Chapter 9
"Saan mo iyan nakuha?!" sigaw sa akin ni Papa
Napa atras ako ng muntik akong lapitan ni Papa buti nalang at pinigilan siya ni Kuya.
"Uy! Relax lang!" sabi ni Kuya
"Bitawan mo iyang manika na iyan!" sigaw ni Papa
Nabitawan ko ang manika sa takot. Tumakbo ako paakyat ng hagdan habang umiiyak. Ano bang problema nila?! Bakit ba nila ako ayaw makitang may hawak na manika? Patuloy ako sa pagtakbo sa hallway ng biglang paghakbang ko ay nabutas ang sahig at nahulog ako sa ilalim.
Bumagsak ako sa kutson, akala ko kusina namin ang babaksakan ko pero mukhang hindi. Mas malala pa ito sa inaasahan ko, parang nahulog ako sa pinaka baba ng bahay. Madumi na dito at puro lumang gamit ang naroroon.
"Papa?!!" sigaw ko
Nag e-echo lamang ang boses ko. Bumahing na ako at umubo sa sobrang alikabok ng paligid.
"Kuya Edward?!!" mukhang walang nakakarinig sa akin
Napatingin ako sa itaas. Ang taas pala ng binagsakan ko. Naglibut-libot ako sa paligid, buti nalang dala ko ang phone ko upang magsilbing ilaw, napaka useless nga ng phone na ito walang load.
"Hello?" sabi ko, para namang may tao pa dito sa ilalim.
Ang lawak pala dito. May nakita pa akong pinto sa may dulo at ng buksan ko ito ay namangha ako sa nakita ko. Mga manika at manekin, napakarami nila! Ngunit mukhang rejected na ito. Teka, patuloy pa rin kaya sa shop si Papa? Naglakad ako papasok sa kwarto, siguro hundred hundred na ang mga manekin at manikang naka-display dito. Mukha na silang luma ngunit nakakabighani at wala silang alikabok para bang alagang alaga.
Nakakita nanaman ako ng pintuan sa dulo. Agad ko itong binuksan at mas lalo akong namangha sa nakita ko. Kinapa ko muna ang switch ng ilaw sa may gilid at baka sakaling gumagana pa ito at... Voila! Gumagana pa!
"Ma-may tao pa?" nanginginig kong tanong dahil kung meron man nako! Lagot ako
Tumambad sa akin ang mga manekin na maayos na naka display sa puti at naka-tiles na kwarto na ito. Mukha silang totoo. Nako, kung sino man ang gumawa nito! Napaka galing niya. Palakad lakad lamang ako sa kwarto. Parang totoo talaga ito lahat. Napahinto ako sa harap ng isang manekin at napasigaw ako ng ubod ng lakas.
"Corylle nasaan ka?!" narinig ko ang sigaw ni Papa pero hindi pa rin ako huminto sa kakatili
"Anak ko!" sigaw ni Papa sabay hila sa akin palayo sa manekin
"Papa si Mama iyon oh" turo ko sa manekin
Niyakap ako ni Papa habang patuloy akong umiiyak.
"Sshh... Tahan na" sabi niya "Kamukha lang iyon ng Mama mo"
Inaakyat na ako ni Papa papunta sa kwarto ko.
"Papa ano iyon?" tanong ko habang patuloy sa pag iyak
"Wala iyon..."
"Papa ano iyon?" ulit ko
"Koleksyon iyan ni Saraphina" sagot niya
Tumahimik ang kwarto ko, pumasok si Kuya at umupo sa may kabilang gilid ng kama ko.
"I heard Saraphina's name," sabi ni Kuya habang nakatingin sa akin "Kilala mo siya?"
Napatingin ako kay Papa, para bang biglang mukhang nanghina siya para bang bigla siyang nalungkot.
"Saraphina..." ulit ko sa mahinang tono "Pangalan iyon ng manika"
"Na pinangalan mo" sabi ni Papa
"Hindi" sagot ko, biglang sumakit ang ulo ko parang nahihilo ako. Pumasok sa kwarto si Mama. Suot niya ang suot ng manekin na kamukha niya. Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla akong napasigaw ng malakas.
"Mama!!" i cried in grief, niyakap naman ako ni Kuya.
"Mama!!" ulit ko, sa sobrang lakas nito ay nagkakahulan na ang mga aso ng aming kapit-bahay
"Corylle! Corylle ano ba? Huminahon ka!" sabi ni Papa habang tinatapik ang binti ko
Bigla akong nawalan ng malay.
Nagising ako sa isang hum, napaka soft nito at talagang nakakarelax. Ng idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Xyrille sa aking tabi, tulog at si Mama naman ay naghu-hum at hinihimas ang ulo ko.
"Mama..." bulong ko
May kumatok sa pinto at sinabi ko na pumasok na siya. Si Jim.
"Hi Corylle, naistorbo ata kita"
"Hindi ha, kakagising ko lang"
Nag unat unat ako at umupo. Napansin kong masaya ang mukha niya.
"Corylle, may nililigawan na ako" sabi niya
"Talaga? Sino?" tanong ko
May kinuha siya sa wallet niya, isang litrato. Inabot niya ito sa akin, isang magandang babaeng mahaba ang buhok, may mapupungay na mga mata, pulang labi, at magandang ngiti.
"Ang ganda niya ha." puna ko pero mas maganda ako sakanya.
"Oo naman!"
Biglang bumangon si Xyrille at bumulong sa akin "Ang pangit ng babae"
"May problema ba?" tanong ni Jim
"Ah, wala naman" binalik ko na sakanya ang picture, tiningnan ko ng masama si Xyrille
"Oo nga pala, bago ko makalimutan" he cleared his throat "Bukas pupunta kaming park kasama iyong mga ilang bata galing kinder sa school natin"
"Huh?" inaaya niya ba ako sumama?
"Sumama ka masaya doon, dadalhin nila yung mga pets nila at magkakaroon ng konting palaro" sabi ni Jim
"Wow talaga? Mukhang masaya sige sasama ako" sagot ko
"Sige bukas iyon ng hapon, 2:30pm" sabi niya ng nakangiti, tumayo na siya at inayos ang kanyang pantalon "Bye na, magpahinga ka muna ha"
"Oo sige, bye din" umalis na si Jim at naiwan naman kami nila Mama sa kwarto, humiga ako ulit.
"Pangit nung babae" sabi ni Xyrille
"Manahimik ka, ang sabihin mo, nagseselos ka lang" sabi ko at humarap ako sakanya
"Sino kaya sa ating dalawa ang nagseselos?" tanong niya na mukha pang nang aasar
"Ikaw kaya" sabi ko "Wala naman akong pakealam kung sino man ang nililigawan niya"
"Defensive ka" puna niya
"Ewan ko sayo"
"Sasama ako sa Park"
"E di sumama ka, hindi ka naman imbitado" sabi ko
"E ano naman!"
Malapit ng mag 2:30pm kaya naman nag ayos na ako. Malamig sa labas kaya naman nagcoat ako, kinulot ko rin ang shoulder-length kong black hair at nilagyan ko ito ng ribbon sa gilid.
"Aalis na ako," paalam ko kay Papa "Bye Papa"
"Bye anak, be safe ha" sabi niya
"Ano kaya kung samahan kita" sabi ni Kuya pagkalabas mula sa kusina
"Wag na!" sabi ko "Pahiram nalang ng martilyo"
"Martilyo? Para saan?" tanong ni Papa
"Para mamaya, aayusin kasi namin yung lemonade stand" sagot ko
"Ah okay okay" sabi ni Kuya
May kinuha siya sa taas ng cabinet, isang box at mula doon ay kinuha niya ang martilyo. Inabot niya ito sa akin.
"Bye bye!!" sabi ko at lumabas na ako.
BINABASA MO ANG
Saraphina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Formerly known as, "A False Reflection" Minsan niloloko ka lang ng iyong sarili. Gumagawa tayo ng mga bagay bagay na alam nating makakapagpakalma o makakapagpanatag ng ating kalooban. Pero paano kung ito ay lumagpas sa ibinigay na limitasyon? Makik...