Prologue
I may be violent but this I will tell you, everything I have done is a pure masterpiece.
Dahan dahang naghugas ng kamay si Saraphina, ang dating malinis at malinaw na tubig ay unti unting naging kulay pula. Ipinunas niya ang kanyang basang kamay sa kanyang puting bestida. Muli niyang pinagmasdan bago iwanan ang kwarto ang kanyang mga nagawa.
Apat na kababaihan at isang lalaki ang nakasabit sa isang metal na hook na ginagamit bilang sabitan ng mga baboy sa palengke. Ang mga nakasabit na katawan sa kwarto ay wala ng buhay. Maputla na silang lahat at malamig, natatabingan ang kanilang mukha ng kanilang buhok. Ang dalawa sa mga babae ay nakanganga pa at bukas ang mga mata at lahat naman sila ay walang saplot.
Sa prosesong ginagawa niyang ito naniniwala siya na ang mga makakasalanang nilalang sa harap niya ay bibigyan ulit ng panibagong buhay. Pagkalipas ng ilang araw ay bibihisan niya ang mga ito ng magagandang kasuotan at sa paraang iyon magiging malinis na ang buo nilang katauhan.
BINABASA MO ANG
Saraphina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Formerly known as, "A False Reflection" Minsan niloloko ka lang ng iyong sarili. Gumagawa tayo ng mga bagay bagay na alam nating makakapagpakalma o makakapagpanatag ng ating kalooban. Pero paano kung ito ay lumagpas sa ibinigay na limitasyon? Makik...