Chapter 1
I've always had this kind of hallucinations. Nakakarinig ako ng malalakas na iyak, at tunog ng kinakaladkad na malalaking kadena. Nakakakita ako ng mga babaeng walang buhay na nakahubad at nakabitin na parang mga karne sa palengke at isang babae na mukhang manika, palagi itong nakayuko kaya't hindi ko makita ang kanyang mukha.
"Corylle, sabay na tayong umuwi." aya ni Kuya Edward pagkatapos niya akong habulin upang makasabay sa akin galing kasi ako ng tindahan para bumili ng lechon manok alam mo 'yun yung chichirya?
"S-Sige po." sumabay na ako sa kanya maglakad
Magkasama kasi kami sa iisang bahay, matalik na kaibigan kasi siya ni Papa kaya noong lumipat ng school na tinuturuan si Kuya Edward ay agad siyang inaya ni Papa na tumuloy muna sa bahay namin tutal naman daw 'e malaki naman ang aming bahay at mukha lang itong haunted house kung hindi matitirhan ng isa pang tao.
"Ang tahimik mo ata ha?" pinisil ni Kuya ang kanang pisngi ko, namula tuloy ako dahil sa ginawa niya agad naman akong yumuko para hindi niya makita. Hindi pa rin ako makapagsalita ng maayos pag kasama siya. Aaminin ko, may crush ako sakanya kasi naman napakabait niya, palaging nakatawa, sweet, maaalalahanin, magalang, matalino at syempre gwapo siya, matangkad, maputi, maganda ang kanyang mga mata alam mo yung tipong pag tinitigan ka niya e matutunaw ka na lang? Matipuno ang kanyang katawan palibhasa kasi ay P.E teacher siya, matangos ang ilong niya, mapula ang mga labi, basta parang perpekto na siya.
"Good Evening," sabi ni Kuya kay Papa "Kamusta na nga pala 'yung aparador sa taas? Naayos na?" tanong niya pagkapasok namin sa bahay.
"Good Eve po Papa." sabi ko at nagmano naman ako.
"Naayos ko na kanina, marupok na pala 'yung kahoy dispose na kaya natin 'yun?" sagot naman ni Papa kay Kuya "Ay! Anak! Tingnan mo nga kung kumukulo na 'yung sinigang," sabi naman sa akin ni Papa
"Oo, dispose na natin 'yun bukas kasi ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga," sabi ni Kuya habang paakyat sa hagdan
Dumiretso na ako sa kusina pagkalapag ko ng bag ko sa sofa. Tiningnan ko 'yung niluluto ni Papa at kumukulo na nga kaya agad ko siyang tinawag.
"Ayun oh! Sarap ko talaga magluto!" sabi ni Papa ng nakangiti pagkatating sa kusina. Masayahin talaga si Papa. Parang kabaliktaran niya naman ako. Natawa ako sa sinabi niya pero sa totoo lang masarap talaga si Papa magluto ha.
"Bukas ha? First day na ng school mo," paalala ni Papa habang naglalagay na ng sinigang sa mangkok "Ako tuloy ang naeexcite!"
"Kaw talaga Papa, wala namang espesyal na mangyayari bukas" sabi ko
"Ano ka ba? Syempre magkakaroon ka na ng mga kaibigan! Hindi 'yung kami lang ni Edward ang nakikita mo araw-araw," hirit ni Papa sabay abot sa akin nung mangkok na may lamang sinigang ako naman 'e hindi mapigilang hindi tikman "Buti nga hindi ka pa nagkakacrush kay Edward 'e!" dagdag niya sabay tawa ako naman nabilaukan bigla.
"Waaah! Ano ba 'yan Papa?! Jeez... Never po ako magkakacrush dun" kumuha na ako ng tatlong plato "Actually, masaya ako Papa kasi lumipat si Sir Edward sa school na papasukan ko atleast may makakausap naman ako." sabi ko, teacher si Kuya Edward at ayaw niyang tinatawag ko siyang Sir but it doen’t matter naman na ngayon kasi si Papa ang kausap ko.
Nabalot ng katahimikan ang kusina. Inabot ko kay Papa ang tatlong plato at inilagay niya naman ito sa mesa, isununod ko naman ang kutsara't tinidor at mga baso.
"Tawagin mo na si Ed" utos ni Papa, minsan din ang tawag ni Papa kay Kuya ay Ed siya na ang nagbigay ng palayaw dito. Ibang klase talaga si Papa.
BINABASA MO ANG
Saraphina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Formerly known as, "A False Reflection" Minsan niloloko ka lang ng iyong sarili. Gumagawa tayo ng mga bagay bagay na alam nating makakapagpakalma o makakapagpanatag ng ating kalooban. Pero paano kung ito ay lumagpas sa ibinigay na limitasyon? Makik...