Chapter 13
Nasa ilalim ng pamamahala ng mga pulis at ilan pang awtoridad ang bahay ng mag amang si Mr. Florentino Phinavilla at ng anak nitong kasalukuyang nasa Mental Hospital na si Ms. Sara Corylle Phinavilla kakambal ni Ms. Xyrille Phinavilla, ang dalawang anak ni Mrs. Victoria Phinavilla. Ang nasabing bata ay ang utak at may kagagawan ng mga madudugong pagpatay. Ang pagpatay nito sa kanyang ina at kambal ay masasabing pinaka una sa kanyang mga nagawa. Sumunod ay ang nagngangalang Cathy na kung saan ay ang kaklase nitong diumano ay nangbulas sakanya. Ang babaeng Eya naman ang sumunod sa pagpaslang ang sinasabing pinagseselosan ng bata. Si Jim na kanyang matalik na kaibigan ay ang pinakahuli.
Sinasabing may mali sa pag iisip ang bata. Gumawa siya ng isa pang katauhan at ito ay si Saraphina na halaw sakanyang unang pangalan na Sara at unang limang letra sa kanyang apelyidong Phinavilla. Ang nasabing katauhan na Saraphina ay ang bayolente, ito ang ginamit ni Corylle sa kanyang paghihiganti.
Hanggang sa kasalukuyan ay pilit pa ring itinatanggi ni Corylle na siya si Saraphina.
Ang guro na si Mr. Edward Ramos ay pinaghahanap na ng mga pulis dahil sa patong patong na kasalanang nagawa nito sa bata. Ang ama naman ni Corylle ay kasalukuyang nangungupahan sa isang apartment malapit sa ospital kung nasaan ang kanyang anak.
Napag alaman sa pag iimbestiga na ang mga nawawalang bangkay ng mga pinatay ni Corylle ay makikita sa pinaka ilalim ng kanilang bahay. Ito ay maayos na nakadisplay na parang mga manekin. Sinasabi na ang pagiging obsess ni Corylle sa mga manika ay ang nagtulak sakanya upang ganito ang gawin sa kanyang mga biktima.
BINABASA MO ANG
Saraphina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Formerly known as, "A False Reflection" Minsan niloloko ka lang ng iyong sarili. Gumagawa tayo ng mga bagay bagay na alam nating makakapagpakalma o makakapagpanatag ng ating kalooban. Pero paano kung ito ay lumagpas sa ibinigay na limitasyon? Makik...