CHAPTER 24

195 8 0
                                    

Moments

Kinagabihan ay nasa tabing dagat kami ni Aldrich para lumanghap sa simoy ng hangin. Medyo napagod din kami kanina dahil ang dami naming pinuntahang lugar.

"Inaantok ka na?" tanong ko habang nakasandal ako sa balikat niya.

"Medyo, ikaw ba?" baling niya sa'kin.

"Inaantok na, pasok na tayo sa loob?" panlalambing ko. Tumango ito sa akin kaya naman nang tumayo ako ay tumayo na rin siya at hawak kamay kaming naglakad papasok sa loob ng hotel.

Kinabukasan ay late na kami nagising dahil sa pagod na naramdaman namin kahapon. Na una nang mag shower si Aldrich dahil mas na una siyang nagising sa'kin samantalang nag hahanda pa lang ako ng susuotin ko ngayong araw para sa Island Hoping schedule naming dalawa. Sobrang exited na ako dahil kasama ko ulit si Aldrich mag I-Iland Hoping. Hindi ko kasi na enjoy sa El Nido dahil kay Chesca.

*Tok *Tok *Tok

Napabaling ang atensyon ko sa pintoan nang may marinig akong tatlong katok kaya agad akong lumapit dito at pagbuksan kung sino man ang nasa labas nang bumungad sa'kin ang isang babae na may dalang tray ng pagkain. Nakahanda na pala ang magiging breakfast naming dalawa ni Aldrich.

"Here's your meal ma'am! Enjoy eating!" nakangiti nitong sambit.

"Thankyou for serving!" tugon ko at malugod itong tinanggap.

Sinira ko na ang pintoan nang maka alis na siya sabay na inilapag ang pagkain sa mesa.

"Aldrich, nandito na ang pagkain." sigaw ko para marinig niya sa loob ng shower room.

"Okay, I'm almost done." sigaw niya rin pabalik.

Habang naliligo pa siya ay hinanda ko na ang pinggan, kutsara't tinidor sa mesa sakto naman ay lumabas na siya ng shower room kaya sabay na kaming kumain dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay nagmamadali na akong maligo dahil malapit na 'yung time sa schedule namin ngayong araw.

Nakasuot lang ako ng one piece na kulay black at long blazer para sa Island Hoping namin ngayon. Medyo umitim ako dahil sa araw kahapon at baka hindi bagay sa'kin itong kulay itim na suot ko.

Isang beses lang kaming sumakay ng bangka kahapon kasi more on Inland Tour kami at ngayon lang kami mag I-Island Hoping dito sa Siargao sa tatlong Island.

Naked Island
Daku Island
Guyam Island

"Are you ready?" tanong ni Aldrich na hindi man lang lumilingon sa akin. Hindi pa niya nakikita ang suot ko dahil kakalabas ko lang ng shower room.

"Ayos lang ba ang suot ko?" nakangiti kong tanong at dahan dahan siyang lumingon sa akin. Nakatulala ito matapos suriin ang suot ko kaya lumapit ako sa kaniya.

"Hoy! Ayos ka lang?" nagtataka kong tanong. Bumalik siya sa katinoan nang marinig niya ako at napatango sabay iling kaya mas lalo akong nagugulohan.

"Shit! I'm lost on focus!" he mumbled, "Wait, yeah, I'm fine and your outfit today is suit on you as usual. You have nothing to worry my love," he added and kiss me on my forehead.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" natatawa kong tanong pero nag iwas siya nang tingin sa akin. Hm, ano kayang nangyayari dito?

"I said I'm fine okay? Let's go!" tugon niya at 'di ko akalaing makikita ko ang pamumula nang pisnge, ilong at mga tenga niya.

"Teka lang! May sakit ka ba? Bakit namumula ang mukha mo?" nag aalala kong tanong pero hindi niya ito pinansin.

Hindi kaya galit siya sa naging suot ko? Ngayon lang kasi ako nag suot ng one piece na hindi nag short kaya nakalantad ang legs ko at naging ganito lang naman siya mula nang makita niya ang suot ko ngayon.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now