CHAPTER 14

702 22 2
                                    


Estancia Estates, Yeremey, Hamiranzi

NAGSISIMULA nang lumamig ang panahon. Palapit na kasi ang taglamig. Ilang linggo na lang at magsisimula nang bumagsak ang mga unang patak ng niyebe at matatakpan na naman niyon ang buong Yeremey. Magbubunyi ang maraming batang sabik na muling makagawa ng mga snowman at makasakay sa sled.

Subalit para sa mga naninirahan sa Estancia Estates, sa loob ng malaking palasyong tahanan ng Conde ng Gaveru na ngayon ay magtatatlong buwan na ring bagong Baron ng Yeremey, hindi saya ang dulot ng pagdating ng taglamig. Mas nanariwa sa lahat ang kasamang mapait at pangit na mga alaala ng taglamig limang taon na ang nakararaan, lalo na sa lalaking itinuturing ng lahat ng taga-Yeremey na isang misteryoso at nakakasindak na nilalang.

Sa tuktok na silid sa west wing ng palasyong tinagurian ng maraming naninirahan sa loob at labas ng Estancia Estates na "kastilyo ng leon" dahil sa mga higanteng leon na estatwa sa bakal na gates.

Sa entrada ng kastilyo ay nag-uusap sa mahihinang tinig ang dalawang matandang babaeng magkaharap habang umiinom ng tsa. Ang isa ay halatang sopistikada at marangya base sa mamahaling damit at mga alahas na suot at sa kilos na animo reyna sa pagkaelegante. Ang isa naman ay halatang tauhan ng una base sa simpleng kasuotan at mapagpakumbabang kilos nito sa kaharap.

"Do you think she will come, Shula?" untag ni Lady Gladiola sa kanyang pinagkakatiwalaang personal assistant at malayong kamag-anak. Ito ang bukod-tanging tauhan niyang nanatili sa kanyang serbisyo sa kabila ng pagbagsak ng kanyang katayuan sa buhay pagkamatay ni Korudon. Sa kabila ng walang katiyakang kinabukasan niya noon dahil hindi pa siya sigurado kung maaatim ng kanyang apong kalimutan ang lahat ng kasalanan niya rito at ang mga pagkukulang na maaari sanang bumago sa kinagisnan nitong buhay, nanatili sa kanyang tabi si Shula. Ang hula nga niya ay ito ang nagparating kay Lucien sa abang kalagayan niya noong hindi pa niya malunok ang kanyang napakataas na pride para humingi ng tulong sa kanyang apo.

"Darating siya, Madame. Hindi ba at tiniyak na iyon sa inyo ni Mr. Aseron?"

"Oo. Pero kung makikita niya ang hitsura ng Estancia ngayon, malamang ay magduda na siya hindi pa man siya tumutuntong sa loob nito. Malamang ay matakot na siyang tumuloy pa at magpahatid agad pabalik sa airport."

"Pasensiya na kayo sa sasabihin ko, Madame, pero ang totoo, mas nag-aalala ako sa magiging reaksiyon niya kapag nakita niya si Lord Lucien," wika ni Shula sa mas mahinang boses na para bang nangangambang marinig ito ng tinutukoy na amo ng buong Estancia.

Ang among animo anino sa gabi na hindi makita ng mga tauhan ng palasyo. May ilan pa ngang nagsasabi na marahil ay patay na raw talaga ito at nagpapanggap lang ang mga tauhan nitong sina Fiorel, Mosimo, at Singh na galing sa amo ng mga ito ang bawat utos na ipinaparating sa lahat. Subalit dahil may iilang tauhan na nakakakita mismo kay Lucien, hindi gaanong pinaniniwalaan ang sapantaha ng iba. At ang mga nakakakita sa amo ng mga itong iyon ay dalawa lang ang nagiging reaksiyon: labis na pagkasindak na halos magtatakbo ang mga ito palayo sa palasyo o labis na pagkahabag na isinumpa ng mga itong dodoblehin ang sipag at katapatan sa among minsang tinrato rin naman silang tila pamilya nito.

Ibinaba ni Lady Gladiola sa ibabaw ng mesa ang hawak na tasa ng tsa. Gustuhin man niyang kastiguhin ang tauhan ay hindi niya magawa. Siya man ay iyon din ang pangamba. Siya man kasi ay hindi pa rin maiwasang mapangiwi sa pagkasindak at awa tuwing nakakaharap niya ang apo. At iyon ay sa kabila ng abot-abot niyang pagsisisi sa mga kakulangan at kalamigan niya rito noong bata pa ito, at labis na pasasalamat sa pagkupkop nito sa kanya sa kabila ng mga nagawa niya rito noon.

Hinihiling niya na sana ay tingnan ng inaasahan nilang darating na bisita ang kalooban ng apo niya at hindi lang ang panlabas nitong anyo ngayon. Because she wanted him to be happy. He deserved that after all the unhappiness he had gone through in his life. At batid niyang tanging si Danieca Aseron lamang ang may kakayahang muling bigyang-kulay at sigla ang kaaba-abang buhay ng apo niya ngayon.

ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon