Chapter 12

1.6K 109 7
                                    

Chapter 12

Unti unti akong nagkakamalay. Napakalamig ng paligid halos hindi na ako makagalaw pa. Hindi, hindi talaga ako makagalaw. Nasaan ako?! Puti lamang ang paligid. Wala akong maramdaman ni hindi ko maramdaman kung iginagalaw ko ba ang aking katawan. Hingal na hingal na ako. Nasisilaw ako sa liwanag, puti ang paligid, nakatapat ang isang puting ilaw sa akin. Nakahiga na pala ako sa isang kama, nasa ospital pa rin ako? Nakatali ang aking kamay at paa dito.

"Ano... ang... ga-gagawin... ninyo...?” may mga doctor na lumapit sa akin may hawak silang pang turok at kung anu ano pa. Natatakot ako. Natatakot ako sakanila. Nagsimula akong magpumiglas at magsisigaw ngunit wala rin man itong nagawa.

Wala akong ibang nagawa kundi ang manahimik habang patuloy natumutulo ang aking mga luha.


Ako si Sara Corylle Phinavilla, ako si Saraphina at ito na ang wakas ng aking kwento. 

Saraphina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon