Chapter Seventeen

1.4K 58 11
                                    

Savanna's heart was pounding as she chose her dress for the evening at the Salvedo's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Savanna's heart was pounding as she chose her dress for the evening at the Salvedo's. She stared at herself in the mirror, and she could almost see her younger self standing before her.

The teenage Savanna that considered Chandler more than just a friend or lover, but her family. She swallowed hard before taking off the towel and putting the dress on. It was a casual chiffon dress with long sleeves, and a few inches above the knee.

Dylan was still at the hospital. Sylver was with Kyla at their living room, so Savi had their bedroom all to herself.

Tinali niya ang kalahati ng buhok at nakalugay naman ang natira. Nag-clip din siya ng ribbon sa likod at naglagay ng ka-unting make-up sa labi't mata niya.

Paulit-ulit ang malalalim niyang hinga nang matapos siyang mag-ayos. Kung pwede lang ay tumakas na siya mula sa dahilan ng kaba niya.

Mariin siyang napapikit upang pigilan ang sarili na muling umiyak. Wala naman na iyong maitutulong. Kailangan lang niyang panindigan ang desisyon at umasang magiging maayos din ang lahat.

Napatingin si Savi sa pinto nang makarinig siya ng katok. Binuksan niya iyon at bumungad sa kaniya si Dylan. Naka-suot ito ng puting dress-shirt at mukhang handa na rin umalis.

"Yan na susuotin mo?" tanong ni Savi.

Ngumiti si Dylan at hinalikan muna ang pisnge ni Savi bago tumango.

"Nagbihis na 'ko sa ospital. . ." Tinignan ni Dylan ang suot ni Savi bago muling magsalita, "ang ganda mo nanaman."

Saglit na umiwas ng tingin si Savi habang nakangisi. Umiling siya bago ibalik ang tingin kay Dylan.

"Papasukin na muna rito si Sylver, tapos alis na tayo," ani Savi.

Sumang-ayon naman si Dylan at tumalikod upang kunin ang bata mulankay Kyla. Si Dylan na ang nagpasok kay Sylver sa kwarto. Iniwan niya itong nanonood habang bantay ni Kyla.

"Let's go, baka humabol pa," sabi ni Dylan nang makalabas siya ng kwarto.

Tumango si Savi. Medyo nagulat pa siya nang hawakan ni Dylan ang kamay niya. Napansin iyon ni Dylan pero hindi na lang siya nagsalita.

Sabay na lumabas ang dalawa. Habang papunta sa bahay ng mga Salvedo ay malalim pa rin ang iniisip ni Savanna.

Gusto man niyang sabihin kay Dylan ang tungkol kay Chandler ay hindi naman niya alam kung paano. Malayo na nga ang loob nito sa pamilya tapos ay dadagdag pa ang nakaraan niya.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon