"Oh my gosh! Oh my gosh! OH MY GOSH!!" Ina screamed. She and Riki were on video chat.
"Ano ka ba?" Riki chuckled. "Parang hindi ikaw ang una kong sinabihan"
"Ehh...at least confirmed na talaga ngayon..." Ina reasoned.
After careful research and asking around, Riki was able to find an obstetrician who confirmed her pregnancy. Riki's child would be the third grandchild in her family, it was going to be the first for Niko's family. Both future grandparents were equally excited for the newest addition to the family.
"So, ano ang magiging future inaanak ko, babae o lalake?"
"At sigurado kang ikaw ang Ninang ha?" Riki giggled.
"Diba nag-promise tayo sa isa't isa na aalagaan natin ang bawat isa?"
"Kasama ang anak?"
"So, ayaw mo?"
"Hindi naman sa ganun. Pero Bokik, wag sana maging kikay ang anak ko kung girl man sya ha?"
"Hmp! Basta! Magsshopping at salon-day kami nyang si Princess..."
"Princess?"
"...kung girl yang pinagbubuntis mo.."
"Eh paano kung lalake? Mag-s-shopping din kayo at spa?"
"Bakit hindi? Anong masama sa pag-shopping ng lalake?"
"Wala naman..."
"Hmm...siguro ipapasyal ko sya sa science museum o kaya amusement park..."
"Sabagay, may pagka-macho ka naman...naalala mo ba nung high school tayo? Yung umakyat ka ng puno nung nag-camping tayo?"
"Buset! Wag mo na paalala..."
"Paano ka nga bumababa nun? Ang yabang kasi..." Riki was in a fit of laughter.
"...nahulog ako...nabutas yung jogging pants ko..."
"Buti nalang wala yung mga boys..."
"Wala ba? Eh si Jimboy ang naalala kong tumakbo nung sumigaw ako kasi nga mahuhulog na ako nun..."
"Ah oo...naalala ko na...yung barkada nila Jimboy at Rex...bakit ka nga ba umakyat ng puno?"
"Kasi diba sabi may hahanaping gamit na nasa listahan na binigay..."
"...treasure hunt..."
