CHAPTER 14

223 9 0
                                    

Effort

Sa bawat araw na lumilipas ay lagi na lang kaming nagbabangayan ni Chesca. Nagmimistulang anghel lang siya kapag kaharap namin ang pamilyang Guerro. Ayaw kong makipag away bata sa kaniya pero siya itong ayaw akong tantanan.

"Ayos ka lang ba Iha?" nag aalalang tanong sa'kin ni kuya Eman. Nakasimangot kasi akong nakatulala sa isang vase.

"Opo, a-ayos lang po ako kuya." sagot ko at tipid na ngumiti. Umupo si kuya sa harap ko at binigay sa'kin ang isang baso ng juice.

"Uminom ka muna," aniya.

"Salamat po rito kuya, nag abala pa po kayo." sambit ko. Naiwan ako kasama ang mga kasambahay sa mansion. Wala kasi ang mga amo namin dahil may reunion sila sa Bacolod at kaninang umaga lang sila umalis.

"Hindi ka man kailan abala sa'kin Charmaine, dahil pamilya na ang turing ko sa 'yo." napangiti ako dahil sa sinabi ni kuya Eman at tulad niya'y pamilya na rin ang turing ko sa kaniya pati na sa mga kasambahay na nag tatrabaho dito sa mansion.

Tatlong araw mananatili sa Bacolod ang pamilyang Guerro kaya tatlong araw silang hindi makaka uwi sa mansion. Uuwi na rin ako maya maya sa bahay dahil wala na akong gagawin dito. Babalik lang ako kapag naka uwi na si Sir Aldrich.

Sinama nila si Chesca dahil gusto rin nitong sumama at wala na kasing ibang mapupuntahan si Chesca dito bukod sa kanila. Napag alaman ko ring tulad ni Sir Aldrich ay hindi lumaki si Chesca sa Pilipinas. Sa Singapore siya lumaki at umuwi lang siya dito nang malaman niyang nandito na rin si Sir Aldrich sa Pilipinas.

"Matagal niyo na po bang kilala si Chesca?" kuryos kong tanong. Susubukan kong alamin ang tungkol kay Chesca sa pamamagitan ni kuya Eman baka sakaling may alam siya tungkol sa babaeng 'yon.

"Wala akong masyadong alam tungkol kay Chesca pero naalala ko n'ong bata pa si Sir Aldrich ay may batang babae siyang kalaro noon. Palagi niya itong pinapatawa at binibigyan ng masasarap na pagkain dahil ilang beses ko na silang nahuling magkasama. Mahigit dalawang taon din silang magkasama nang batang 'yon pero nang ipinadala si Sir Aldrich sa America ay doon sila nagkawalay sa isa't isa. Hindi nga nagpaalam si Sir Aldrich sa batang 'yon pero may binigay sa'kin si Sir Aldrich na isang regalo, ibibigay ko daw ito sa kaniya. Sinunod ko ang utos sa'kin ni Sir Aldrich, binigay ko ito sa batang babae pero mula 'non ay hindi ko na iyon nakita. Nakalimotan ko ang pangalan niya kasi sobrang tagal na rin pero baka iyon si Chesca." seryoso akong nakinig sa kwento ni kuya Eman. Ngayon ay napatunayan ko nang totoo ang sinabi sa'kin ni Sir Aldrich sa Cebu.

Ang batang babaeng iniwan niya noon ay si Chesca. Ang babaeng mahal niya hanggang ngayon.

Hindi ko namalayang nasasaktan na pala ako sa iniisip at nalalaman ko ngayon. Ang hirap tuloy para sa'kin na paniwalaan ang sinabi niyang gusto niya ako.

"Salamat po sa pag sagot at pag kwento sa'kin kuya Eman." tugon ko at hilaw na ngumiti. Tuloyan ko nang inubos ang juice na binigay niya sa'kin dahil gusto ko ng umuwi ng bahay.

"Charmaine! Charmaine!" tarantang tawag sa'kin ni Mia, ang isa sa kasambahay dito sa mansion.

"O, bakit?" napatayo ako pati na rin si kuya Eman at gulat akong nag bitiw ng tanong.

"Oo nga Mia, bakit nagmamadali ka?" sabat ni kuya Eman na tulad ko'y nagulat din sa pagsulpot ni Mia.

"Pasensya na po kuya Eman sa inasal ko pero wala naman pong nangyari. Si Charmaine lang po ang kailangan kong kausapin, hehe. Pasensya na po talaga, halika Charmaine. May sasabihin ako sayo," baling niya sa'kin at kinaladkad ako patungong gate.

"Bakit ba? Ano bang meron?" nagtataka kong tanong dahil nakaramdam na ako ng kaba.

"E kasi may naghahanap sayo sa labas tapos sinabihan namin siyang maghintay na lang siya mamaya kapag uuwi ka na pero ayaw niyang makinig sa amin. Gusto ka na raw niyang makita," sagot sa'kin ni Mia. Mas lalo tuloy akong nagtataka kung sino ang naghahanap sa akin. Wala naman akong inaasahang taong maghahanap sa akin.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now