Chapter Five

2.6K 87 3
                                    

     Muling dinala ni Dylan si Savi sa isang lamesa matapos ang sayaw nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Muling dinala ni Dylan si Savi sa isang lamesa matapos ang sayaw nila. Ngayon ay kasama na nila ang pamilya ni Dylan. Napansin din ni Savi ang panay na pagtingin ng ina ni Dylan na si Esmeralda sa kaniya.

Kanina pa hinahanap ng mga mata niya ang lalaking nakasayaw kanina. Ngunit hindi na niya ito makita. Bakit kaya hindi nito kasama ang kapatid ni Dylan?

Bianca later joined their table. She was now wearing a different gown, much simpler than the first one. Nang magtama ang tingin nila ni Savi ay umirap ito at hindi naman manhid si Savi para hindi mapansin na ayaw ng kapatid ni Dylan sa kaniya.

Hindi na lang niya ito binanggit dahil ayaw naman niyang sirain ang gabi dahil lang pakiramdam niya ay hindi siya gusto ng dalaga.

"Sweetheart, bakit naka-simangot," tanong ni Sander sa anak.

Lahat sila ay napunta ang atensyon kay Biana na kauupo lang.

"Chandler left. The staff told me," ani Bianca.

"Hindi siya nag-paalam sayo?" tanong ni Esmeralda.

"He didn't. It's my birthday and he just left." Bakas ang inis sa mukha at boses ni Bianca.

"You know that he's a busy man, there might be some kind of emergency at work," Sander tried to reason out. It was rumored that Chandler was soon being appointed as the CEO of his father's company, which is why it's not a surprise that he became lot busier than before.

Hindi na muling nag-salita si Bianca kahit pa hindi pa rin sapat ang rason na sinabi ng ama niya para sa kaniya. Gano'n din si Esmeralda, pinili na lang din niyang tumahimik. Lalo na at hindi sila komportable na pag-usapan ang mga importanteng bagay sa harap ng taong kakikilala lang nila.

"Dylan," tawag ni Esmeralda sa panganay niyang anak. "You and I have a lot to talk about. It can't wait anymore."

Pilit na ngumiti si Dylan sa kaniyang ina bago humarap kay Savi upang magpaalam.

"Balik din ako agad," aniya. Saglit niyang hinalikan ang pisnge ni Savi bago tumayo.

"Excuse us," ani Esmeralda. Nang magakatinginan sila ni Savi ay agad tumaas ang kilay niya't ngumisi sa kasintahan ng anak.

Ngumiti lang si Savi pabalik sa in ani Dylan bago maglakad ang mag-ina palayo sa kaniya. Binalik ni Savi ang atensyon niya sa mga kasama. Medyo kinakabahan pa rin siya dahil pamilya ni Dylan ang kaharap niya't wala pa sa tabi niya ang kasintahan.

"So, Savi, do you live in Visayas too? I'm sorry, hindi kasi madalas magkwento sa 'min si Dylan. I feel bad since I don't know anything about you."

"It's alright po. I actually live with, Dylan. Along with my son." Dahil wala namang relasyon sina Savi at Dylan noong ipanganak niya si Sylver, karamihan sa mga taong malapit sa kanila ay alam na hindi totoong anak ni Dylan ang bata. Hindi rin naman nila ito nililihim.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon