CHAPTER 18

257 9 0
                                    

My love

Hindi mawala sa isip ko ang naging sagot sa'kin ni Sir Aldrich kanina. Kahit sumapit na ang gabi ay pa ulit ulit ko pa rin itong naririnig na parang nasa tabi ko lang si siya.

"No, she's not." he exclaimed.

"No, she's not." he exclaimed.

"No, she's not." he exclaimed.

Maraming pumasok na tanong sa isip ko kanina na gustong gusto kong malaman agad ngunit hindi ko na nagawang itanong dahil naputol ang pag uusap namin kasi biglang dumating si Chesca.

"Ayos ka lang? Bakit parang may bumabagabag sayo?" nag aalalang tanong sa'kin ni Benjie. Sabay kaming nag aayos ng mga gamit namin dahil kailangan na naming umuwi. Lumingon ako sa kaniya nang matapos na ako at tipid na ngumiti.

"Wala 'to, ayos lang ako." sagot ko sabay suot ng shoulder bag ko.

"Sigurado ka? Wala kang inaalala? Baka may problema ka? Pwedi naman nating pag usapan kasi handa akong makinig sayo. Nandito lang ako," tugon sa'kin ni Benjie at bigla na lang ako nakaramdam ng inis kasi ang kulit niya pero alam ko namang gusto niya lang akong tulongan pero ayos lang naman ako. Hindi naman masyadong big deal sa'kin ang nalaman ko pero hindi ito mawala sa isip ko. Inaalala ko lang kasi na kung hindi si Chesca, e sino?

Maaring ibang tao siya at maari ring mahal niya pa at ginagamit niya lang ako para kalimotan ito.

"Hindi na Ben. Hindi na kailangan kasi ayos lang talaga ako. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay umuwi para makapag pahinga na ako." naging malamig ang pakikitungo ko dahil sa tono nang pagkakasabi ko sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil hindi ko dapat ginawa 'yon. Naging malungkot ang itsura ni Ben at hindi na ito umimik sa'kin.

"Tapos ka na d'yan Ben? Tara na, magpaalam na tayo sa mga amo natin. 'Diba ihahatid mo pa ako?" mahinahon ang pagkakasabi ko at alam kong babalik ang tuwa sa mukha niya dahil sa binanggit kong ihahatid niya ako. Napangiti na rin ako nang ngumiti ng malapad sa'kin si Benjie.

"Akala ko galit ka sa'kin e." sambit nito at nagmamadali na ring sinuot ang pack bag niya.

"Wala ka namang kasalanan sa'kin kaya bakit ako magagalit? Sorry ah, kung pakiramdam mo na nagalit ako." saad ko. Na una na rin akong naglakad para puntahan ang mga amo namin upang mag paalam.

"Ayos lang 'yon. Hindi pa rin naman nababawasan ang pagmamahal ko kahit ano pa ang maging pakikitungo mo sa'kin." wika ni Benjie at tanging ngiti na lang ang itinugon ko. Ang hirap pala ng ganito kasi parang pinapaasa ko siya. Hindi ko man lang magawang sabihin na may iba na akong gusto at hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal na dapat para sa kaniya.

"Ikaw pa rin kahit hindi ako," rinig kong pahabol na bulong niya. Ganito ba talaga mag mahal ang isang tao kahit masakit na para sa kanila ay pinipili pa rin nilang maging manhid at maging selfless.

He don't deserve this. He really don't.

Paglipas nang araw at linggo ay mas naging malapit kami sa isa't isa ni Benjie bilang magkaibigan. Si Sir Aldrich naman ay mas naging clingy at sobrang sweet sa tuwing binibigyan niya ako ng bulaklak kahit palihim.

Nagka usap na rin kami tungkol dito. Palihim muna siyang manliligaw sa'kin bago niya ipaalam sa lahat na ako ang babaeng gusto niya kapag sinagot ko na siya at maayos na ang lahat.

Hindi ko alam kung anong dapat niyang ayosin at kung anong kailangan niyang gawin pero hindi na ako nagtanong kasi gusto kong siya mismo ang magsabi tungkol doon. Gusto ko rin siya kaya pagkakatiwalaan ko siya ng buong puso.

"Nagustohan mo ba ang bulaklak na binigay ko kahapon?" napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Sir Aldrich. "Sorry kung si Mia ang nagbigay sayo. Kinulit kasi ako ni Chesca kahapon na mag movie marathon daw kami kaya ipinabigay ko na kay Mia." puna niyang paliwanag kahit hindi naman kailangan.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now