Selective Amnesia
Nang maipaliwanag na sa akin ang lahat ay doon lamang ako naliwanagan. Sinabi na rin ni mama sa akin ang naging sakit ko, kung bakit nawala ang alaala ko.
I found out that I have Selective Amnesia, plays a helpful role in our life. Pwedi mong makalimotan ang isang certain person or certain incidence, let us say the one who caused you too much pain. Or an incident that traumatised on your mind while other memories remain intact.
Selective Amnesia is also considered as defense mechanism. It can protect me to forget the pain and traumatically events but until now, I can't remember those even if I wanted too.
"Iha? Tulala ka na naman. May problema ka ba? 'Nong huli kitang nakitang tulala ay nag tanong ka sa akin tungkol kay Chesca. Ano na naman ngayon ang bumabagabag sa isip mo?" tipid akong ngumiti nang marinig ko ang pag aalalang tanong ni kuya Eman sa akin. Sobrang greatful ko naman kasi sa tuwing may problema ako ay may mga taong nand'yan para kamustahin ako at damayan.
"May nalaman po kasi akong hindi ko inaasahan. Hindi ko akalain na gan'on pala 'yong totoong nangyari sa mga bagay na akala ko hindi ko na dapat aalahanin. 'Yung bagay na pilit kong inaalam ay iyon pala ang malaking parte sa buhay ko na nawala." tugon ko at alam kong hindi masyadong naiintindihan ni kuya Eman ang mga sinabi ko. Nasa labas kami ngayon ni kuya Eman at sobrang aga pa kaya tulog pa ang mga amo namin.
Si Benjie naman ay hindi muna papasok ngayon dahil uuwi muna siya sa Palawan. Hindi ko nga alam na uuwi pala siya sa kanila, kanina lang sinabi sa akin ni manang nang dumating ako. Hindi ko naman siya masisisi kung hindi niya sinabi sa akin dahil sa nangyari kahapon. Alam kong sobra siyang nagtampo.
"Sobrang makahulogan ang ipinaliwanag mo sa akin Iha kaya alam kong sobra mo itong ikinababahala." sambit nito sa akin habang sumisimsim ng kape samantalang nakatuon lamang ang paningin at atensyon ko kay kuya Eman.
"Hindi ko alam kung mabigat ba 'yang dinadala mo kasi hindi ko naman alam ang tunay na kwento pero gusto kong isipin mo lagi na merong rason kung bakit nangyayari ang mga bagay sa buhay natin. Maari mang nasasaktan tayo pero meron namang magandang nangyari." puna ni kuya Eman sabay haplos sa balikat ko at ngumiti rin ito sa akin na nagsasabing magiging okay din ang lahat.
"Maraming salamat po kuya Eman kasi sobrang bait niyo po sa akin. Sana nga po talaga magiging okay din ang lahat." nakangiti kong saad.
"Walang anuman iha, wala kasi akong anak na babae kaya magaan ang loob ko sa 'yo dahil tinuturing na rin kitang anak. Kung may problema ka ay lagi lang akong nandito para makinig sayo." biglang nanlambot 'yong puso ko at gumaan ang pakiramdam ko. Iba pa rin talaga mag mahal ang mga magulang.
Pumasok na muna si kuya Eman sa loob samantalang nandito pa rin ako sa labas, sinandal ang sarili sa upuan sabay tingin sa langit.
Bakit ba hanggang ngayon ay walang pumapasok sa isip ko kahit alam ko na may sakit ako? Bakit ang hirap pa rin alahanin ang lahat? Gustong gusto ko ng maramdaman ulit ang naramdaman ko noon kahit masakit man ito kasi pakiramdam kong may kulang pa rin.
Kung hindi ba nawala ang alaala ko ay mamahalin ko pa rin kaya si Aldrich ngayon? Hindi ba ako magtatanim ng galit sa kaniya?
Bumabagabag din sa isip ko kung bakit hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni Aldrich 'nong mga araw na bago pa lang kaming magkakilala bilang PA niya? E hindi ba't kilala niya na ako?
Urgh! Nakakainis kasi puro na lang tanong na walang sagot.
Pagkatapos naming puntahan ang isang schedule ngayon ni Sir Aldrich ay nag aya siya sa akin na kumain muna kami sa isang restaurant kung saan kami mag lulunch.
YOU ARE READING
The Lost Memory (Completed)
RomanceCharmaine needs a work to help her family, especially to her father that had illness. She found her first job when she applied on Guerro's family to be the personal assistant of their one and only son, Aldrich Guerro. Charmaine Solame is a kind and...