basta kana nilang iniwan sa basurahan nung bata ka pa? hindi sa akin eh. kahit na mamatay pa sigu...