CHAPTER 3

841 28 1
                                    


"Uh, hello, anyone there? Nikolas?! Paging Nikolas Ibrahim, please proceed to Earth!" malakas na pagtawag sa kanya ni Danieca.

Sinamahan pa nito iyon ng paglundag-lundag sa harap niya at pagkaway ng mga kamay sa tapat ng mukha niya upang

makuha ang atensyon niya. Marahil napuna na nitong wala dito ang atensyon niya kahit kanina pa siya nito kinakausap.

Tinignan niya ito.

"Bakit nandito ka? Kanina pa ang uwian ninyo, hindi ba?"

"Oo nga. Pero hinintay kita kasi ibibigay ko ito sa iyo."

Isang bilog na bagay na nakabalot ng kulay pink na gift wrap ang iniabot nito sa kanya.

"Ano ito?"

"Regalo. Sabi mo kasi aalis ka na, hindi ba? Kukunin ka na ng mama mo. Farewell gift ko iyan sa iyo. Ingatan mo ha?" tugon nito.

Saglit siyang natigilan. Hindi niya inaasahan iyon. Maingat na binuksan niya ang regalo. Nang tumambad sa kanya ang laman niyon ay hindi niya malaman kung matatawa o maiinis dito. Isa iyong makinis na bato na pininturahan nito ng pangalan nito at ng pangalan niya na nakapaloob sa isang puso.

"Danieca---" pero hindi niya naituloy ang balak sanang

sabihin nang masalubong niya ang inosenteng mga mata nitong

naka-abang sa magiging reaksyon niya.

"Hihintayin kitang bumalik dito. Pagbalik mo dalaga na ako.

Pwede na kitang ligawan o kaya ako ang ligawan mo. Kaya bumalik ka, okay?" walang kagatul-gatol na anito.

At bago pa siya makahuma tumingkayad ito at mabilis na hinagkan siya sa pisngi. Pagkatapos ay tumakbo palayo. Iiling-iling na sinundan niya ito ng tingin. Saka muling tinignan ang makinis na batong hawak. He tossed it once in the air then deftly caught it on the other hand before he put it inside his pocket.

Magpa-Pasko na kaya naman puno na ng makukulay na dekorasyon at nagkikislapang Christmas lights ang Fire Mall. Kaliwa't kanan na rin ang mga awiting pamasko na pinatutugtog ng mga boutiques at shops ng mall.

Subalit kahit paboritong okasyon ni Danieca ang Pasko at simula pa nga lang ng Ber-months ay itinatabi na niya ang allowance niya para pambili niya ng mga regalo pagpasok ng November, wala siyang makapang sigla sa dibdib niya nang araw na iyon habang namimili siya ng ipangre-regalo sa Kuya Dylan niya at sa iba pang mga pinsan niyang lalaki.

ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon