Symbolize
"What are you doing?" nagtatakang tanong ni Sir Aldrich sa'kin nang dinala ko ang isang unan sa sofa. Naisip ko kasing sa sofa na lang ako matutulog.
"Wala, kinuha ko lang 'tong unan dahil dito ako matutulog." sagot ko sabay na inayos ang unan sa pagkakalagay.
"Sinong nagsabi sayo na d'yan ka matutulog?" lumingon ako saglit kay Chesca nang tanongin iyon ni Sir Aldrich
"Wala namang nagsabi sa'kin, sarili ko itong desisyon. Naisip ko lang kasi na isang kama lang ang meron tayo dito tapos tatlo tayong matutulog. Sa tingin mo magkakasya tayo d'yan sa kama?" tinignan ko siya ng maigi, "Kaya hayaan mo akong matulog dito sa sofa kasi ang panget naman tignan kung si Miss Chesca ang matutulog dito diba?" puna ko at pekeng ngumiti. Nag iwas ako ng tingin para humiga na.
"Iyan lang ba ang rason mo? O sige, d'yan ako matutulog tapos doon kayo ni Chesca matulog sa kama. The more uglier if I will let you sleep here. Hindi ko gustong makita kang matutulog r'yan samantalang ako'y maayos na natutulog sa kama. Ayos ba 'yon?" pareho kaming nagulat ni Chesca sa sinabi ni Sir Aldrich. Parang may mali na e.
"H-hindi na, hindi mo na kailangang gawin 'yan. You're my boss, hindi mo deserve matulog dito atsaka makakatulog din naman ako ng mahimbing dito sofa." giit ko pero sa nakikita ko sa kaniyang mga mata ay parang walang siyang narinig sa sinabi ko.
"Really? How about you said to me in the past few days? Sa iyo na rin nanggaling diba? Na hindi mo ako boss at hindi kita PA sa loob ng limang araw, and I think that the five days is not over. We still have two days to treat each other as an ordinary people, kaya siguro naman wala tayong babanggitin o papanigan na position sa mga oras na 'to, Charmaine." may awtoridad ang kaniyang pagkakasabi kaya wala akong nagawa kundi ang tumahimik. Hindi ako makaimik, parang may bumabara sa lalamunan ko.
I still can't believe why Sir Aldrich doing this? Why did he need to be like this? Sana hindi na niya ako pakitaan ng ganito dahil mas lalo lang akong nadadala.
I need to be careful. I need to take care myself and save my heart.
Ayaw kong maranasang masaktan dahil pakiramdam ko ay unti unti na akong nagkakagusto pero dapat kong pigilan.
This rude guy can make me fall inlove with him and I need to stop it.
And I hate him to stole my first kiss.
Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya. Tabi kaming matutulog ni Chesca sa kama, mabuti na nga lang at hindi na niya pinansin ang naging sagotan namin ni Sir Aldrich.
"Are you fine there?" rinig kong tanong ni Chesca kay Sir Aldrich. She's pointing about
sofa."Yes, I'm fine here Chesca. Sleep ka na," malambing na pagkakasabi ni Sir Aldrich.
"Okay, if you say so. Goodnight," Chesca greeted and gave a flying kiss to Sir Aldrich. Nakita ko iyon dahil nakaharap ako sa kaniya kahit nakabalot pa ako ng kumot kasi sumilip ako ng konti.
"Goodnight," tugon ni Sir Aldrich.
"Goodnight Charmaine," baling sa'kin ni Chesca at ang alam niya'y tulog na ako kahit hindi pa.
The next day ay gan'on pa rin. Nagpumilit ako kay Sir Aldrich na mag pa iwan kahit ayaw niya. Hindi ko rin naman kasi gustong maging third wheel sa kanila dahil alam kong wala akong gagawin doon kundi ang sumunod sunod lang sa kanila. Kahit nakakapanghinayang na hindi ko masusulit at malilibot ng buo ang isla ng Palawan.
Binigay ko rin kay Chesca ang camera para siya na ang kumuha ng mga litrato sa bawat magagandang view na mapupuntahan nila.
Kinapa ko ang cellphone sa aking bulsa, pumasok kasi sa isip kong tawagan ang kapatid ko para kamustahin sila.
YOU ARE READING
The Lost Memory (Completed)
RomansaCharmaine needs a work to help her family, especially to her father that had illness. She found her first job when she applied on Guerro's family to be the personal assistant of their one and only son, Aldrich Guerro. Charmaine Solame is a kind and...