CHAPTER 9

248 10 0
                                    

Childhood Friend

"Goodevening Sir Junnie," bati ko sa kabilang linya. It's already 8pm in the evening, kakatapos lang rin naming kumain ng dinner ni Sir Aldrich nang tumawag ang daddy niya sa'kin.

[Goodevening rin Charmaine, I call you because I want to know if how's your stay in Cebu? I mean, in Palawan.] tanong sa'kin ni Sir Junnie. Napaisip muna ako nang isasagot kaya natahimik ako ng ilang segundo.

"Maayos naman po at sobra kaming nag enjoy ni Sir Aldrich. Marami na rin po akong mga nakuhang litrato sa magagandang view na nadadaanan namin kanina. Na i-tour rin kami ng maayos ng mga tagarito at bukas ay may pupuntahan po ulit kaming ibang spot."

[Masaya ako sa ibinalita mo sa akin Charmaine, sana'y mas mag enjoy pa si Aldrich d'yan. Gusto kong bumalik na ang dating saya niya. Gusto kong bumalik na ang dati kong anak.] ramdam ko ang lungkot sa boses ni Sir Junnie at nakaramdam din ako ng kirot.

Ibig sabihin pala ay kaya niya pinapunta rito si Sir Aldrich para mag enjoy? Pero paano naman mag eenjoy si Sir Aldrich dito kung sakaling hindi ako kasama? Kasi si Sir Aldrich lang naman dapat ang magpunta dito kung hindi niya lang ako pinasama. At kahit nga kasama niya ako, mukhang hindi siya nag eenjoy, sinabi ko lang na nag enjoy siya para hindi maging malungkot si Sir Junnie o manghinayang.

"Walang anuman po Sir Junnie, huwag po kayong mag alala dahil sisiguradohin ko pong magiging worth it ang pagpunta namin dito." masayang sambit ko.

[Sana nga Charmaine, nga pala iha, may nakalimotan akong sabihin sayo. Darating d'yan si Chesca,] nagtaka ako bigla sa sinabi ni Sir Junnie, hindi kasi pamilyar sa'kin ang pangalan na binanggit niya.

"Chesca? Sino po pala siya Sir Junnie?" nagtataka kong tanong, "Sorry po kung naitanong ko, hindi po kasi siya pamilyar sa'kin." pina ko.

[Okay lang iha, gusto ko rin namang makilala mo siya. Si Chesca ay malapit na kababata ni Aldrich, siya dapat ang ipapasama ko kay Aldrich patungo r'yan sa Cebu pero may inasikaso kasi si Chesca kaya bukas pa siya darating d'yan.] huminga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Sir Junnie, parang may nararamdaman akong hindi ko maintindihan.

"S-sige po, s-sasabihin ko kay Sir Aldrich." nauutal kong wika sabay lingon sa kinaroroonan ni Sir Aldrich. Nakaupo siya sa dining area dito sa room namin at nakatutok lang ang atensyon niya sa kaniyang laptop habang isa isang tinignan ang mga nakuha naming litrato kanina.

[Ahm, Iha? Pwedi bang hindi mo muna sasabihin kay Aldrich. Gusto ko kasing masuprise siya sa pagpunta ni Chesca d'yan. Ilang taon din kasi mula 'nong hindi na sila nagkita.]

"Oo naman po, sige po, hindi ko sasabihin kay Sir Aldrich."

[Maraming salamat Charmaine, mag iingat kayo r'yan. Paalam na muna dahil may aasikasohin pa ako,]

"Sige po Sir Junnie, kayo rin po, mag iingat din kayo. Paalam po," sambit ko bago binaba ang tawag.

Tama nga ako't totoo ang sinabi niya sa'kin. Si Chesca pala ang sinasabi niyang minahal niya noon when he was 10 years old. Maybe, Chesca will give a pure happiness to Sir Aldrich. Mukhang si Chesca ang susi para bumalik muli ang Aldrich noon.

Ang Aldrich na minsan ko ng nakita pero naglaho rin bigla at bumalik sa dati.

"Sino kausap mo?" tanong niya sa'kin nang umupo ako sa couch malapit sa tabi niya.

"Kausap ko ang daddy mo," sagot ko, sumulyap siya sa'kin pero umiwas din agad.

"Anong pinag usapan niyo?" kuryos niyang tanong.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now