CHAPTER 22

200 7 0
                                    

First Day in Siargao

Nang maihatid na kami ni kuya Eman sa airport ay patuloy ko pa ring hindi pinapansin si Aldrich at kahit isang sulyap ay hindi ko ginawa. Alam kong labis na siyang naiinis pero alam ko ring hindi niya ako matitiis.

"Salamat po kuya Eman sa paghatid sa amin, mag iingat po kayo pa uwi." nakangiti kong sambit nang maibaba na lahat ng mga gamit namin.

"Kayo rin Iha, mag iingat kayo ni Sir Aldrich. Magkikita na lang tayo sa pagbalik ninyo," tugon nito atsaka tumango kay Aldrich bago pumasok sa loob ng kotse at nagmaneho na paalis.

"Do I look ugly? Why can't you look at me?" rinig kong sambit niya nang papasok na kami sa loob ng airport.

"What do you think?" walang emosyon kong tugon na hindi lumilingon sa kaniya.

"I think I'm ugly because you're starting to avoid at me. Nah!" he mumbled. This time ay hindi na ako nakapag pigil na lingonin siya.

"What? Hindi 'no! Ikaw kaya 'tong nauna kanina. Natiis mo akong hindi lingonin kaya gumanti lang ako." sumbat ko sa kaniya at siya na naman itong nagpipigil ng tawa. Iniisip niya siguro na napaka childish ko.

"I'm more than inlove with you the way you act like this. I remember our old times before. I wish that you can remember those happy times in our childhood days." he exclaimed. Dahil sa sinabi niya ay bumalik tuloy 'yung kagustohan kong maibalik ang alaalang nawala sa isip ko.

Napansin niyang naging malungkot ang itsura ko kaya nagmamadali siyang yakapin ako at humingi ng tawad.

"I'm sorry.. I didn't said those to make you sad but I guess, I failed. Don't worry, i'll help you to remember." he uttered. Humarap agad siya sa'kin nang matapos niya akong yakapin at hinalikan ako sa noo.

"You don't have to say sorry. Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot kapag iniisip ko 'yung tungkol sa mga alaalang nawala." I said, "Tayo na, baka hindi na tayo maka abot sa flight natin." nakangiti kong puna. Hindi na dapat ako malulungkot kasi kailangan kong e enjoy 'yung outing namin sa Siargao.

Sabay kaming naglakad sa loob ng airport at tulad ng dati ay tinulongan niya rin akong ilagay ang mga gamit ko sa check point.

Napangiti ako ng palihim habang tinitignan siyang inaayos ang mga gamit namin. Sa bawat galaw ng mga kamay at katawan niya ay parang tumitigil 'yung oras. Hindi man niya kasing galang ang papa ko, hindi man niya kasing bait si Ben at hindi man niya kasing buti ang papa niya ay meron naman siyang katangian na hindi mapapantayan ng iba. Iyon ay ang sa kabila ng pagiging rude at bad boy niyang dating ay marunong siyang makontento at magmamahal ng isa lang.

A real man can't be stolen.

Anyone of them can be loyal but not everyone can be faithful.

Bumalik lang ako sa katinoan nang hawakan ako ni Aldrich sa balikat ko. Nilingon ko siya at nagtataka siyang nakatingin sa akin. Hindi ko naman kasi namalayan na kanina pa ako nakatulala.

"There's something wrong? Iniisip mo pa rin ba ang tungkol—"

"No, hindi iyon ang iniisip ko." I cut him off.

"Okay, lets go." aya niya sa'kin sabay hawak sa kamay ko. Sumunod naman ako sa kaniya at binitbit ko na rin ang mga gamit ko sa kabilang kamay. Isang maleta lang ang dala ko kasi konti lang naman ang dinala kong gamit. Dala ko rin ang mga swim suit na binili namin ni Aldrich sa Cebu.

It clost 2 hours and 40 minutes ang naging byahe namin bago kami makarating sa airport. Sayak (IAO) Airport which is 4.3 km away from Siargao.

Nakapag booking na si Aldrich sa isang resort na pupuntahan namin kaya maghihintay na lang kami ng susundo sa amin dito. Hindi ko akalain na naihanda niya na pala ang lahat kasi akala ko ako pa mag bobook tapos malalaman ko na lang kahapon na wala na pala akong dapat na aabalahin pa.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now