CHAPTER 29

193 7 0
                                    

Good bye Benjie

Tonight is the last vigil of Benjie because tomorrow, he will buried on cemetery. Masaya na rin ako kasi kahit papaano ay nakita ko siya sa huling siyam na araw niya bago siya tuloyang hindi ko na makita.

Nagtungo rin si Mia at kuya Eman kaninang tanghali dahil sasama raw sila bukas sa paghatid kay Ben sa sementeryo.

Sobrang nakakalungkot ang mga araw na lumipas dahil miss na miss ko na si Ben. Bukas ang huling araw na makikita pa namin siya kaya ang bigat sa loob pero kailangan naming tanggapin.

"Charmaine..." tawag ni Aldrich sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Bakit? May kailangan ka?" tanong ko sabay kapit sa kaliwang braso niya.

Hinila niya naman ako palabas para hindi kami maka-abala sa ibang tao na nasa loob. Marami ang nagtungo ngayong gabi dahil huling gabi na bago ilibing si Benjie. Tumulong rin kami sa pagbili ng ihahandang pagkain para bukas at kami ni Mia ang bumili kanina nang dumating silang dalawa ni kuya Eman dito sa Palawan.

"Mia already prepared our dinner for tonight with kuya Eman and they're waiting for us," aniya at tipid lamang akong ngumiti, "Let's go?" dagdag niya.

Tumango ako at dahan dahang sinandal ang ulo ko sa balikat niya, "Pasandal ah," saad ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng hotel.

"I love you..." aniya sabay halik sa noo ko. Napangiti ako at mas lalong dinikit ang sarili sa kaniya.

"Mahal din kita at maraming salamat kasi sinamahan mo ako dito kahit alam kong hindi na dapat. Thank you for everything Aldrich." I whispered.

"As what I've said, I don't want you to stay here alone. Alam kong hindi ka sanay dito at kung hindi kita sinamahan tapos may mangyayaring masama sayo, malulungkot ako at magsisisi kasi hindi ko kakayanin." malungkot na saad niya kaya pero mas lalo lang akong napangiti dahil sa mga narinig ko.

"Hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama sa'kin kaya thank you, kasi mas lalo mo lang pinaparamdam sa'kin na sa lungkot at saya ay nandiyan ka sa tabi ko at sasamahan ako sa bawat ikot ng ating mundo." wika ko at bigla niya akong niyakap.

"I never imagine myself marrying someone if it's not you... I can't live my life with the other woman, I always back—loving you." he said and a couple of seconds, I found his lips over mine.

Nanlaki ang mga mata ko dahil nagulat ako sa ginawa niya lalo pa't maraming tao ang nakakita sa amin. Humiwalay din agad siya nang maramdaman niyang hindi ako tumugon sa halik niya. Tiningnan ko ang buong paligid, mabuti na lang at hindi sa amin ang atensyon ng mga taong dumadaan. Lumingon ako pabalik kay Aldrich sabay hila sa kaniya pa-akyat ng hadgan para magtungo na sa kwarto namin kung nasaan sina Mia at kuya Eman.

"Charmaine wait," aniya kaya napahinto kami sa gitna ng hagdan.

"What?"

"I'm sorry... alam kong hindi ko dapat 'yun ginawa pero nadala lang ako. I won't do that again without you knowing about what I'm going to do. Please, don't get mad at me..." nag-aalalang saad niya dahil sa tingin niya ay nagalit ako.

"Hindi ako galit okay? Pero ayaw ko munang tugonan ang mga ganoong bagay habang nagluluksa pa tayo sa pagkamatay ni Benjie. Gusto ko munang respetohin ang natitirang araw niya bago siya ilibing. Sana maintindihan mo," wika ko at tumango naman ito.

"Of course I do, that's why I'm shy because of what I did. I'm sorry," he's sorry again.

"It's okay, kumain na lang tayo kasi sabi mo naghihintay na sila 'di ba? Kaya tara na," sambit ko at sabay kaming nag patuloy sa paglalakad.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now