Rudeness
I poured out my tears because of happiness after I received the result. I still can't believe that they will accepted me to be the Personal Assistant of Mr. Guerro. The parents of Mr. Guerro is the boss of my father who work for them since I was young. My father was their personal driver before for 20 years but when my father had illness, he resigned because he can't handle it anymore. He chose to rest and stay at home until his recovery.
"Papa, mag pagaling po kayo ah, pangako po na magiging matino ako sa trabaho ko. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng tiwala nila at kapag nakapag ipon na ako ay may pang gamot na tayo sa sakit niyo. Mabuti na lang po talaga at nakombinsi ninyo sina Sir Junnie at Ma'am Retchel na tanggapin nila ako sa trabaho. Sana po talaga ay magiging ka vibes ko ang anak nila," wika ko kay papa sabay na hinahaplos ang kaniyang buhok habang mahimbing na natutulog.
"Ipangako niyo po sa akin papa na hindi kayo susuko." puna ko at tumayo na. Hinalikan ko si papa sa noo pagkatapos ay inayos ang kaniyang unan. Nilagyan ko rin siya ng comforter para hindi siya lamigin dahil masyadong mahangin sa labas at mukhang uulan.
Hindi pa umuuwi si mama kaya naisipan kong magsaing muna pero bago ako magtungog kusina ay sumulyap muna ako sa kapatid ko na ngayon ay nag aaral sa kaniyang silid.
I entered in her room and sit beside her.
"How are you?" I asked my younger sister that are now busy writing in her notes.
Tumigil siya sa gawi niya at tumingin sa'kin, "I'm fine ate, wala po kayong dapat ipag alala." aniya at matamis na ngumiti.
"I'm so proud of you Kirstine, promise me that you will focus on your studies. I will do everything to provide your needs, ako na naman ang susunod sa yapak nina mama." wika ko at niyakap siya ng mahigpit.
Sina mama at papa ang gumawa ng paraan at naghirap para lang makapag tapos ako and now, ako na naman ang magsisikap para makapag tapos din ang kapatid ko.
"Mag iingat ka po sa trabaho niyo ate ah, sana po kung gaano sila kabait dati kay papa ay gan'on din sila kabait sa inyo." sambit ni Kirstine habang nakayakap pa rin ako sa kaniya.
Kumawala ako sa yakap para harapin siya, "Iyan din ang aking hiling kaya ikaw, kapag wala ako ay tulongan mo si mama mag asikaso kay papa kapag naka uwi ka na galing sa school mo. 8pm kasi ang out ko kaya matatagalan akong umuwi," saad ko at tumango siya sa'kin bilang tugon.
Gabi na nang umuwi si mama at tapos na rin akong magsaing ng kanin. Nakabili si mama ng isda kaya ako na ang nag prisentang lutoin ito.
"Masaya ako at natanggap ka na pala sa trabaho mo," sabat ni mama habang naghihiwa ako ng sibuyas.
"Pagbubutihin ko po talaga ang trabaho ko," usal ko.
I shoved my tears off but I'm letting out light chuckles because my tears can't stop from pouring.
"Palagi ka pa ring naiiyak pag naghihiwa ka ng sibuyas. Ako na nga d'yan anak," malambing na sabi ni mama kaya naman hinayaan ko na siyang tumapos sa paghiwa ng sibuyas.
Iniwan na ako ni mama sa kusina dahil aasikasohin niya pa si papa. Pinagpatuloy ko na ang gawi ko at tinikman ang sabaw kung tama na ba ang lasa nito. Sinabaw na isda ang ulam namin ngayong gabi, bawal kasi si papa sa mga mantikaing pagkain kaya lagi kaming nagsasabaw.
"Tama ba ang narinig ko sa mama mo na tinanggap ka na sa trabaho?" masayang tanong ni papa sa'kin habang kumakain kami ng hapunan.
"Opo papa, kaninang tanghali ko lang po natanggap ang resulta." magalang na sagot ko at malapad na ngumiti.
YOU ARE READING
The Lost Memory (Completed)
Storie d'amoreCharmaine needs a work to help her family, especially to her father that had illness. She found her first job when she applied on Guerro's family to be the personal assistant of their one and only son, Aldrich Guerro. Charmaine Solame is a kind and...