Chapter 11
Nakaupo lamang ako sa sofa namin. Nagbabasa ng libro habang nakikinig sa classic na tugtog sa radyo.
"Corylle" tawag ni Papa pagkababa niya ng hagdan
"Yes Papa?" umupo ako at inayos ang itim kong dress
"Kilala mo si Jim diba?" umupo siya sa tabi ko at huminga ng malalim "Patay na siya"
There was a long silence. Nakatitig lang ako kay Papa.
"Bakit hindi ka nagulat?" tanong niya
"I don't know, maybe i was expecting that he will be murdered" sagot ko
Hinawakan ako sa braso ni Papa. Seryoso na ang mukha niya.
"Tell me, nasaan ang martilyong hiniram mo?"
"Papa, i don't know!" sabi ko, humihigpit ang hawak ni Papa sa braso ko.
"Bakit hindi mo alam?! For god's sake! Corylle! Pwede bang mag isip ka naman ng normal?! Now tell me! Where it is!" sigaw ni Papa sa akin
Nakawala agad ako sa hawak ni Papa. Parang nagpasa nga ang braso ko. Para bang madudurog na ang buto ko.
"I don't fucking know!!" sigaw ko sakanya sabay labas ng bahay.
Lahat sila nakatingin sa akin. Masama ang tingin nila. Bakit?!
"Ma'am sumama po muna kayo sa amin" sabi ng isang pulis na nakasalubong ko
Napatingin ako sa kanan, sa kabilang kalsada makikita ang park na may maraming pulis at nakikiusyosong tao. Napuno ng bulungan ang paligid ng mailabas mula sa kumpulang tao ang isang taong nakabalot sa puting tela. Punong puno ito ng dugo, inakyat na ito sa ambulansya.
"She made me kill him" iyak ng isang batang babae habang kasama ang isang pulis at tinuturo ako
"Ma'am sumama muna kayo" ulit ng pulis
"You're a murderer! A killer!" sigaw ng bata
Naguguluhan ako! Anong nangyayari? I remain speechless. Ipinosas ako ng isang pulis.
"Corylle!" si Papa iyon, nakita ko siyang tumatakbo papunta sa amin.
"Papa!" sigaw ko
"Bitawan mo ang anak ko!" sabi ni Papa habang tinutulak ang pulis palayo sa akin
"Sir! Please stay calm, may tatanungin lang kami sa anak mo" sabi ng pulis na kakarating lang
Pinapasok na ako sa loob ng pulis car. Magkahiwalay kami ni Papa.
***
"Tell me what happened" nagising ako sa isang boses, malumanay lang ito at walang ka tensyon tensyon
Unti unti kong binuksan ang aking mga mata. Nagulat ako kung nasaan ako. Puti ang paligid, naka tali ang kamay at paa ko sa isang upuan, pagitan namin ang isang metallic table. Ang nagsasalita ay isang babaeng nasa late 40's na naka puti siyang damit parang uniform ng isang doktor, maayos na nakasuklay ang kanyang shoulder-length hair, kita na rin ang mga linya sa kanyang mukha senyales ng lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan.
"Pakawalan mo ako!" sigaw ko
"Ms. Corylle anong nangyari kanina sa Park?"
"Hindi ko alam! Wala akong matandaan!"
"May kilala ka bang Eunice?"
"Wala! Alisin niyo ako dito!"
Halos magwala na ako. Then, suddenly everything changed.
BINABASA MO ANG
Saraphina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Formerly known as, "A False Reflection" Minsan niloloko ka lang ng iyong sarili. Gumagawa tayo ng mga bagay bagay na alam nating makakapagpakalma o makakapagpanatag ng ating kalooban. Pero paano kung ito ay lumagpas sa ibinigay na limitasyon? Makik...