I can't remember you
Nanatili akong nakatulala at parang wala na akong naririnig na boses sa paligid ko. Hindi ako makapaniwala kasi hindi ko ito maalala. Paano nangyaring ako iyon?
Halos sinabunotan ko na ang aking buhok baka sakaling may pumasok na alaala sa isip ko pero wala talaga. Kahit anong pilit ko'y wala akong maalala.
"O, Charmaine? Anong ginagawa mo d'yan? Ayos ka lang ba? Bakit parang nanghihina ka?" sunod sunod na pag aalalang tanong sa'kin ni Benjie nang maabotan niya ako sa labas ng guest room. Kahit nakatago na ako sa may gilid ay nakita niya pa rin ako. Kaagad siyang nagtungo sa kinaroroonan ko sabay haplos sa aking buhok na hanggang balikat ang sukat.
"O-Oo, ayos l-lang ako. Halika, hindi tayo pweding mag usap dito." tugon ko at hinala siya palabas ng mansion.
"B-bakit? May problema ba? Nag aaway ba sina Sir Aldrich at Miss Chesca? Nadamay ka ba? Nasaktan ka ba nila?" kuryos nitong tanong at ramdam mong nag aalala talaga si Benjie para sa akin.
He's a good friend to be exact.
"Oo, nag aaway sila pero hindi naman nila ako sinaktan. Masama nga ang ginawa ko kasi nakikinig ako sa naging usapan nila kahit alam kong mali." iyon lang ang tanging naging sagot ko sabay upo sa may hagdan. Tumabi sa'kin si Benjie at parang hindi pa rin naliliwanagan sa naging sagot ko. Alam kong mapagkakatiwalaan ko si Benjie pero hindi ko pweding sabihin sa kaniya ang nalaman ko at ang naging dahilan kung bakit ako nagka ganito.
"Pero bakit nang maabotan kita kanina ay hindi ka maayos at nanghihina ka? Nagseselos ka ba kasi magka usap sila?" gulat akong napalingon sa kaniya nang marinig ko ang kaniyang huling tanong. Hindi ako magtataka kung naisip niya na maaring gan'on nga ang dahilan kung bakit ako nanghina kanina at alam ko ring masakit ito isipin para sa kaniya.
"Hindi, hindi ako nagseselos okay? Mahirap e explain sa ngayon pero hindi ko muna sasabihin sayo Ben. Sana maintindihan mo ako," matapos ko siyang sagotin ay tipid akong ngumiti at alam kong malulungkot siya sa naging sagot ko. Baka isipin niyang hindi ko siya kayang pagkatiwalaan kahit ang totoo ay malaki ang tiwala ko sa kaniya.
Matagal siya bago sumagot habang nakatitig sa akin.
"Alam mo, nakakaintindi ako. Kaya sana kung may problema ka at kapag nasasaktan ka. Sabihin mo sa akin kasi handa akong makinig pero kung hindi ka pa handang sabihin sa iba ang dinaramdam mo ay gusto kong malaman mong nandito lang ako. Naiintidihan kita pero pweding pahingi ng favor?" mapait akong napangiti sa sinabi niya. Sana hindi na lang ako ang minahal ng lalaking 'to.
"Ano naman 'yon Ben?" I softly asked.
"Sundin mo lagi 'yung puso mo ha? Gusto kong maging masaya ka kahit hindi sa akin. Kapag darating 'yung araw na may mamahalin ka at kung pipiliin mo na 'yung taong gusto mong makasama hanggang dulo ay tatanggapin ko, ano man ang maging desisyon mo." biglang kumirot 'yong puso ko. Nakakalungkot pala kapag ganito 'yung sitwasyon mo, na kahit gustohin mo man na suklian ang pagmamahal na binigay sayo ng isang tao ay hindi na pwedi kasi may nag mamay ari na ng puso mo na ayaw mo ring mawala.
"Salamat Ben, salamat kasi napakabuti mong tao. Ang dami mong pinagdaanan at nalampasan kaya sobrang proud ako sayo. Hinihiling ko rin na kung hindi man ako ang babaeng para sayo, sana balang araw ay mahahanap mo 'yung taong mamahalin ka hanggang dulo kasi deserve mo 'yon." tugon ko. Sana hindi ko siya masyadong masaktan kapag dumating 'yung araw na hindi ko siya pipiliin.
Sandaling nawala ang nalaman ko kanina tungkol sa nakaraan ko dahil sa naging usapan namin ni Benjie pero sa kalooblooban ko ay gustong gusto ko ng malaman ang totoo.
Isa lang ang naisip kong sulosyon at iyon ay ang kausapin sina mama at papa baka may alam sila tungkol sa nangyari sa akin noon.
Kasalukoyan akong tumutulong sa pagliligpit ng pinggan para ilagay sa tamang lagayan nito dahil wala naman akong gagawin. Mag isa lang ako sa kusina dahil nasa labas sina manang at Mia habang ang iba naman ay nasa sala upang mag linis.
YOU ARE READING
The Lost Memory (Completed)
RomanceCharmaine needs a work to help her family, especially to her father that had illness. She found her first job when she applied on Guerro's family to be the personal assistant of their one and only son, Aldrich Guerro. Charmaine Solame is a kind and...