He touched me
It's Saturday morning, six days na simula 'nong nagtrabaho ako bilang Personal Assistant ni Sir Aldrich. Kahit lalamigin ka sa ugali niya ay nakakaya ko namang lagyan ng comforter ang sarili ko gamit ang pagiging understanding kong tao.
"Goodmorning Ma'am Retchel," I greeted while bowing my head. Kakarating ko lang sa Mansion nila pero si Madam lang ang nakita kong naka upo sa dining table.
"Goodmorning rin Charmaine, let's eat." aya ni Madam sa'kin pero umiling lang ako at hilaw na ngumiti.
"Kumain na po ako Ma'am, salamat na lang po. Uhm, sina Sir Junnie at Aldrich po nasaan?" kuryos na tanong ko habang kinakagat ang aking ibabang labi na lagi kong ginagawa.
Bata pa lamang ako ay mahilig na akong kumagat sa ibabang labi ko. Mabuti na lang at hindi ito nasusugatan.
"Nasa Garden sila, nag uusap." sagot ni Madam sa'kin habang sumisimsim ng kape.
"Kumain na po sila ng breakfast?"
"Hindi pa sila kumakain," walang ganang sagot ni Madam Retchel at nagpatuloy na sa pagkain.
"Enjoy your meal Ma'am, sa living room lang po ako. May aayosin po kasi ako para sa darating na lakad ni Sir Aldrich." paalam ko.
Tumango naman si Madam sa'kin bilang tugon at ngumiti. I bowed my head again and walked away.
Patungo na ako sa living room nila nang makita ko si Sir Aldrich na nagmamadaling umakyat sa taas at padabog na pumasok sa room niya.
"Aldrich, huwag mo akong tatalikoran. Bumaba ka rito, kinakausap pa kita. Aldrich! HUWAG KANG BASTOS!" malakas na sigaw ni Sir Junnie at nagmamadali namang lumapit si Madam Retchel sa kaniya para pakalmahin siya.
"Junnie, anong nangyari sa inyo ni Aldrich?" nag aalalang tanong ni Madam Retchel.
"Pinagsabihan ko siya na magtino siya at tinanong ko kung papayag ba siyang siya na ang pumunta sa Cebu para tignan ang mga resort doon pero ayon, tinalikuran ako." inis na paliwang ni Sir Junnie habang hawak ang sintido niya at pabalik balik sa lakad na halatang galit na galit siya sa inasal ni Sir Aldrich.
"Hayaan mo na natin si Aldrich, baka nabigla lang siya. Alam mo namang masama ang loob sa atin ng ating anak, hayaan mo muna siyang makapag desisyon." kalmadong sambit ni Madam Retchel habang hinahaplos ang likod ni Sir Junnie.
"Sana lang talaga at makapag desisyon ng matino ang batang 'yan. Sumusobra na ang pagiging bastos niya sa atin, hindi ko na alam kung paano siya patitinoin. Baka mapilitan akong palayasin siya rito at hindi bibigyan ng pera para alam niya kung gaano ka hirap mag isa, para maisip niya na kailangan niya tayo sa buhay niya." nalulungkot ako para kay Sir Junnie dahil alam ko kung gaano niya ka mahal si Sir Aldrich.
"Junnie naman, huwag kang mag isip ng gan'yan. Baka mas lalong lalayo ang loob sa atin ni Aldrich pag pinalayas mo siya, baka anong gawin niya sa buhay niya." nag aalalang sabi ni Madam Retchel at bakas ang lungkot sa kan'yang mukha.
"Wala nang ibang ginawa ang batang 'yan kundi ang magtanim ng sama ng loob sa atin. Kailan ba niya tayo mapapatawad? Kailan ba babalik ang Aldrich noon?" gusto kong maluha at yakapin si Sir Junnie ngayon dahil ramdam kong nasasaktan siya pero wala akong ginawa kundi ang tumayo lang sa sulok habang pinapanood sila.
Hindi ko alam ang gagawin ko pero gusto kong makatulong.
Kasama ko ngayon si Sir Aldrich sa isang coffee shop dahil gusto niya raw mag kape pero ang totoo ay gusto niya lang umalis sa bahay nila.
Hindi ko tuloy naayos kanina ang dapat kong gawin dahil nag aya si Sir na aalis kami.
Hinayaan ko lang si Sir Aldrich na inomin ang kape niya habang inaayos ko ang mga schedules namin ni Sir Aldrich sa log book.
YOU ARE READING
The Lost Memory (Completed)
RomanceCharmaine needs a work to help her family, especially to her father that had illness. She found her first job when she applied on Guerro's family to be the personal assistant of their one and only son, Aldrich Guerro. Charmaine Solame is a kind and...