On the way, Siargao
Pansamantala kong hindi inisip ang lahat ng nangyari sa akin. Sinabi rin nina mama at papa na kung gusto kong gumaling ay pwedi naman kaming magpagamot pero tumanggi ako dahil hindi pa sapat ang pera namin para kay papa tapos dadagdag pa ako sa gagastosin. Hindi naman masama ang magkaroon ng Selective Amnesia pero hindi nga lang ito madali.
Kinabukasan ay pinatawag ako ni Aldrich para pumunta sa kwarto niya dahil may pag uusapan daw kami. Nagtataka tuloy ako kung anong pag uusapan namin e wala naman akong maisip na dapat naming pag usapan.
Nagtungo agad ako sa labas ng kwarto niya at nagdadalawang isip kumatok sa pinto. Pero nang itaas ko na ang aking kanang kamay para katokin ang pinto niya ay bigla itong bumukas at lumantad sa'kin ang napakama-among mukha nito na may matamis na ngiti sa kaniyang labi.
"Goodmorning, pinatawag mo raw ako," saad ko pero hindi niya ako sinagot at hinila ako papasok sa loob ng kwarto niya. Isinara niya muna ang pinto bago ako hinarap.
Nakakunot ang aking noo dahil nagtataka ako sa ginagawa niya. Hindi pa rin siya nagsasalita at panay ang kaniyang ngiti sa akin.
"Okay ka lang? Bakit mo ako pinapunta dito? Anong pag uusapan natin?" sunod sunod kong tanong at parang nag iisip siya bago sumagot.
"May naisip ako ka-gabi na makakatulong sa ating dalawa. 'Nong nasa Palawan tayo ay wala tayong masyadong bonding sa isa't isa kaya naisip kong mag outing tayo na tayong dalawa lang para naman ma solo kita kahit tatlong araw lang." aniya na ikinagulat ko ng konti. Hindi ko inakala na maiisip niya ito pero parang kailangan ko rin maglibang ngayon kaya magandang ideya itong naisip niya lalo na't kaming dalawa lang. Mas makikilala namin nang lubos ang isa't isa at baka makakatulong din ito sa akin.
"Sigurado ka? Saan naman tayo pupunta?" kuryos kong tanong. Tinulak niya ako papalapit sa kaniya at niyakap ako malapit sa aking bewang.
"Siargao kasi tapos na tayo sa Visayas kaya naisip kong pumasyal tayo sa magandang resort sa Mindanao. Si manong Eman nag recommended nito sa'kin kaninang umaga. Ayos lang ba sayo?" unti unti akong napatango at napangiti kasi isa rin ang Siargao sa gusto kong puntahan tapos mapupuntahan ko na ito kasama si Aldrich.
"Oo naman, ang ganda kaya 'don." kinikilig kong sambit, "Pero pano 'yan? 'Yung trabaho ko? Pumayag na ba ang parents mo?" puna kong tanong at umiling naman ito sa akin.
"Hindi ko pa nabanggit sa kanilang dalawa kaya hindi ko alam kung papayag ba sila pero sa ayaw at gusto nila ay pupunta tayo." sagot nito sabay halik sa noo ko.
"Okay pero hati tayo sa gagastosin natin ah? May naipon pa naman akong pera at baka sapat na 'yon," malambing kong sambit. Tutotol pa sana siya pero tinignan ko siya ng masama kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango.
Lumabas na agad ako sa kwarto niya pagkatapos naming magbiroan at mag usap. Mamayang hapon din siya magpapa alam kina Madam Retchel at Sir Junnie para sa pagpunta namin sa Siargao sa susunod na araw. Magsisimula na rin akong mag impake mamaya pag uwi ko sa bahay at mag paalam kina mama at papa lalo na kay Kirstine.
Biglang pumasok sa isip ko si Ben nang dumaan ako sa hardin. Dalawang araw ko na siyang hindi nakasama at nakakamiss din ang lalaking 'yon. Nalulungkot akong isipin na nagkatampohan pa kami bago siya umuwi sa kanila. Sana bumalik na siya para makapag sorry ulit ako pero kung hindi na siya babalik ay maiintidihan ko. Mas mabuti na rin siguro na sa kanilang lugar siya tumira at magtrabaho kesa dito sa Manila.
"Nakakamiss si Ben ano? Kahit hindi kami masyadong close ng lalaking 'yon kasi panay buntot sayo ay tinuring ko na rin siyang kaibigan. Namiss ko 'yung pang aasar niya sa'kin hays, sana bumalik na siya." nagulat ako ng konti sa biglang pagsulpot ni Mia sa tabi ko. Hindi ko akalain na nahulaan niyang si Ben ang nasa isip ko. Sabagay, dito naman kasi sa hardin ang trabaho ni Ben.
YOU ARE READING
The Lost Memory (Completed)
RomanceCharmaine needs a work to help her family, especially to her father that had illness. She found her first job when she applied on Guerro's family to be the personal assistant of their one and only son, Aldrich Guerro. Charmaine Solame is a kind and...