Chapter Thirteen

374 8 0
                                        

     "I'll get changed," sabi ni Chandler

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     "I'll get changed," sabi ni Chandler.

Tahimik lang si Savi at napansin 'yon ni Dylan. She usually exuded an approachable ambiance. But this time, her expression was nothing close to her usual self.

"Is something wrong?" tanong ni Dylan kay Savi.

Napatingin si Savi sa kasintahan at agad na pinilit ngumiti. Mabilis siyang umiling bago magsalita.

"Wala naman. Alam mo bang umuwi na si Bianca?" pag-iiba ni Savi ng usapan.

"Ah yeah, alam ko."

Mayamaya lang ay lumabas na rin si Chandler mula sa kwarto niya. Ngayon ay nakashorts na lang ito at simpleng polo. Kahit si Dylan ay nakasuot lang din ng shorts at T-shirt. Habang si Savi naman ay naka-dress na hanggang tuhod lang, sa loob no'n ay two-piece swimsuit.

"Let's go?" sabi ni Chandler sa bata. Nginitian niya si Sylver at agad namang humawak sa kaniya ang bata.

"I didn't know that my son was fond of you," ani Dylan. Dinala niya ang tingin kay Sylver bago muling magsalita, "Sylver, come here. Punta na tayo sa pool."

Nilahad ni Dylan ang kamay niya sa bata. Tinignan naman ni Sylver si Chandler bago bitiwan ang kamay nito at kunin ang kay Dylan. Lihim na nainis si Chandler sa kaharap kaya naman nauna na siyang lumabas.

Nang makarating sila sa indoor pool ay may ilang bisita sa loob. May kalakihan naman ang lugar at nasa kabilang dulo ang iilang tao na nauna sakanila.

Bumitiw si Sylver kay Dylan at dali-daling niyaya si Chandler papunta sa pool. Binaling ni Dylan ang atensyon da katabi.

"Mag-siswimming ka rin?" tanong niya rito.

"Ah hindi na, ikaw?" tugon ni Savi.

"Mamaya na siguro—"

Hindi natuloy ni Dylan ang sinasabi nang marinig nila ang tawa ni Sylver. Wala na itong pang-itaas at hawak-hawak ni Chandler habang nakababad sa tubig.

Napunta naman ang tingin ng dalawa sa lalaking may hawak ng anak nila. Tinanggal na ni Chandler ang polo niya at ngayon ay kita-kita ang maganda niyang katawan. Kahit ang dalawang babae na nasa loob ng pool ay nakatitig kay Chandler.

Tinignan ni Dylan si Savi upang malaman kung nakatingin din ba ito kay Chandler. Umiwas man ng tingin si Savi ay naabutan pa rin ni Dylan ang tingin niya sa lalaki.

Bumuntonghininga si Dylan bago hawakan ang laylayan ng damit niya. Nang itaas niya ito ay napunta naman sa katawan niya ang tingin ni Savi.

Dylan's body makes him worthy of becoming a model too. But Chandler's built was a bit bigger. Nonetheless, their body suits them and complement their faces. Dylan just doesn't have a lot of time for workouts.

"A-akala ko ba mamaya ka pa pupunta sa pool?" tanong ni Savi, nabigla siya nang magtanggal ng damit si Dylan.

"I always take my shirt off kapag nasa pool tayo," sagot ni Dylan matapos tuluyang matanggal ang damit niya. "But uh, you should keep your dress on. Hindi ka naman lalangoy eh, 'di ba?"

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon