CHAPTER 2

937 29 1
                                    



Hindi naman niya masisi ang mga iyon dahil hanggat taglay niya ang pangalan ng kanyang amang ngayon ay nakakulong na sa patung-patong na kasalanang ipinataw dito, mahirap talagang makatagpo siya ng mga taong maluwag na tatanggap sa kanya. Sapagkat hindi lang isang sentensyadong drug lord at smuggler ang kanyang ama. Guilty din ito pati sa pagpapapaslang sa mga kalaban nito at ilang alagad ng batas na naghangad pabagsakin ang sindikatong pinamumunuan nito. Wala itong hindi ginawa mapalago at maprotektahan lang ang ilegal na negosyo nito.

No wonder his mother left them when he was just three. Malamang natuklasan na noon pa man ng kanyang ina ang tunay na pinagkakakitaan ng kanyang ama. Ang hindi lang niya maunawaan ay kung bakit iniwan pa siya ng kanyang ina sa poder ng kanyang ama. Not that his father treated him badly. In fact it was the opposite.

Sapagkat naging mabuti at ulirang ama sa kanya ito. Kaya naman mas mahirap at masakit tanggapin ang lahat ng natuklasan niya mula nang arestuhin ito ng mga NBI agents, pulis at PDEA sa gitna pa man din ng weekend outing nilang mag-ama sa resthouse nila sa Baguio.

Ngayon ay sa poder ng second cousin ng kanyang ama na si Tita Willa siya pansamantalang nakapisan habang inaasikaso pa ang mga papeles niya upang makapunta siya sa Hamiranzi, ang bansang kinaroroonan ng kanyang ina at ng bago nitong pamilya.

Mula sa maalwang pamumuhay niya noon bilang unico hijo ng business tycoon niyang ama, ngayon ay saling-pusa na lang siya sa pamilya ng kanyang tiyahing hindi itinago mula't sapul ang galit at inggit nito sa kanyang ama. Galit na ngayon ay sa kanya nito ibinubunton. Kaya naman mas gusto niyang umaalis sa bahay nito kahit pa mangahulugan iyon ng pagtambay niya dito sa loob ng eskwelahan.

At bagamat hindi niya pa rin madesisyunan kung gusto nga

ba niyang pumisan sa poder ng kanyang ina at ng bagong

pamilya nito lalo pa ang manirahan sa ibang bayan, mas ayos na iyon kaysa patuloy siyang manirahan sa poder ng Tita Willa niya.

ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon