Alam niyang pupunta ito sa mall na iyon kasama ang ina nito at tiyahin. Kaya naman ipinasya niyang magtungo din doon ngayon. Nagbaka-sakali siyang magtatagpo sila doon upang mayaya niya itong maglibot. Susulitin na niya ang mga oras na maari niya itong makasama dahil aalis na sila sa makalawa.
Hindi na nila maaabutan ang Pasko sa Aseron Castillo. Gayunpaman ay nagpabili ang lolo at lola niya ng mga panregalo nila sa buong pamilya. Not because his grandparents liked the Aserons and wanted to thank them for their hospitality. But because it was another way of proclaiming to them their superiority and ability to give away expensive gifts.
Pagdating sa pagbabandera ng yaman ng mga ito ay wala na sigurong dadaig pa sa Lolo Korudon at Lola Gladiola niya. They were all about appearances and how to look good and perfect in front of other people.
Kahit nga mismo ang pagsasama ng mga ito sa kanya dito sa Pilipinas ay para lamang ibandera sa press sa Hamiranzi na malapit ang mga ito sa kanya. Na perpektong lolo at lola ang mga ito sa kanya kahit pa ang totoo ay sukang-suka ang mga ito sa kanya. Na halos hindi na nga maalala ng mga ito ang eksistensya niya. Naaalala lamang siya ng mga ito kapag may kailangang hingin ang mga ito sa kanyang ama.
Ngunit ang ipinapakalat ng mga ito sa press ay nagmamakaawa pa ang mga ito sa kanyang ama na payagan siyang makasama ng mga ito sa biyaheng iyon dahil nais ng mga itong ilibot siya dito sa Asya. Gayong ang totoo ay negosyo naman talaga ang punong dahilan ng pagsasama ng mga ito sa kanya dito sa Aseron Castillo. Nalaman kasi ng lolo niya na bukod sa negosyo nito ay ang mga apo nito ang pinaka-importante para sa bilyonaryong si Nemo Aseron. At naisip ng lolo niya na kung makikita ng matandang Aseron na malapit din ito sa kanya na apo nito ay mas gagaan ang loob niyon sa
pakikipag-negosasyon dito.
Gayunpaman ay ipinagpapasalamat na rin niya ang panggagamit nito sa kanyang iyon. Dahil dito ay nakilala niya si Danieca. Sa lahat kasi ng mga Aseron ay ang dalagita ang pinaka-nakagiliwan niya. Hindi naman naging masama ang trato sa kanya ng ibang kapamilya nito. Naging mainit nga ang pagtanggap ng mga iyon sa kanya. Lalo na sina Lolo Nemo at Lola Salome.
At sa kabila ng kalagayan niya, hindi niya kinakitaan ng pangungutya ang mga ito. Pero bukod tanging si Danieca lang ang walang sawang nagpabalik-balik sa kanya upang yayain siyang magliwaliw sa loob ng Aseron Farms. Ang mga pinsan nito ay niyayaya din siya at sinubukang isali sa mga aktibidad ng mga ito. Pero matapos niyang tumanggi ay hindi na namilit pa ang mga iyon at hinayaan na lamang siya sa nais niyang gawin.
Nauunawaan naman niya iyon. Dahil paano nga naman siya sasama sa mga itong mangabayo, lumangoy sa tinatawag ng mga itong Ilog Fria, mamitas ng mga prutas sa plantasyon at makipagkarerahan lulan ng ATV? Marahil inisip din ng mga itong malamang ay mainggit lang siya sa mga ito kaya hindi na nagpumilit pa ang mga ito matapos niyang tumanggi.
But Danieca was persistent in asking him to join her and her cousins. Nakita pa niya sa anyo nito na wala itong balak iwan siyang mag-isa kahit pa malinaw na gustong-gusto nitong sumali sa aktibidad ng mga pinsan nito. Kaya naman para hindi na ito magpaiwan pa alang-alang sa kanya ay sinusungitan na
lang niya ito upang kusa na itong umalis at iwan siya.
Aalis nga ito. Pero saglit lang. Kaya batid niyang hindi rin ito sumasama sa mga pinsan nito. Muli siya nitong babalikan at sasabihing tinamad na itong sumama sa mga pinsan nito o kaya ay bigla daw nanakit ang binti nito kaya hindi na ito makakasama sa mga pinsan nito.
Ngunit alam niyang gawa-gawa lang nito ang mga palusot na iyon upang masamahan siya nito. Walang sawang kakausapin ulit siya nito na para bang hindi niya ito iniignora at sinusungitan. At kahit pa nagkukunwari siyang hindi ito pinakikinggan o nauunawaan kapag nagkukwento ito ng kung anu-ano.
But though he pretends to be too busy reading, he was in truth, avidly listening to her amusing stories. Kahit hindi niya personal na kilala ang karamihan sa mga taong binabanggit nito, animo malalapit na kaibigan na rin niya ang mga iyon dahil sa makulay at magiliw na paglalarawan nito sa mga iyon. Nakakahawa ang kasiglahan nito at masayang disposisyon.
At sa sarili niyang paraan ay gusto niyang pasalamatan ito. Kaya nais niyang regaluhan ito ng ilang bagay na siya mismo ang pumili. Bago siya umalis ay gusto niyang mag-iwan ng espesyal na mga bagay para dito na kahit hindi na sila muli pang magkita ay magpapaalala dito sa kanya. Dahil dito ay naranasan niyang magkaroon ng kaibigan. Nagkaroon ng ibang kulay ang mundo niyang mula yata nang isilang siya ay lagi nang kulay abo. He would never forget her and her kindness to him.
And he hopes that one day, he could bring color to her life too.
BINABASA MO ANG
ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GO
RomanceDanieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kanya ni Kamatayan habang si Lucien naman ay bigla na lamang nawala sa buhay niya sa kadahilanang ito la...