CHAPTER 1

1.6K 37 1
                                    


Twelve years ago...

Pigil na pigil ni Danieca ang mapahiyaw sa sakit nang maramdaman niya ang pinong kirot na dulot ng kagat ng mga gumagapang na langgam sa binti niya. Mula sa pinagtataguan niya dito sa likod ng kumpol ng mga santan ay kitang-kita niya ang pagdaan ng mga estudyante at gurong patungo o galing sa library building. Kaya naman kahit papakin pa siya ng kung anu-anong insekto doon ay hindi siya aalis doon hanggat hindi niya nakikita ang pakay niya.

'Ika nga, 'no pain, no gain'. At ang gain niya ay kasalukuyan

nang naglalakad palapit sa pinagkukublihan niya. Bumunot siya ng malalim na paghinga saka umahon mula sa pinagtataguan niya

at masiglang binati ang binatilyong inaabangan niya.

"Hello, Niko---hey! Sandali! Nikolas naman eh, wala pa nga akong sinasabi sa iyo tinatalikuran mo na ako! Nikolas!"

Napakunot-noo si Nikolas nang marinig niya ang ingay na nagmumula sa kumpol ng mga santan sa kantong paliko patungo sa library building ng eskwelahan.

Hindi pa man ay batid na niya kung ano o mas tamang sabihing

sino ang nagkukubli doon. Kaya bago pa ito makalapit sa kanya ay umikot na siya at lumakad pabalik sa pinanggalingan niya.

"Hello, Niko---hey! Sandali! Nikolas naman eh, wala pa nga kaong sinasabi sa iyo tinatalikuran mo na ako! Nikolas!" pasigaw na tawag nito sa kanya.

Nang lingunin niya ito ay nakita niyang nagkasala-salabid ang mga binti nito sa pagitan ng halamanang pinagkublihan nito. Nang hindi makalusot sa pagitan niyon ay bahagya itong umatras upang kumuha ng bwelo saka nilundag iyon. Lamang kinapos ito ng talon kaya naman sumabit ang sneakers nito sa isang sanga na siyang sanhi ng muntik nang pagkangudngod nito sa semento. Buti na lamang at naitukod agad nito ang mga palad nito.

"Danieca!" awtomatikong sambit niya.

At kalahati man ng kalooban niya ay labag sa pasyang

lapitan ito, dahil tiyak hindi na siya makakatakas pa dito kung

lalapitan niya ito, binalikan niya ito. Tinulungan niya itong

makatayo.

"Ayos ka lang?" untag niya dito.

"Yup! Buo pa naman, no missing parts. Medyo masakit lang sa pride," tabingi ang ngiting tugon nito.

"Padalus-dalos ka kasi, lundagin mo ba naman 'yang mga santan na mas mataas pa yata sa iyo," pumapalatak na komento niya.

Iiling-iling na nilingon niya ang nilundagan nitong halamanang halos umabot na sa baywang nito dahil sa liit nito. Kung maririnig mo ang mga sitwasyong kinasusuungan nito ay hindi mo iisiping isa lang itong dalagitang bahagya lang lumampas ng four feet ang height. Siksik ito ng enerhiyang iisipin mong taglay ng limang tao. Para itong ipu-ipo sa bilis at likot, hindi mo mahuhulaan kung saan at kailan susulpot para guluhin ang maayos mo sanang mga plano.

At sa malas, nitong nakalipas na mga buwan ay siya ang napili nitong pagtuunan ng pansin at atensyon nito.

Minsan, hindi niya malaman kung matutuwa o mayayamot sa walang sawang pangungulit at pagbuntot sa kanya ng nakababatang pinsan ng kaklase niyang si Joleen Aseron.

Kahit ano'ng pagsusungit niya dito ay hindi alintana nito. She's got Pollyana written all over her. Ito ang tipong hindi makakatulog ng ilang gabi kapag aksidenteng nakapatay ng gagamba. Iyong tipong bubugawin palayo ang langaw at ipis imbes na patayin dahil naniniwala itong may buhay ang mga iyon at hindi dapat basta-basta patayin. Ang tipong kapag sinabi mong masama ang isang kriminal ay hahanapan nito ng rason at paliwanag kung bakit naging masama ang naturang kriminal sa halip na basta na lang tanggaping halang lang talaga ang kaluluwa niyon.

At iyon mismo ang dahilan kaya panay ang buntot nito sa kanya mula nang maipakilala siya dito ni Joleen noong masagi siya nito habang patakbong lalapitan sana nito si Joleen sa loob ng school canteen. Tulad niya ay transferee lang din ito dito sa Collegio De Fortuna. Pero kung siya ay nasa fourth year highschool na, ito ay nasa third year highschool pa lang. Fourteen to his seventeen.

Lubhang napakabata at napaka-inosente pa nito kumpara sa kanya. At kahit hinahabul-habol siya nito, alam niyang hindi iyon dahil may gusto ito sa kanya kung hindi dahil nais nitong 'sagipin' siya. Tulad ng pagsagip nito sa mga palaboy na pusa, aso at ibong hindi makalipad. He was just another one of her

pity projects. At nakakadagdag iyon sa inis niya dito.

Pero minsan ay natatagpuan niya ang sarili niyang hinahanap-hanap din ang presensya nito sa kabila ng iritasyon niya sa obsesyon nitong kaibiganin siya. Lalo pa at karamihan sa mga nakakarinig ng pangalan niya ay lumalayo sa kanya na para bang kapag lumapit ang mga ito sa kanya ay mahahawahan niya ang mga ito ng malalang sakit.

ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon