Chapter 3

2.5K 143 18
                                    

Chapter 3

Late na ako nagising. Parang sobrang dami kong ginawa kahapon at sugat sa kamay? Malamang gawa ito ng nangyari kahapon, nagkalat ang sugat at pasa ko sa katawan. Dahan dahan akong bumangon kahit na medjo masakit pa ang katawan ko.

"Gising ka na pala," sabi ni Papa sabay kiss sa forehead ko, kanina pa pala niya ako binabantayan sa pagtulog ko ngunit napansin kong iba ang aura niya "Good morning."

"Good morning din po, Papa." sabi ko

"Nakahanda na ang tanghalian, ikaw kasi late ka na ng gising, kamusta ang tulog mo?"

"Ayos naman po" sabay kaming bumaba ng hagdan "Si Kuya?"

"Nasa school na," ang tipid ng sagot ni Papa "Mabuting magpahinga ka muna"

Umupo na kami at sabay kaming kumakain. Ang tahimik niya. May nanyari bang masama?

"Maybe I need to transfer you to another school" sabi ni Papa

"Wait! What?!" nabitawan ko ang kutsara't tinidor ko "But why?"

"Corylle! Can't you see?! Binubully ka nanaman" giit ni Papa

"Pero Papa ayos la-" bago ko ituloy ang sinasabi ko ay sumingit siya

"Anong ayos lang?!"

"Papa, its okay" pilit ko, hindi ako makatingin kay Papa dahil alam kong hindi okay ang lahat. Ayaw ko namang mailipat ng school dahil sa mapeperwisyo nanaman si Papa.

"What's okay with all of these?!"

"Papa i'm okay, wala po kayong dapat ipag alala isa pa Sir Edward is always there for me, hindi niya po ako pinapabayaan" sabi ko nalang

"But Corylle. Okay, but if something happened again i'll transfer you right away pero gusto ko lang sabihin sayo na hindi mo pwedeng iasa sa kanya lahat" paliwanag ni Papa

"Okay po Papa," sabi ko "Naiitindihan ko po."

Habang kumakain kami ay napatingin ako sa kusina, nakita ko si Mama na nagwawalis. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabingan ito ng itim niyang buhok.

"Mama! Sumabay ka na po sa amin" aya ko, mukha kasing pagod na si Mama

"Corylle..." sabi ni Papa sabay hawak sa kamay ko pero binaliwala ko siya

"Mama!" sigaw ko, nilapitan ako ni Mama at ngumiti siya.

"Corylle! Kumain kana!" sigaw ni Papa sa akin, napalingon ako kay Papa

"Papa si Mama..." wika ko

"Mamaya na siya kakain, ubusin mo na yang pagkain mo." sabi niya, at kinalungkot ko ito kasi parang wala siyang pake kay Mama.

"Mama, wait lang po kayo ha" sabi ko at kumain na ako

Pagkatapos ko kumain ay niligpit ko na ang aming pinagkainan at naghuhugas ako ng plato habang si Mama nasa gilid ko lang at nagbabantay.

"Ang laki mo na, anak." mahina niyang sabi habang hinihimas ang buhok ko

"Opo Mama." sabi ko ng nakangiti.

"Anak, pwede ba kitang tanungin?" huminto sa paghimas si Mama napatingin ako sakanya.

"Syempre naman po," sagot ko.

Biglang lumapit ang mukha ni Mama sa akin biglang nanglaki ang kanyang mga mata ganoon din ang itim ng kanyang mata, bigla siyang namutla.

"Anong ginawa mo kagabi?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napa atras ako palayo kay Mama pero sinusundan niya ako.

Saraphina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon