Chapter 8

2K 119 5
                                    

Chapter 8

Isang desk lamang ang pagitan naming dalawa. Naistatwa na ako sa aking pwesto, takot na takot na gumalaw. Hiniling ko nalang na sana ay hindi siya tumingin sa kanan, kundi makikita na niya ako.

"Alam ko kung nasaan ka!" nanginginig na ako sa takot, hinawakan ko ang aking bibig upang mapigilan ang aking pag iyak. Dahan dahang lumingon si Xyrille sa akin, nanglaki ang kanyang mga mata, lumawak ang ngiti, at humigpit ang hawak sa kutsilyo.

Takbo!

Iyon na lamang ang unang pumasok sa aking isip. Mabilis akong tumakbo palayo sakanya, nagtumbahan ang mga office chairs dahil sa pagbangga ko. Patuloy akong tumakbo, bumibigat na ang aking binti, nauubusan na ako ng hangin at halos maligo na ako sa pawis. Nakarating ako sa elevator. Pinindot ko agad ito, at naghintay. Takot na takot ako!

"Corylle?" tawag ni Xyrille, at nakita ko siya sa di kalayuan.

Our eyes met. Tumakbo siya papunta sa akin, hindi ko alam kung gagamitin ko na ba ang hagdanan o hindi na. Biglang bumukas ang elevator at pumasok na ako agad. Muntik nang mahablot ni Xyrille ang braso ko, buti na lamang at nagsara na agad ang pinto. Tuluyan na akong napaiyak sa loob. Humarap ako sa camera ng elevator at nagsisigaw ng tulong...

"Kung meron man..." nagmamakaawa na ako "Tulungan niyo ako" kahit na alam kong hindi nila ako naririnig.

Malapit na ako sa 3rd floor ng biglang...

Huminto ang elevator. Namatay ang ilaw sa loob. Anong nangyari?! Nanikip ang dibdib ko. Parang hindi na ako makahinga.

Wala, wala akong tatakbuhan.

"Tulong!" sigaw ko habang hinahampas ang pinto. Sobrang lakas ng paghampas ko takot na takot na ako!

Nanginginig nanaman ako. Biglang lumamig ang paligid. Bumukas ang ilaw at nakita ko ang isang babae nakadapa ito ngunit nakaikot ang ulo nito, sira sira ang mukha nito para bang sinaksak ng ilang beses. Di nagtagal ay nagsimulang magsilabasan ang mga uod mula sa mukha nito napasigaw ako sa takot habang sinisiksik ang sarili sa isang sulok palayo sa patay.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko agad na gumalaw na ang elevator. Bumukas na ito...

Takbo! Takbo! Takbo!

Bumangon na lamang bigla ang patay na babae sa elevator. Papunta sa akin, Tumakbo ako pababa ng hagdanan. Ayokong tumingin sa likod! Patuloy ako sa pagtakbo ng bigla akong madapa sa may hagdanan at nadulas pababa.

"Corylle! Jusko! Anak ko!" si Papa iyon...

***

Nagising ako. Nasaan ako?! Nasaan ako?!.

"Mahiga kalang diyan Corylle" si Papa

"Papa!" yumakap ako bigla kay Papa habang umiiyak "Wag mo na ako iiwan Papa!"

"Sshh... Di na kita iiwan" bulong ni Papa sa akin

"May gusto ka bang ikwento, Ms. Corylle?" napatingin ako sa gilid at nakita ko ang isang babae, mukhang siya ang doktor.

Nabaling ang tingin ko kay Papa, papunta sa doktora at umiling ako.

"Bakit ka tumatakbo kanina? Sino ang tinatakasan mo? Nadulas ka pa sa may hagdan" tanong niya

"Wala na po akong maalala" bulong ko

"Corylle, paanong walang maalala? E..."

"Papa wala po" sabi ko at yumakap ako ulit sakanya

"Doktora balikan niyo na lang po kaya mamaya siya, pagod na ata" sabi ni Papa

"Mabuti pa nga" tumayo na ang doktor at bago umalis ay nagsalita "Magpahinga ka mabuti"

Saraphina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon