EPILOGUE
February 12, 2003
Matapos ang limang taon ni Sara Corylle sa loob ng ospital at sa hindi na mabilang na beses ng pag iinterview ng doctor sakanya. Dumating nanaman ang araw na tatapak ulit ang bata sa loob ng opisina ng doktor. Maayos na umupo si Sara Corylle sa upuan at inilapat ang dalawang kamay sa kanyang palda.
“Kamusta ang iyong kalagayan?” tanong ng doktora
Ngumiti si Sara Corylle at maayos na sumagot “Mabuti na ang aking kalagayan”
Muling nangamba ang doktora sa kanyang muling itatanong, paulit ulit na lamang kasi ito sa loob ng limang taon niyang pang gagamot kay Sara Corylle. At ngayon taos puso siyang nanalangin na sana ay magaling na nga si Sara Corylle, na sana ay masagot na niya ng tama ang kanyang itatanong.
“Corylle… May kilala ka pa bang Saraphina?” bakas sa mukha ng doktora ang kawalang pag asa
Nawala ang mga ngiti sa mukha ni Sara Corylle at napasimangot ito at nagtanong.
“Doktora mali po ata kayo, hindi ako si Corylle at lalong hindi ko kilala si Saraphina” sagot nito tumayo ito at inilapit ang mukha sa doktora, ngumit si Sara Corylle at sinabi
“Ako po si Coryvilla”
BINABASA MO ANG
Saraphina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Formerly known as, "A False Reflection" Minsan niloloko ka lang ng iyong sarili. Gumagawa tayo ng mga bagay bagay na alam nating makakapagpakalma o makakapagpanatag ng ating kalooban. Pero paano kung ito ay lumagpas sa ibinigay na limitasyon? Makik...