I miss you
Ben and I started looking for an apartment here in Manila. Nagsimula kaming maghanap malapit sa lugar namin dahil sa kagustohan niya. Sapagkat nagbabakasakali siyang makakahanap ng matutuloyan malapit sa tinitirhan ko. Ayaw ko mang sundin ang nais niya pero wala na akong nagawa dahil wala akong karapatang hadlangan ang mga gusto niyang gawin sa buhay niya.
I see Benjie as a good guy and I think that there's nothing wrong about what he felt for me. I don't have rights to stop him nor hate him but instead, I should be glad because someone admire me for who I am.
But the things that are bothering me if how could I pay him?
"O, bakit tila balisa ka d'yan? Anong gumugulo sa isip mo?" kuryos niyang tanong na may halong pag aalala. Tipid lamang akong ngumiti dahil wala akong maisasagot sa kaniyang tanong.
Nasa kalagitnaan pa rin kami ng paglalakad sa kung saan kami dalhin ng mga paa namin. Wala pa rin kaming nahahanap.
"Pasensya ka na kung naaabala kita ngayon pero kung gusto mo ng umuwi ay ihahatid na kita sa inyo. Ako na lang ang mag iisip ng paraan para may matuloyan na ako. Baka kasi hindi mo na masikmurang kasama ako," sambit niya kaya agad ko siyang inirapan. Napaka emotero naman ng lalaking 'to, ako pa talaga ang gaganyanin niya.
"Ayos lang ako at kailangan pa rin kitang tulongan dahil hindi mo kabisado ang Manila, kaya pwedi bang huwag ka ng mag emote d'yan para makahanap na tayo ng matutuloyan mo." saad ko, "Sabi ko naman kasi sayong walang masyadong apartment dito sa lugar namin kaya nahihirapan tuloy tayong maghanap." puna ko habang patuloy pa rin kami sa paghahanap. Halos nalibot na namin ang bawat sulok ng street pero wala na kaming makitang available, meron sana pero only for girls lang ang apartment na 'yon.
"Hindi sana tayo mahihirapan ng ganito kung pumayag ka lang sanang sa bahay niyo ako titira," masama ko siyang tinignan matapos marinig ang sinabi niya pero agad niya itong binawi, "Oy, joke lang! Eto naman, pero ang cute mo pa rin kahit ano pang itsura ng mukha mo. Mas lalo tuloy akong nahuhulog," binawi nga niya pero nagdagdag naman ng mga bolerong salita.
"Tigilan mo nga ako sa mga ganiyan, kinikilabotan ako e." paninira ko sa matamis niyang ngiti at masayang mukha. Pinagmasdan ko kung paano napawi ito at napalitan ng walang emosyon.
"Gan'yan ka ba talaga sa'kin? Alam kong hindi mo ako gusto pero sana huwag mong ipagdaldakan sa aking, talo na ako." mapait niyang sambit at iniwan akong nakatayo sa gitna ng daan. Biglang bumigat ang nararamdaman ko nang marinig ko ang huling salitang binitawan niya. Iniisip ko tuloy na kahit wala akong ginagawa ay may nasasaktan akong tao.
Hindi ko sinasadyang sabihin iyon pero para sa'kin ay isa lamang iyong biro pero iba pala pag dating sa seryosong tao.
Sa bawat hakbang niya palayo sa'kin ay parang mas lalong bumibigat kaya pinili kong tumakbo papalapit sa kaniya upang humingi ng tawad.
"Sandali lang," pigil ko sabay hawak sa braso niya, "Sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko akalain na masasaktan kita pero hindi ko intensy—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinahinto niya ako gamit ang hintuturo niyang dumampi sa labi ko.
"Hindi mo naman kailangang magpaliwang sa'kin dahil baka isipin kong gusto mo rin ako pero alam ko namang medyo malabo pa ito ngayon. Gusto kong malaman mo na hindi pa ako nag uumpisa kaya gagawin ko ang lahat upang mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo." seryoso nitong sambit at sa mga mata ko lang siya nakatingin.
"B-bakit kailangan mo pa itong gawin sa'kin? Mas lalo lang akong nahihirapan e," tugon ko na may halong inis. Inis sa sarili ko dahil para akong nag take ng exam na hindi ako nag review kaya nahihirapan ako at hindi makasagot kahit nandiyan naman 'yong mga choices pero ang hirap pumili kung ano ba talaga ang sa tingin kong tama.
YOU ARE READING
The Lost Memory (Completed)
RomanceCharmaine needs a work to help her family, especially to her father that had illness. She found her first job when she applied on Guerro's family to be the personal assistant of their one and only son, Aldrich Guerro. Charmaine Solame is a kind and...