Pero desidido siyang kaibiganin ito. Nauunawaan kasi niya na kaya ito aloof at pormal na parang mas matanda pa kaysa sa lolo nito gayong kaedad lang nito ang mga pinsan niya ay dahil hindi ito sanay na may mga kalarong ibang kabataan. Ayon kasi kay Mr. Fiorel, ang tauhan nitong laging nakabantay dito, hindi daw ito pinapayagang lumabas ng bahay at makihalubilo sa ibang kaedad nito dahil baka mahawa ito ng sakit. Lalo pa at mahina ang resistensya nito.
Sa halip na pumasok sa eskwela ay may mga private tutors nga daw ito. At private doctor sa katauhan ng kasama nitong si Dr. Lindgard. Mula pa daw kasi nang ipanganak ito ay sakitin at sadyang mahina na ang katawan nito. Epekto marahil nang pagiging premature baby nito. Idagdag pang ni hindi man lang nito nakapiling ng matagal ang ina nitong si Lady Delfina Sabine. Namatay daw kasi ang babae dalawang araw pa lang matapos niyong maisilang si Lucien.
Ayon pa kay Mr. Fiorel ay hindi naman daw talagang pilay si Lucien. Mahina lang ang mga buto sa binti nito kaya hindi ito makatayo nang matagal o makalakad nang normal. Ngunit sumasailalim daw ito sa physical therapy at kung anu-ano pang makabagong panggagamot upang mapalakas ang katawan nito.
She once saw him stand and walk a few painful steps and it was such an agonizing thing to watch. Lalo na nang makita niya ang disgusto nito sa sariling kahinaan. Malinaw ang masidhing kagustuhan nitong makatayo at makalakad tulad nila ng mga pinsan niya. Lamang ay sadyang hindi kaya ng sariling katawan nito kahit gaano pa iyon kagusto ng isip at
puso nito.
Lalo tuloy siyang nahabag dito. At mas sumidhi ang hangarin niyang mapalapit dito at kahit paano ay mapasaya
ang pagbabakasyon nito sa Castillo.
Ang problema ay sa susunod na araw na ang alis nito at ng lolo at lola nito dito sa Isla Fuego upang bumalik sa Hamiranzi. Kanina nga ay niyaya niya itong sumama sa kanilang magtungo dito sa Fire Mall ngunit tulad ng inaasahan niya ay tumanggi ito.
Pero bakit narito ito sa mall ngayon? At bakit tila nag-iisa ito?! Gayong anim na tauhan ang palaging kasa-kasama nito. Mga tauhang laging naka-antabay sa mga kilos at pangangailangan nito. Kung iyon ay dahil sa kapansanan nito o mas dahil sa katayuan nito sa buhay ay hindi niya matiyak.
Tunay na aristokrato kasi ito sa Hamiranzi. And by that she means that he was a member of the Hamiran nobility not only on his mother's side of the family but also on his father's side. Panganay na anak diumano ito ng kasalukuyang Count Gaveru na si Lord Oswald Seintcyr at pagkasilang nito ay ito na ang kinilalang tagapagmana ng ama nito. At iyon ay sa kabila ng hindi pa kasal ang ama at ina nito nang isilang ito. Apparently, namatay na ang ina nito bago pa daw maikasal ang mga magulang nito ayon sa kwento ni Lady Gladiola with matching teary eyes pa sa kanyang Lola Salome.
Kaya naman kahit may isa pa daw na nakababatang kapatid na lalaki si Lucien na siyang maituturing na legal na panganay na anak ng ama nito sa napangasawa niyon noong dalawang taong gulang na si Lucien, ito pa rin ang susunod na magdadala ng titulo ng ama bilang Count Gaveru.
Bukod doon, ito rin ang magmamana ng titulo ng Lolo
Korudon nito dahil walang ibang kapatid ang ina nito. Kaya naman may nakakabit ding Lord sa unahan ng pangalan nito pero hindi tulad ng lolo nito, hindi nito iginigiit na tawagin nila itong Lord Lucien.
Ngunit 'Master Lucien' o 'Young Master' ang tawag dito ng mga tauhan nito. Bagay na ikinaaliw nila ni Pauline dahil pareho silang adik noon sa cartoon series na Cedie, The Little Prince, kung saan ang bidang bata na dugong bughaw ay tinatawag ding 'Young Master' ng mga tauhan ng lolo nito.
Kunot-noong iginala niya ang paningin sa paligid. Hinahanap ng mga mata niya ang mga tauhan ni Lucien na sa palagay niya ay daig pa ang katapatan ng mga PSG mismo ng presidente. Kahit kasi nasa loob na ng Castillo ay hindi pa rin
iniiwang mag-isa ng mga ito si Lucien.
Kaya imposibleng hayaan na lang basta ng mga ito na gumala-gala sa loob ng mall na iyon nang mag-isa ang binatilyo. Alin lang sa dalawa, tinakasan nito ang mga iyon o nawawala ito.
Pero mali pala siya. Dahil hindi naman pala ito talaga iniwang mag-isa ng mga tauhan nito. Sapagkat ilang metro mula sa kinaroroonan nito ay alertong nakatayo ang mga tauhan nito. Sadya lang lumayo siguro ang mga iyon dito upang mabigyan ito ng kahit kaunting kalayaan sa pamamasyal nito. Kinawayan niya ang mga ito bago siya humakbang palapit
kay Lucien.
![](https://img.wattpad.com/cover/230576675-288-k2425.jpg)
BINABASA MO ANG
ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GO
RomanceDanieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kanya ni Kamatayan habang si Lucien naman ay bigla na lamang nawala sa buhay niya sa kadahilanang ito la...